CHAPTER Three: Rule No.9

179 7 4
                                    


LOVELY'S POV

"What are you talking about? What is this bullsh*t rule you were saying?" Inis na inis na ako sa lalaking nasa harapan ko. Kulang na lang bumuga ako ng apoy sa harapan niya at ng matusta siya.

Kalat na kalat nasa campus ang pagiging kami KUNU na ang totoo ay isang kasinungalingan lang! ARGGGGHHH. Mamamatay yata ako ng maaga dahil sa kupal na 'to eh!

"Would you please listen to me first?" Mahinahon pero may pigil ang pagsasalita niya.

"Why should I? Dapat nga nasa eskwelahan ka na at nagpa-public announcement regarding the issue. Na hindi tayo at walang tayo! Hexter naman." Pabalik balik ako sa paglalakad sa lugar nila.

Nasa hide out nila kami ngayon. Sapilitan nila akong dinala dito kasi kanina nagwawala ako na parang sira at nasuntok ko lang naman ang Leader nila.

"Yun naman ang hindi mangyayari." Nagulat kami ng magsalita sa isang sulok si Clark. Siya kasi ang pinakatahimik sa kanila. Sasalita lang siya kapag importante.

"At bakit naman hindi? Tell me." Utos ko sa kanya.

Mula sa pagkayuko ay inangat niya ang ulo niya at tinitigan ako.

"We have our rules. And accidentally because of you we broke one of our rules and that is because of your own stupidity." Biglang umusok ang dalawang tenga ko sa sagot niya.

Susugurin ko na dapat siya para matikman niya din ang kamao ko ng pinigilan ako sa isang braso ni Kit. Napakaseryoso ng tingin niya sakin pero hindi naman mahigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko.

"Rule No.9; If an innocent people involve in a gang fight. It's our duty to protect them. Simple as that." Explain sakin ni Kit.

"Simple as that? Hell no! Ano naman ang kinalaman ko diyan sa rules niyo?!" Buong lakas 'kong inalis ang kamay niya mula sa pagkakahawak sa braso ko.

"Ikaw naman kasi ang may kasalanan Lovely eh. Sana kasi hindi mo na lang sinundan that time si Hexter. Alam mo naman na may away siya." Sabat naman ni Cloud sakin habang kumakain siya ng chips.

"Tama. Kaya nga diba sa mga tagong lugar kami nakikipag-away dahil ayaw namin na may inosenteng tao ang madamay." Dagdag naman ng kakambal niyang si Sky.

"Pero dahil sa kaengutan mo nasabit tuloy kami at wala ng choice kundi ang gawin ito. Wala kaming magagawa kaysa hayaan ka namin. Gusto mo bang makita ka nila at mapagdiskitahan ulit?" Di ko alam na may ganitong side pala si Jarred. Buong akala ko kasi sa pag-iingay lang siya magaling.

Nilingon ko si Hexter Pangit na abala sa ilong niyang pinadugo ko kanina.

"Tch. Kaya ko ang sarili ko noh. I don't need all your help. Thanks pero ayokong maging girlfriend ng Hexter na 'yan." Sabi ko sabay labas ng lungga nila.

"Ang tigas ng ulo niya. Anong gagawin natin Hex?" Rinig ko pang tanong ni Jarred kay Hexter.

"Leave her. I don't need her also. Like I care." Dahil sa sagot niya mas lalong uminit ang ulo ko. Mas lalong di ko gugustuhin maging HASHTAG GIRLFRIEND mo. Yoko nga. Asa ka.

"Bwesit talaga siya. Hexter pangit ka talaga." Inis na sabi ko at umalis na.

Makaalis na nga at wala ng araw.

***

HEXTER'S POV

Kanina pa nila ako kinukulit na sundan daw namin 'yung matigas na ulo na babaeng 'yun dahil baka may mangyaring masama daw sa kanya.

"She can handle herself. Believe me." Sagot ko sa kanila. Oh bakit ba? Inulit ko lang ang sinabi niya kanina.

Tinawagan ko naman si Butler Will para pasundan siya. Kahit na inis na inis ako sa babaeng 'yun pero kaklase ko parin siya.

Fraternity SweetheartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon