Chapter V

262 8 2
                                    

Hindi ko na matandaan kung ilang suntok at sipa ang binigay ko kay Earl nung araw na yun. Pahiyang-pahiya kasi talaga ako sa sarili ko kaya't binuntong ko lahat ng inis ko sa kanya. Panay ang iwas niya kaya wala ring silbi ang effort ko. Sa huli, ako pa din ang talo.

Nung sumunod na araw ay may naabutan akong lalaki sa harap ng locker ko. Hindi ko kilala pero nahalata kong ako ang pakay niya dahil bigla siyang na-tense ng lumapit ako.

Babaliwalain ko na sana, pero bigla niya akong kinalabit.

"Bakit?" tanong ko ng hindi tumitingin sa kanya. 

"A-aira.. may tatanong lang sana ako sa'yo."

I faced him then mouthed, "what?"

Tumingin siya sa kaliwa't kanan niya. Nakatatlong buntong hininga pa siya.

"P-pwede bang manligaw?"

Nanlaki ang mata ko sa narinig ko. Some random dude is asking me this kind of question.

Tila naputulan ako ng dila. Hindi ko alam ang isasagot. Ni hindi ko pa nga alam ang pangalan niya. Hindi ko siya kilala.

Paano ba sagutin ang tanong na kailanma'y hindi mo lubos akalaing maitatanong sa'yo?

Mas mahirap pa to sa equations ng exam ng prof ko sa algebra. Mas mahirap pa sa pina-construct na 500 word-essay ng teacher ko nung highschool. At mas mahirap pa sa pagsulat ng pangalan ko noong uhuging kinder pa lang ako.

Hindi pa ko nakakaisip ng isasagot, nang makaramdam ako ng dalawang kamay na pumatong sa aking magkabilang balikat.

"Pasensya na pre.. reserve na kasi to."

Nilingon ko ang lalaki sa aking likuran. Nagsalubong agad ang kilay ko ng mamataan ko siya.

Ano na namang drama niya?

"G-ganun ba? S-sige, Aira.. alis na ko." Yumuko ang lalaki at umalis na.

Ganun na lang yun? Hindi ba pwedeng bastedin ko muna siya? Kainis! Hindi ko pa kasi nae-experience yun.

Natawa ako sa kagag*han kong naisip. Ang bad ko talaga.

"Anong tinatawa-tawa mo diyan?" Tanong ng epal na nagpaalis kay kuyang babastedin ko sana. 

"Alam mo, epal ka! Ano yung sinasabi mong reserve ako, ha?" Pinanlakihan ko siya ng mata. 

"Bakit? Magpapaligaw ka ba sa isang yun?!"

Sigaw niya sa may mukha ko, medyo nagtalsikan ang laway niya kaya napaface-palm na lang ako. 

"Yuck! Earl!! You're so gross!" Bulyaw ko sa kanya. 

"Ang arte! Pag naghalikan na tayo, hahanap-hanapin mo pa yan." Sabi niya ng nakangisi pa. 

"Mandiri ka nga sa pinagsasabi mo!"

Ang kapal talaga ng mukha ni Earl! As if namang gusto kong matikman ang laway niya? Eww lang ha!

Tumalikod ako at umalis na lang doon. Nagtungo ako sa pinakamalapit na cr para magre-touch at magbawas ng tubig sa katawan.

Pagkalabas ko ng cubicle ay nagulat ako sa aking nasaksihan.

Si Ely at Lorraine naghahalikan.

"E-excuse me.."

Patakbo akong lumabas ng cr. Pilit kong inaalis saking isipan ang aking nasaksihan. First time ko silang nakitang maghalikan, at sa cr pa talaga ng school? Wala na ba silang hiya sa mga makakakita? Nasan ang manners ha? Sabik na sabik naman ata sila sa isa't-isa. Ganyan na ba talaga sila kalala? Ganyan ba kalala ang pagmamahal nila sa isa't-isa?

PansamantalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon