Chapter XIII

190 6 2
                                    

A/N: Thanks po sa mga nagbasa at nagbabasa.. ;) Comment naman po kayo para malaman ko naman if may sense ba yung mga UD ko. hihihi. Anyways, Starting Aug.5 ay magtraining na ko for work, try ko magUD pag may free time :D Sana basahin niyo pa din to.. :)) Lablab!

P.S. Try niyo po read yung CONNECT THE DOTS ni WriterOnProcess. Salamat!! :D

---

Halos isang buwan na yata simula ng hindi ko pansinin si Earl. Kadalasan ay nahuhuli ko siyang seryosong nakatingin sa akin, pero binabalewala ko lang iyon. Hindi naman sa nag-iinarte ako, masama lang talaga ang loob ko sa kanya. Ni hindi pa nga siya humihingi ng sorry sa ginawa niya sa akin.

Si Ely naman ay ganoon pa rin ang turing sakin. Takbuhan t'wing may kailangan. Kahit pa mukhang ilang siya sa akin ay hindi naman nagbago ang set-up namin. Nakakausap ko pa din siya na parang walang i love you-han na naganap. Yun nga lang, madalas ay nabibigyan ko ng meaning ang mga kilos niya. Hindi naman siguro masamang umasa?

Si Sam at Jay? Ewan ko sa dalawang yun. Malakas pa din ang tama ng bestfriend ko sa varsity na iyon. Si Jay lang itong problema, sa akin siya laging nakatingin pag kasama niya kami ni Sam. I'm not assuming, it's a fact. Sinabi naman kasi niya sakin umpisa pa lang na gusto niya akong ligawan. Hindi ko lang talaga pinapansin dahil wala akong pakialam at mas bagay sila ni Sam.

Gabi na ng magpalabas ang prof namin. Wala akong naintindihan sa mga nadiscuss dahil ang dami kong iniisip. Buhol-buhol ang problema ko sa magkakabuhol na tao. Gulo noh? Miski ako ay naguluhan din naman ng bongga.

Tumayo na ako at inaya si Sam at Jay, na nakiseat-in na naman, para umuwi. Hindi pa man ako nakakahakbang ay may humawak ng braso ko.

"A-aira-" 

"Please lang Earl.. uuwi na kami. Huwag ka ng mangbwisit ngayon." seryoso kong sinabi habang nakataas pa ang kaliwang kilay. 

"Gusto ko lang naman mag-" 

"Forget it." Bored kong sagot at binaling ang tingin kay Sam, na mukhang na-aamuse sa eksenang napapanood niya. 

"Tara na Sam." hinawakan ko ang kamay niya ngunit ayaw niyang magpahatak.

Umiling siya sakin ng may nakakalokong ngiti. 

"No, Aira.. may pag-uusapan pa yata kayo." aniya at ngumuso pa.

Umirap ako sa kawalan at hinawakan na lang ang kamay ni Jay.

"Kung ayaw mo pang umuwi, mauuna na kami ni Jay. Bye, best!" Nagbeso pa ako sa bestfriend ko, at dali-dali kong hinatak si Jay palabas ng classroom.

"W-wait, Aira! I'm sorry.." narinig kong sinabi ni Earl.

Binitawan ko din agad ang kamay ni Jay nung kusa na siyang sumunod sa akin. Nagdiretso kami sa sakayan ng jeep. Gabi na pero madami pa ding nagkalat na studyante sa daan.

Katulad ng nakagawian ko, nag sight-seeing ako sa mga nadadaanan ng jeep, kahit pa kabisado ko na ang mga makikita roon.

Sa pagtitingin-tingin ko, nahagip ng mata ko ang katawang lupa ni Ely. Malakas ang radar ko, katawan pa lang, Ely'ng Ely na. Kaya't nung malagpasan namin ito, kinumpirma ko kung siya nga.

At dinga ako nagkamali, si Ely nga yun. Pasuray-suray siyang maglakad. Mukhang lasing pa ata?

"Ma! Para!" sigaw kong nagpaprenong bigla sa driver ng jeep.

Yung kaninang hiwa-hiwalay na sakay ni manong, napasiksik sa unahan.

"Ingat naman manong." sabi ko at pumorma ng bababa.

Napakamot na lang sa ulo si manong driver.

"Uy, Jay.. una na ko, may naiwan lang ako sa school." sabi ko at bumaba na ng tuluyan. 

