Chapter VII

217 9 2
                                    

A/N: Sinabi kong hahabaan ko sa next UD, pero heto lang kinaya ng utak ko.. Pagtiyagaan niyo na lang. Hihihi! ;) Anyways, Thanks sa mga nagbasa, nagbabasa, at magbabasa pa lang. PLease leave some comment para ma-improve naman ang writing skills ko. wahaha! Kung may skills mang matatawag..

P.S. I love you! Charot! :) Vote na lang din sa gusto.. Thanks!! :D

-----

Hindi ko alam kung anong problema ni Earl sa akin. Palagi ko siyang nahuhuling nakatingin sakin, pero umiiwas din kaagad pag nakikita niyang nakatingin ako sa kanya. Hindi niya din ako kinakausap nitong nagdaang mga araw. At hindi ako sanay. Nakakapanibago kasi. Hindi normal yung kinikilos niya.

"Aira, may problema ba kayo ni Earl?" tanong ni Sam habang nangongopya ng assignment ko.  

"Wala naman..yata? Bakit?" 

"Kasi naman, hindi na siya nagpapapansin sa'yo.. Knowing Earl, araw-araw ka kaya nung ginugulo."

Tumingin siya sakin ng nakataas ang kanyang kaliwang kilay. I just shrugged. Wala talaga akong idea kung bakit weird si Earl ngayon.

Ilang minuto ang lumipas ay biglang pumasok si Earl kasama ang barkada niya. Panay ang tawanan nila pero agad nagseryoso ang mukha niya ng mapansing nakatingin ako sa kanya.

I looked at him at ganun din siya sa akin.

Tumingin si Sam sa akin at tinignan din si Earl. Nagpapalit-palit ang tingin niya sa aming dalawa.

Unang umiwas ng tingin si Earl at nagdiretso sa kanyang upuan. Sinundan ko siya ng tingin, seryoso pa din ang mukha niya at hindi na muling lumingon sa akin.

"O-kay. What was that?" tanong ni Sam.

Nagkibit balikat ako at dumukdok sa armchair ng upuan. Ano ba kasing problema niya? May ginawa ba kong masama? Wala naman akong maalala. In fact, siya nga ang may atraso sa akin dahil binugbog niya si Jay. Si Jay na walang sala. Si Jay na babastedin ko sana pero hindi ko nagawa, dahil ipinagkalandakan niyang reserve na daw ako. Like duh! Single pa kaya ako! Pano kasi yung kuya niya may jowang conyo! Ugh! Badtrip!

Siniko ako ni Sam pagkadating ng prof namin. Tumingin ako sa side ni Earl pero seryoso siyang nakatingin sa whiteboard, kahit wala pa namang tinuturo si sir. Ibinaling ko na lang ang atensyon ko sa prof naming nag-uumpisa ng magturo.

Matapos ang klase ay nagdiretso labas na kami ni Sam. Nag-ikot ikot kami sa campus dahil mahaba ang break time namin.

Saktong pagpasok namin ng cafeteria ay siyang labas naman ni Jay. Ngumiti siya ng alangan sa akin. Malamang tinatantya kung papansinin ko ba siya.

Ngumiti ako sa kanya.

"Uy!" bati ko pa. 

"H-hi, Aira!" Ngumiti ulit siya at ngayon ko lang napansin na may dimples pala siya. 

"Hoy Aira.. sino yang cute guy na yan?" bulong sakin ni Sam. 

"Ahh.. eto nga pala si Jay.. Jay, si Sam, best friend ko." 

"Hi Sam!" Ngumiti siya kaya lumitaw ulit ang dimples niya. 

"Hi Jay!" bati ng kinikilig kong bestfriend. Uh oh! Wag mo sabihing type niyang isang to?

We invited Jay to join us in our table. Sumama naman siya dahil vacant pa naman daw niya. Mukha naman siyang mabait at cute naman talaga kung tutuusin. Di hamak na mas cute lang si Ely sa kanya.

Panay ang ngiti ng babae sa'king kaliwa. Grabeng pa-cute ang kanyang ginagawa. Tawa siya ng tawa sa mga jokes ng lalaki sa harapan ko, kahit ang corny corny naman po.

"Anong cheese ang kumakalat?" tanong ni Jay kay Sam.

Kanina pa silang dalawa tawa ng tawa. Kung anu-anong kakornihan na ang pinag-uusapan nila. Hindi ako makarelate dahil hindi naman nakakatawa.

"Ano?" Ngiting ngiti pa si Sam habang nakapangalumbaba siya. Tila nagd-daydream pa yata. 

"Edi cheesemis!"

Nagduet na naman sila sa pagtawa. Ewan ko talaga kay Sam kung natatawa siya sa kakornihan ni Jay o sumasakay lang para magpacute.

Kinuha ko na lang ang phone ko para mabawasan ang boredom ko. Naglaro na lang ako ng candy crush, minsan ko lang to magamit kaya level 35 pa lang.

Nasa kalagitnaan ako ng makapigil hininga kong laro nang may magtakip ng mata ko. Muntik na kong mapamura dahil nasayang ang isang move ko.

Wrong timing naman oh!

"Get your filthy hands off me!" utos ko sa taong nagtakip ng mata ko.

Bumilang ako ng tatlo sa isip ko, hindi man lang gumalaw ang tao sa likod ko. Sa inis ko, kinurot ko ang kamay niya gamit ang matutulis kong kuko.

"Aray! Aira!"

Bumitaw siya at dinig na dinig ko ang pagsigaw niya. Kilala ko ang boses niya. Kilalang kilala.

Tumalikod ako para harapin siya at napakagat na lang ako sa labi ko dahil sa pagkapahiya.

Geez! Bakit ko kinurot ang napakalambot na kamay ni Ely? I even told him na madumi ang kamay niya. Napa face-palm ako sa aking pinaggagawa. Ugh! This is so humiliating!

"S-sorry Ely.." Mahinang sabi ko ng nakayuko. 

"Tsk. Aira, ang sakit mong mangurot."  

"G-galit ka ba?" Tanong ko at tinignan na siya. Ngumiti siya. Yung ngiting mahihimatay ka. Killer smile kumbaga. 

"Hindi noh. Ikaw pa, e alam mo namang labs kita!"

Napatulala na lang ako sa sinabi niya. Hindi ako kaagad nakapagreact. Sana lang iba ang meaning nun sa kanya. Sana katulad ng iniisip ko ang iniisip niya.

PansamantalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon