A/N: Sana'y pagtiyagaan niyo kahit maigsi itong UD ko. Busy po sa work at hanggang Saturday ang pasok ko. T____T
----
Pinilit ko ang sariling umalis sa lugar na iyon. Hindi ko inasahang dalawang tao ang matatagpuan ko doon. Buong akala ko'y ako na lang. Kahit hindi pa lubusan ay inakala ko, at umasa akong ako lang.
"Palagi na lang siya.. Kailan magiging ako lang?" naitanong ko na lang sa aking sarili.
"Huwag ka ng umasa. Alam nating lahat na meron siyang iba."
Napatalon ako sa pagkabigla. Hindi ko napansing may kasama na pala akong iba. Gusto ko siyang sigawan pero bigla niya akong hinila para yakapin. Lalo akong napahagulgol dahil sa ginawa niya. Lahat na yata ng luhang naipon sa mata ko ay nailabas ko na. Basang basa ang damit niya dulot ng sipon at luhang umaagos sa aking mukha. Ramdam ko pa ang paghagod niya sa likod ko.
"S-sana.. ikaw na lang.. ang.. m-minahal ko." nasabi ko ng wala sa sarili. Hindi ko sigurado kung bakit ko iyon nasabi. Kusa lang iyon lumabas sa bibig ko. Hindi ko alam kung iyon din ba ang sinisigaw ng subconscious ko.
"Bakit nga ba hindi na lang ako?" tanong niyang nakapagpahinto sa pag-iyak ko.
"A-ano?" Kumalas ako sa pagkakayakap niya.
"W-wala." sagot niyang hindi makatingin ng diretso sa akin at umiling-iling pa.
Tulala pa din ako at di makapaniwala sa narinig ko. Paano nga kaya kung siya ang nagustuhan ko? May mapapala ba ako? Masusuklian kaya ang feelings ko?
"Ganito na lang.. simula ngayon, ako na ang pansamantalang boyfriend mo. You can't say no, because it is not a choice, it's a demand." Ma-otoridad niyang proklama. Hindi kaagad nagsink-in sa utak ko ang sinabi niya. Ilang minuto rin siguro ang lumipas bago ako nakapagreact.
"What the hell?! Are you nuts?!" bulyaw ko sa kanya. Baliw na ba siya?
"I'm not." seryoso ang titig niya sa aking mata. Hindi ko ma-sense ang pagbibiro niya.
"B-but.."
"No buts, Aira. You're mine now."
Laglag ang panga ko. Seryoso ba talaga siya? Ano bang sumapi sa lalaking to?
"Wag kang mag-alala, Aira. Sa oras na makalimutan mo na siya ay pakakawalan na kita. Katulad ng sinabi ko kanina, pansamantala lang. You can treat me as if I'm a stranger, pero itatrato kitang tunay kong girlfriend. At hinding hindi ko hahayaang makalapit siya sayo hangga't hindi ka nakakamove on sa kuya kong gago."
Lumapit siya sa akin at pinunasan ang mukha kong halos natuyuan na ng luha. Nakaramdam ako ng kuryente nang dumapo ang kamay niya sa aking pisngi. Bahagya din akong nanigas sa aking kinatatayuan. Kakaiba talaga ang epekto ni Earl sa akin. Napapasunod niya ako sa gusto niya sa pamamagitan lang ng simpleng salita.
"Y-you don't have to do this, Earl.."
"I don't have to, but I want to." putol na sagot niya sa akin.
"No, Earl! Mind your own business." matigas kong sagot.
Umatras ako at tumalikod na, pero agad akong hinila ni Earl at siniil ng halik. Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya. Pero tumulo din naman ang luha sa aking mata. Hindi dahil sa halik na ninakaw ni Earl, dahil sigurado akong si Ely at Lorraine ang nahagip ng mata ko nang tumalikod ako kanina.
Pumikit na lang ako at tinugon ang halik ni Earl, dahilan upang matigilan siya. Dumilat ako at nakita ko ang seryosong mukha niya. Pinunasan niya ang mga luhang bumagsak galing saking mata at binulungan ako sa may tainga.
"Huwag mong pilitin. Uunti-untiin natin."
BINABASA MO ANG
Pansamantala
Teen FictionShe was there, when he needed her. But he's not there when she needed him. Earl is there to save her, to fix her, and to love her. Will they find love on the process? Or will they end up nothing but an acting couple?