"Aira, teka.. samahan na kita."  

"Hindi na! Ingat na lang!" sigaw ko dahil nag-umpisa ng umandar ang jeep. Kumaway pa ako at gaun din naman siya.

Tinakbo ko ang lugar kung saan ko nakita si Ely. Nang makita niya ako ay agad siyang ngumiti, nginitian ko din siya pabalik.

"Uy, Aira.. Anong ginagawa mo dito?" tanong niya at umakbay pa sa akin.

Nagkarambola tuloy bigla ang paru-paro sa tiyan ko.

"I-ikaw ang bakit nandito? At lasing ka pa.. Tara, ihatid na kita sa inyo.. baka kung mapano ka pa dito."

Buong lakas ko siyang hinatak, ngunit mabigat siya kaya't hindi ko nagawa.

"H'wag muna.. tara dun tayo." tinuro niya ang isang restaurant na di kalayuan sa kinatatayuan namin.

Iginaya niya ko papunta doon kahit pagewang gewang na siya, in the end, ako na ang umalalay sa kanya.

Umorder siya ng makakain ko, sa kanya naman ay kape lang, para siguro mahimasmasan siya? Ewan. Hindi ko alam kung anung connect ng kape sa alak.

Conscious na conscious ako habang kumakain, pinapanood kasi ako ni Ely. Nakangiti pa siya, lalo tuloy akong nadidistract.

"Umm.. bakit?" tanong ko.

Umiling siya at humigop sa kape niya.

"Kumain ka lang diyan." sabi pa niya.

Tumango lang ako at pilit inubos ang pagkaing inorder niya para sakin.

Nang matapos akong kumain ay nagCR muna ako, naiihi na kasi ako at magreretouch na din. Naglagay lang ako ng lip balm na kulay pink at powder sa mukha. Ayoko namang magmukhang basahan sa harap ng mahal ko.

"Uwi na tayo?" tanong ko ng makabalik ako sa table namin, tumayo na kasi siya. 

"Oo."  

"Okay lang ba kung maglakad muna tayo?" tanong ko.

Gusto ko pa kasi siyang makasama ng matagal. Tumango naman siya at ngumiti pa.

Naglakad lang kami ng tahimik. Pero ilang minuto pa ang lumipas ay di ko na kinaya ang nakakabinging katahimikan.

"Bakit ka pala naglasing?" tanong ko kaya't napahinto siya sa paglalakad.

Nakatingin lang ako sa kanya, habang siya naman ay tumingala. Tila naghahanap ng isasagot sa itaas.

Lumakad siya at sumandal sa isang pader. Lumapit ako para makita kung umiiyak ba siya. Mabuti na lang ay hindi, pero malungkot ang mukha niya. Hindi na siya nakangiti, 'di tulad kanina.

"Si Raine.. nakikipagcool-off sakin." Bulong niya pero narinig ko pa din.

Kung normal na araw ay baka nagtatalon ako sa tuwa. Pero bakit nasasaktan ako pag nakikita siyang ganito? Malungkot at parang walang kabuhay-buhay.

Tinapik ko siya sa may balikat at nginitian.

"Magiging maayos din ang lahat."

Niyakap niya ako. Ramdam ko ang malalim niyang paghinga. Kasabay nun ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Siguradong ramdam niya ito dahil sa lapit ng katawan namin.

Kung sabagay, lasing naman siya. Paggising niya bukas ay wala naman na sa kanya ang mga nangyari ngayon.

Matagal din kami sa ganong posisyon. Mabuti na lang ay walang tao sa paligid, kung meron ma'y mangilan ngilan lang.

Kumalas siya sa yakap at tinitigan ako sa mata. Para akong nahipnotismo sa pagtitig niya.

Sunod ko na lang naramdaman ay ang paglapat ng labi niya sa labi ko. Hindi iyon kagaya ng halik ni Earl, dahil ginalaw niya ang mga labi niya. Marahan at malumanay.

Hindi ko alam ang gagawin pero napapikit ako at nagpatianod sa nakakalunod niyang halik.

"I love you, Ely." untag ko pagkahiwalay ng mga labi namin.

Hindi siya sumagot. Alam ko namang lasing siya kaya niya iyon nagawa. Pero di ko inaasahan ang sunod niyang ginawa.

Hinalikan niya ulit ako, na tinugon ko naman ng walang pag-aalinlangan.

PansamantalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon