CHAPTER Six: His Place

139 7 3
                                    


LOVELY'S POV

Nag-aayos ako ng mga gamit ko sa kwartong sinabi niya. Halos hindi nga ako makapaniwala na ang ganda ng lugar niya. I mean ang bahay niya. Napaka SOSYAL!

Para sa isang lalaki? Na-uh.

"Hindi naman masama." Atleast kasi dito safe na libre pa ang titirahan ko! Oh dba? Double purpose pa!

Ah NO! Triple purpose pala kasi 'yung food ko libre. Hihihi.

"Bitch."

Napasimangot ako ng marinig ko ang boses niya. Nakadungaw lang siya sa may pintuan at nakatingin sakin.

"Ano?" Mataray 'kong tanong sa kanya. Sa totoo lang kanina pa siyang ganyan. Nakakainis lang.

"Can I have a word?" Nagulantang ako sa tanong niya kaya nabitawan ko ang mga damit ko at nilapitan siya.

Hahawakan ko na sana ang noo niya pero tinapik niya lang ang kamay ko. MAY HIMALA BANG NANGYAYARI SA KANYA?

"Ilabas mo na nga 'yung totoong Hexter! Dali na! Nasaan ka na Hexter? Yohoooo!" Nagkunwari pa akong lumabas ng kwarto para hanapin siya.

"Saan na ba 'yun? Tinago mo ba? Impostor ka noh?!" Sabay turo sa kanya.

"Bitch. Im serious here!"

"Sabi ko nga eh. Ikaw ang original."

Humakbang na siya papasok ng kwarto. Umupo naman ako sa kama at siya naman nakatayo lang sa may pintuan.

Himala? Nagtanong kung pwede niya 'kong kausapin. Is he joking me?

"Ano ba kasi 'yun? Sasabihin mo ba o tititig ka na lang diyan?" Sabi ko sa kanya. May topak din yata to eh. Psh. Sabi kakausapin ako pero tingnan mo nga naman nakatayo lang siya.

"Me? Will staring at you? You wish." Sarap niyang patayin. Promise.

Nakakagigil siya men.

"Bwesit. Sabihin mo na nga ang gusto mong sabihin at lumayas ka na dito!"

Sinabi ko ba na ako ang tinititigan niya? Di ba pwede na ang sahig muna o pader? Ako kaagad agad? Gusto niya bang matikman ang sipa ko sa future niya?

"It's my house remember?"

Ah. Oo nga pala. Sorry naman. Na carried away lang. Nakatingin lang siya muli sakin. May dumi ba ko sa mukha? O sadyang nagagandahan lang siya sakin?

"You look terrible." Then he smirked.

Punyetang lalaking ito! Hinihingi ko ba opinion niya? Leche.

Tumahimik na lang ako kasi wala talaga akong planong makipagtalo sa kanya. Not now medyo hindi pa ko nakakarecover kanina.

May tinapon siya bigla sakin.

"Susi?" At itinaas ko pa ito.

"Can't you see?"

Duh! Hindi ako bulag noh! Pasalamat talaga siya at pinatira niya ko dito kasi kung hindi niya lang bahay 'to. NAKUUUU! Nakatikim na siya sakin ng sapak.

"That's the key of the house. It's not an ordinary key." Napatingin naman ako sa susi dahil sa sinabi niya.

Tama nga siya. Ibang susi siya. Ibig 'kong sabihin hindi isang ordinaryo. Parang may metal something kasi. Oh well, metal naman lahat ng susi.

ANO BA KASI ANG PINAGLALABAN KO DITO?

"It's a censored. Only the three of us has that key. Butler Will, me and you. Not even my friends have that. So better keep it safely."

Fraternity SweetheartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon