CHAPTER Fifty Seven: Revenge

30 0 0
                                    

LOVELY'S POV

Pesteeeeng lalaki! Magku-kwento na lang sobrang bitin pa. Hindi niya ba alam illegal ang maging cliff hanger? Jusko! Isipa ko siya papuntang Mars eh ng malaman niya.

Ayoko na ng ganito. Ayoko ng palaging nasa death line ang buhay ko. Sawa na ko sa ganito. Gaano ba kalaki ang kasalanan ko sa past life at naging ganito ako ngayon.

Ang tagal ni Pangeeeet!

Ano ba talaga?

Ililigtas niya ko o hindi?

Wag siyang mangako kung hindi niya kayang tuparin! Ipalapa ko siya sa leon ng malaman niya. Ugh. Peste! Nakikisabay sa kapestehan ko ang suot 'kong gown. Pati ang heels ko!

I forgot.

May baril ako sa hita. Hindi ba nila alam?

At isa pa.

May tracker ako. Pero ang lecheng damuhong lalaking 'yon! Ang bilis nalaman na tracker siya. Punyeta! Paano na ko nito?

"Hoy! Ikaw. Pinapatawag ka ni Master Z." Nakaturong sabi sakin ng isang goons dun.

Pinandilatan ko naman siya ng mata. "Bopols ka ba? Paano ako makakapunta doon eh may tali ako?" Sabay nguso ng bibig ko sa kamay at paa.

Nagkakamot naman siyang lumapit sakin at pinagtatanggal ang tali.

"Bilisan mo."

"Wow Kuya. Ikaw nga 'tong mabagal diyan." Langhiya 'to. Ipasa ba naman sakin ang kasalanan niya?

Tumayo ako at hinawakan niya ulit ako sa balikat habang may nakaturong baril sa tagiliran ko.

Hindi talaga sila marunong magbasa noh? Ansabe sa rules bawal ang kutsilyo at baril. Don't tell me laruan lang 'to? Pero mukhang malabo.

"Kuya! Dahan dahan naman. Kitang naka gown ako eh. Makahila naman kasi. Hindi naman ako tatakas eh. Sa lagay ko na 'to? Makakatakas? Psh."

Tapos ang laki laki pa ng hakbang niya. Paki compare naman sa short legged na katulad ko diba? Walang panama!

Hindi ako sinagot ni Kuya Goon. Dumating kami sa isang open area. Oo open area kasi langit na ang nakikita ko. Wow. Gabi na pala.

Napansin ko na may isang motor dun at pinalilibutan niya ang isang maliit na space sa gitna. May show case ba na mangyayari?

"Master Z." Sabay luhod nila. Yuck. Ambadoy talagaaaa! May paluhod luhod pa silang nalalaman. Kalerkey!

Nakita ko naman si Kun. Psh. Simula ng nalaman ko na siya si Z. Nawala na lahat ng admiration ko sa kanya.

"Ano na naman ang gagawin mo sakin ngayon? Kung hindi sasampalin ipapabunggo mo naman this time? Wala na bang bago?"

I am getting annoyed guys!

May sininyasan siya dun at nagulat na lang ako ng makita kung sino ang hila hila nilang lalaki. Can't be.

"Jason!" Tatakbo sana ako palapit sa kanya pero hinagip ni Kun ang kamay ko pabalik kaya nagkatinginan kami.

"Desperate much? Hindi ko akalain na ganito ka maglaro. Napaduwag mo Kun. Kahit inosente papatulan mo. Kahit 'yung wala ng kalaban laban hindi mo tatantanan. Grabe. Malaki nga ang katawan pero kasing liit naman ng utak mo ang isang nursery."

Namumuro na siya. Nababanas na ko. Tiningnan ko si Jason. Hindi ko maintindihan ang mukha niya. Sobrang sabog. Para siyang gulay na nalalanta. Naaawa ako sa kanya.

"Wala kang puso. Pinabugbog mo siya? Eh kulang nalang patayin mo si Jason eh. Bakit ba kasi KUN?! Hindi kita maintindihan!"

Ramdam ko na mas humigpit pa ang paghawak niya sa kamay ko. Pero hindi ako nagpatinag. Hindi ako magmumukhang talunan.

Fraternity SweetheartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon