CHAPTER One: I Meet a Gangster

434 8 1
                                    


LOVELY'S POV

Kainis na Jason na 'to. Kanina ko pa siya pinagtataguan at kanina niya pa ako pinaghahanap. Kelan ba siya mapapagod? Asan na ba kasi sina Kahlan? Naiwan ko pa naman sa kanila 'yung bag ko at nando'n ang phone ko. Kapag makita ko lang talaga sila babatukan ko talaga silang lahat sa pag-iwan sa magandang ako.

"Lovely my labs. Where are you?" Naririndi na talaga ako kay Jason. Si Jason na nanliligaw sakin since last year. Kung alam ko lang na magiging ganito siya ka obsess sakin sana hindi ko na siya pinayagan pa.

Nakakainis na din ang ganitong set-up sa tuwing inaabangan niya ako o di naman kaya nasasalubong ko siya. Pagtataguan ko siya hanggang sa di niya na ako makita at hahanapin niya ako hanggang sa makita niya ako. Hide and seek lang ang peg naming dalawa.

"Lovely my laaaabs. Yohooo! Lumabas ka na diyan." Siniksik ko pa ng lalo ang sarili ko sa likuran ng pintuan at para na nga akong tanga dito. Mabuti na lang at walang tao sa classroom na 'to.

"My labs. Bibilang ako ng tatlo dapat nakatago ka na." Hindi ba siya nasasawa sa kakatawag na 'my labs' sakin? Kasi ako bwesit na bwesit na talaga.

"Isa. Dalawa." Palapit ng palapit ang boses niya sa kinaroroonan ko. Hindi kaya mahuli niya ako?

Napatalon ako dahil sa gulat ng may kamay na humawak sa kaliwang braso ko.

"Tatlo." Ngiti ngiti siyang nakatingin sakin. Hala naka drugs ba si Jason?

"J-jason."

"Andito ka lang pala. Lovely my labs naman eh. Pinagtataguan mo na naman ako." Nagkamot pa siya ng ulo niya. May kuto ba siya?

Dahil sa napuno na ang glass of patience ko umawas na ito.

"ANO BA JASON! Bitawan mo nga ako! Nakakarindi ka na alam mo ba 'yun ha?! Nakakabwesit ka na din para lang sa malaman mo! Naiinis ako sa pagmumukha mo! Lubayan mo na ako! Ano ba sa HINDI ang hindi mo maintindihan? Unli ka ba ha? Pwes ako HINDI! Ubos na ubos na ang pasensya ko sayo! Siguro naman naiintindihan mo 'yun? Kasi di ka naman BOBO diba Jason? Kaya pwede ba. LUBAYAN mo na ako! Dahil hindi kita gusto. ALIS!"

Tinulak ko siya at tumakbo ng mabilis sa hallway namin. At dahil sa hindi niya maintindihan ang sinabi ko sa kanya kanina kaya sinundan niya ako.

"Umalis ka na nga Jason!" Nakatingin ako sa likuran ko kasi kapag tumigil ako baka maabutan niya ako. Ayaw ko naman 'yun noh! Baka katapusan na ng buhay ko kapag nagkataon. At isa pa nakakatakot ang mukha niya ngayon.

"Lovely my labs! Alam 'kong nasabi mo lang 'yun kasi galit ka. Alam ko naman na mahal na mahal mo ako eh! Kasi ako mahal na mahal kita!" Ilang beses ba inire ng nanay niya 'to?

"Tigilan mo na nga ako Jason kasi hindi kita gusto! Itatak mo 'yan sa makitid 'mong kukote! Pasigaw na sagot ko sa kanya.

"HINDI! HINDI! Mahal mo ako. Lovely my labs naman! Wag mo na akong pahirapan oh!" Para siyang asong ulol na habol ng habol sakin.

"My labs! Mahal mo ako diba?" Hindi naman bobo si Jason ah! Bakit hindi niya maintindihan ang sinabi ko sa kanya kanina?

"Bwesit Jason! Tama na nga! Nakakainis ka na!" Mabuti na lang talaga at walang ongoing class ngayon kasi kapag nagkataon papagalitan kami kaya malaya kaming nagtatakbuhan at nagsisigawan dito.

"Lovely my labs. Mahal na mahal kita!" Nakakainis na talaga siya! Ilang beses ko bang dapat sabihin ang salitang HINDI! Para siyang linta feeling niya syota niya ako at para siyang tagyawat sarap tirisin!

"My labs! Tumigil ka na! Sabihin mo lang sakin na mahal mo ako! Hindi naman 'yun mahirap ah!" Eh makitid nga talaga ang utak nito oh! Sinabing hindi ko nga siya gusto eh! Ganyan ba siya magkagusto? Nagiging tanga dahil sa pag-ibig?

Fraternity SweetheartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon