CHAPTER Two: Gang Fight

227 8 3
                                    


HEXTER'S POV

Inaantok akong lumabas ng school. I can't sleep well because of that stupid bitch. Why is she my seatmate in the first place? That BITCH. She's getting into my nerves you know.

Nakasakay na ako sa motor ko nang biglang tumunog ang IPHONE ko mula sa bulsa ng slacks ko kaya nag-abala pa akong kunin para tingnan kung sinong GAGO ang tumawag.

Himala. My prediction is right. Isang GAGO nga ang tumatawag sakin.

"Buhay ka pa pala?" Bati ko sa kanya.

"Well. I'm sorry to disappoint you H. I'm still breathing." At panakla siyang tumawa na parang GAGO.

"Ang sabi nga nila matagal mamatay ang mga masasamang damong kagaya mo Junior."

"Masamang damo man ituring atleast mabubuhay ako ng matagal. Hindi kagaya mo na nabubuhay lamang dahil sa naniniwala ka na isa kang anghel. Hindi ba tama ako?" Napayukom ko ang kamao 'kong gusto nang matikman ang katawan niya.

Gusto ko siyang durugin ng pinong pino at sunugin ang kaluluwa niya.

"Tell me. Where?" Tatapusin ko na lang 'to.

"Mag-isa ka lang dapat. Walang kasamang ibang asungot." Ang gago sadyang napakadaya.

"Kahit mag-isa pa ako wala kayong binatbat sa isang tulad ko. Sige hintayin mo ko diyan. At dapat tumawag ka na sa pagawaan ng kabaong at bumili ng isa. Alam mo na incase na mamatay ka man ngayon. Wag ka mag-alala ako ang lilibing sayo."

Bago ko pinaharurot ang sinasakyan ko nag-text muna ako sa kanila. Alam na nila ang gagawin.

***

LOVELY'S POV

Palabas na ako ng paaralan ng makita ko si Hexter na may kausap sa phone at mukhang galit na galit.

After niyang makipag-usap sa kausap niya sa phone ay agad niyang pinaharurot ang motor niya paalis. Sobrang bilis nga eh.

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa kukote ko at sinundan ko siya. Syempre sumakay ako alangan naman tumakbo ako. HAIST.

Saan ba pupunta ang taong ito? Makikipag-away na naman ba siya o sila? Teka nga nasaan ang mga kasama niya? Hindi ba niya sinabi? O mali lang talaga ang hinala ko?

"Masama ang kutob ko."

Medyo malayo na kami sa City. At medyo delikado na 'yung dinadaanan namin.

"Saan ba kasi siya pupunta? Ang siraulong 'to."

Pasalamat siya at alam ko kung paano umuwi kundi patay siya sakin kapag ako naligaw dito.

Like hello Lovely! Sinabihan ka ba niya na sundan mo siya? Hindi naman diba?

Oo nga noh? Pero kasi. HAIST. Bahala na nga. Kainis naman oh.

Tumigil kami sa isang lumang bodega. Ano naman ang gagawin niya dito? Iinom? Magda-drugs?

Nagbayad na ako kay Manong driver at lumabas na. Nakita ko naman na naka park 'yung motor niya sa may puno.

Nagulat ako ng may narinig akong tunog mula sa loob. Hindi lang isang beses kasi naulit pa ulit. Dahil sa kuryosidad ko dahan-dahan akong lumapit sa nakangawang pintuan at sinilip ang nangyayari sa loob.

Alam nyo kung anong nangyayari sa loob? I'll give you guys an options.

a. Naglalaro sila ng apoy

b. Sumasayaw sila ng Kills this Love ng BlackPink

c. Kumakanta sila ng Akin ka na Lang

Fraternity SweetheartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon