SKY'S POV
Ang mga walang hiya! Dito pa talaga sa bar namin nag-iinom at naglalasing. Pasalamat sila at kaibigan ko ang mga ugok na 'to.
"Kambaalsh! Ishang bote pa ngassssh!" Napahalakhak kami kay Jarred. Lasing na eh.
"Ossh! Baketssh kayo stumatsawa?" Hahaha. Punyeta. Lasing na lasing na talaga.
Kung ano na kasi ang pinagsasabi. Hindi na maintindihan.
"Clark. Iuwi mo na nga si Jarred. Hindi na 'yan makakadala ng motor niya. Iwan niyo na lang sa labas ang motor at kami na ang papasok mamaya." Utos ko habang nakaturo kay Jarred na nakalaylay ang ulo sa upuan.
Tumango naman siya at pilit na pinatayo si Jarred. Kung anu-ano na nga ang lumalabas sa bibig niya eh.
"Alam mo Clark. Ang shungit shungit mo. Tsk. Tsk."
"Halika na nga at iuuwi na kita sa inyo. Iinom pero hindi naman pala kaya." Naiiritang sabi sa kanya ni Clark at tinulungan pa siya ng kakambal ko na maitayo ito.
"Hindi pa nga ako lashing."
"Tumayo ka na kasi Jarred. Hindi na talaga kita papasukin dito. Iuuwi ka na namin." Cloud. At pinaghihila nila ito para tumayo.
Palabas na sila pero patuloy lang si Jarred sa pagsasabi na HINDI PA KO LASING. Hindi daw. Nag pagewang gewang na nga siya eh. Hindi siya makalakad ng walang alalay. Hay naku.
Ang naiwan na lang ay AKO X KIT X HEXTER X LOVELY.
Pagkatapos kasi kanina ng laban ay agad kaming nagtungo dito. Nakakapagtaka kasi mahabang panahon na ng huli kaming nagtungo dun.
It was two years ago.
"Guys. I think magsiuwian na tayo. Hatinggabi na." Kit said. At nilingon ang wall clock.
12:10 am
"Mabuti pa nga. Tawagan niyo na lang si Clark na umuwi na din after niyang ihatid si Jarred. Baka kasi bumalik 'yun dito." Bilin ko sa kanila.
Nagsitayuan na sila.
Hinatid ko sila sa labas.
"Hexter." Tawag ko sa kanya habang naglalakad sa sasakyan niya.
"Why?"
"Someone is following us. I can sense it. Mag ingat kayong dalawa sa pag-uwi." Kanina ko pa kasi nararamdaman na may mga matang nakatingin samin.
"I know. Kanina ko pa alam. Mag-ingat din kayo dito." Nag apir lang kami at sumakay na sila ni Lovely sa sasakyan nila. Si Kit naman ay sa motor niya.
"Ingat kayo." And I wave to them.
Pumasok naman ako sa loob at sa di inaasahan may nakita akong taong tumatakbo sa di kalayuan.
Hahabulin ko sana.
Kaya lang. May pumipigil sakin sa di ko malamang dahilan.
Baka wala lang siya.
Baka napadaan lang siya.
Sana wala lang siya.
***
SOMEONE'S POV
I run as much as I can.
Sapat na sakin ang makita siya.
Hindi pa rin pala siya nagbabago.
Ganun pa din ang lalaki na nakilala ko noon pa man.
Sky.
I miss you.
***
LOVELY'S POV
BINABASA MO ANG
Fraternity Sweetheart
ActionSabi nila pag nagmahal ka ng isang tao lahat-lahat tungkol sa kanya ay kaya 'mong tanggapin. Pero paano kapag sapilitan kang jinowa? May magagawa ka pa ba? Pero ateng. Isang super duper extra Hot at Genius lang naman ang magiging boylet mo ay tatang...