Chapter XX

112 4 0
                                    

"Mahal kita, Aira. Noon pa."

Dahan-dahan siyang kumalas sa pagkakayakap sa akin. Natameme na ako at hindi ko alam kung anong sasabihin at irereact ko. Sa tono ng pananalita niya'y tingin ko ay seryoso talaga siya sa sinabi niya. Hindi lang talaga ma-process ng utak ko na totoo ang mga pinagsasabi niya.

"Hindi ko na matandaan kung kailan nag-umpisa at kung panong nangyaring sa isang tulad mo ako nagkagusto. Malayong malayo ka sa tipo ng babae ko.. at isa pa, matagal ko ng alam na patay na patay ka sa kuya ko. Kaya nga pinilit kong isiping nahihibang lang ako at mali ang sinisigaw nito."

Kinuha niya ang kamay ko at inilagay sa tapat ng dibdib niya. Malalim pa rin ang paghinga niya. Tagos sa mata ang titig niya. Hindi ko alam kung saan ko hinugot ang lakas ng loob para makipagtitigan din sa kanya.

"Tang*na! Nung tinamaan ka ng bola sa gym at nawalan ng malay, ganito rin ang kabang naramdaman ko." Bumuntong hininga siya at napapikit pa.

"Hindi mo lang alam, pero ikaw ang pinapanood ko ng mga oras na iyon. Umiwas ako sa'yo, pero 'lang hiya! Ikaw pa rin ang pilit hinahanap ng mga mata ko."

Nagbalik sa isipan ko ang araw na yun. Galit siya sakin ng mga panahong iyon, pero siya ang unang taong nakita ko sa clinic at ang nagbantay sa akin.

Ganun na ba ako kamanhid? Ni hindi ko nahalata o naramdaman man lang na seryoso siya sa mga sinasabi niya?

Ang inakala ko'y puro pangbubuska at panloloko lang ang lahat ng iyon. Pero heto siya ngayon, pinipilit sa aking seryoso siya sa nararamdaman niya.

Hindi ko alam kung kaya ko bang suklian ang feelings niya sa akin. Hanggang ngayon ay mahal ko pa si Ely, hindi naman parang pumikit ka lang at pagdilat mo ay mabilis na mapapalitan ang nararamdaman mo.

Kung pwede lang sana, di ba? Para parehas na kaming masaya. Kaso hindi.

"Aira, alam kong mahal mo pa si kuya.. at paninindigan ko ang sinabi ko sayong sa oras na makalimutan mo na siya ay pakakawalan na kita."

Sa sinabi niya'y bahagya akong nakaramdam ng lungkot. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang naging reaction ko. Siguro dahil sa ideyang iiwan din naman niya ako tulad ng ginawang pag-iwan sakin ni Ely. I was left hanging. Naiwan ako sa ere ng walang ibang sumalo kundi si Earl lang.

"Pero hindi ibig sabihin na ititigil ko 'tong kabaliwang nararamdaman ko sa'yo.. Kahit magmukha pa akong tanga sa harap mo, mananatili akong nagmamahal sa'yo. Dahil sigurado akong ikaw lang ang gusto ko.. Ikaw lang ang nandito."

Diniin niya ang pagkakalapat ng kamay ko sa may dibdib niya. Panandaliang katahimikan ang nanaig. Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso niya, kasabay ng sa akin. Tila pareho ang bilis ng pintig nila.

Bakit ganito? Parang nagwawala ang mga paru-paro sa tiyan ko. Para pa akong nalulusaw sa tindi ng pagtitig niya sa mata ko. Gusto ko mang makaalis na rito, ay di ko magawa. I feel like I'm rooted on the ground.

"E-earl-"

"Hush, Aira.. hayaan mong ilabas ko lahat ngayon. You don't need to say a thing, just listen."

Napakagat ako sa labi ko at napatango ng wala sa sarili.

"Gusto kong ipaintindi diyan sa makitid mong utak, na mahal kita at seryoso ako sa nararamdaman ko."

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Nilalait yata ako ng taong to, akala ko ba ay mahal niya ako?

"Ako ba'y nilo-"

"Sinabing tumahimik!" sigaw niyang nagpatikom ulit ng bibig ko.

Hindi ko na naman mahuli ang mood niya. Ginagago niya ba ako o talagang hard lang siya magsalita?

"Aira, seryoso talaga ako. Hindi lang ako sanay sa mga mabulaklak na salita. Alam kong alam mong hindi ako ganong klaseng tao.. pero para sa'yo, pipilitin kong magbago.. kung iyon ang gusto mo."

Napalunok ako sa 'di ko malamang dahilan. Binitawan na niya ang kamay ko at hinapit akong bigla.

Niyakap niya ako ng sobrang higpit. Hindi na ako nakapalag dahil masyado pa din akong nabibigla sa mga rebelasyon niya.

"Just please bear with me, Aira. Subukan mong i-let go ang feelings mo kay kuya. Hindi ko hinihiling na mahalin mo rin ako, kahit yun na lang, Aira. Ayaw ko ng makitang umiiyak ka ng dahil sa kanya."

PansamantalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon