LOVELY'S POV
"I have no choice but to do this." Do what?
Bigla niya 'kong binuhat na parang bagong kasal.
"Hexter! Ibaba mo na ko!" Sigaw ako ng sigaw. Nakakailang kaya. So please! Pinagtitinginan kami ng mga tao oh!
Buhatin ba naman ako? Pakulo neto?
"Lovely. Sige na. Wag ka ng mag-inarte. Baka hindi ka umabot. Sige ka." Nagsitayuan muli ang mga balahibo ko sa sinabi ni Sky kaya ayun wala na 'kong choice. WALA NA TALAGA.
"Sige na Hex." Sabi ni Kit. Tumango lang naman si Hexter Pangit sa kanya.
Akala ko maglalakad lang siya pero BWESIT! Tumakbo ba naman kaya napahawak tuloy ako ng mabuti sa leeg niya!
"Dahan dahan naman!"
"Quiet." He said in a warning tone.
Mabilis siyang tumakbo at di napasadya na napatingin ako sa mukha niya. Ang bango niya kasi eh. EH? Anong konek? Hahaha.
Basta. Ang kinis ng mukha niya kahit sa may bandang tenga niya may isang peklat na malapad. Pero hindi naman kalakihan.
"Staring me that much Bitch?" Napaiwas nga tuloy ako.
"You wish."
Napatawa siya ng mapakla. Hindi ko na nga lang siya tiningnan. Kainis. Baka kung ano pa ang sabihin niya. Baka sumigaw pa siya ng rape at maniwala ang mga fans niya edi mamamatay ako ng maaga.
May pagka psycho pa naman ang mga fans niya. Mana sa kanya.
"Oh my Gosh! Buhat buhat ni Hexter si Lovely!" – Hindi ko alam kung sino 1
"Oo nga! Grabe! Kainggit talaga!" – Hindi ko alam kung sino 2
Hindi ko na nga lang pinansin at nagawi na naman ang mga leche 'kong mga mata sa may leeg niya. May mole pala siya dun? Ngayon ko lang napansin eh.
Ang totoo niyan attracted ako sa mga lalaki na may nunal sa leeg. Pero asa siya na magugustuhan ko siya. NO WAY TALAGA!
"Hexter. Puputok na ugat mo." Sabi ko. Thanks God. Malapit na kami sa C.R.
Bigla ba naman akong tinapon pasalamat siya nakahawak ako sa may pintuan ng C.R. Isusumbong ko talaga siya kay Kit!
"Ang.Laki.Mong.Baboy." Malakas at every syllable niyang sinabi sakin.
"Tsupi!"
***
Naglalabas ako ng sama ng loob.
"Pwede naman niya 'kong bitawan ng maayos ah! Kelangan talaga itapon niya ko? Paano kung naunang tumama ang ulo ko sa sahig? Hindi ba siya nag-iisip? Akala ko ba matalino siya?"
Napatigil ako kasi nilabasan na naman ako. HAAAYS. Bakit kasi hindi ako aware na may pineapple 'yun. Jusko.
*UUUUGGGGGGGGGGGHHHHHHHHHHHHH* < - Sound kapag naglalabas ka. Hahaha!
"At alam niya ba na nakakasama ng damdamin sa isang babae na sabihan na mabigat siya?" Wala ba siyang puso?
"At hello? Ako isang malaking baboy? Bulag ba siya?!" Gusto niya yatang makita ang sexy 'kong katawan eh!
Pero asa talaga siya. No. No. and No!
"SAMANTHA" Rinig na rinig ko talaga mula sa loob ang sigaw niya. Hindi ba siya marunong maghintay?
"Hindi pa ko tapos!"
"Make it fast!"
"Maghintay ka!"
BINABASA MO ANG
Fraternity Sweetheart
AkcjaSabi nila pag nagmahal ka ng isang tao lahat-lahat tungkol sa kanya ay kaya 'mong tanggapin. Pero paano kapag sapilitan kang jinowa? May magagawa ka pa ba? Pero ateng. Isang super duper extra Hot at Genius lang naman ang magiging boylet mo ay tatang...