Chapter XXIII

100 5 1
                                    

Ilang linggo rin akong hindi nakapag lakad dahil sa nangyari sa akin. Hindi na nga ako nakapasok sa unang linggo ng klase dahil kinailangan ko pang magpagaling ng husto.

Araw-araw akong dinadalaw ni Earl nang mga panahong iyon. Wala akong balita sa kuya niya, malamang ay busy iyon sa girlfriend niya. Ni hindi man lang niya ko kinamusta. Alam kaya niya ang sinapit kong kamalasan makalayo lang sa kanya?

Napabuntong hininga ako. Bukas ay kailangan ko ng bumalik sa school, magaling naman na ang pilay ko, pero ang sugat sa puso ko? Nah! Hindi pa rin naghihilom. It was too painful.. and probably beyond mercy killing. Yung sakit na hindi mo maramdaman dahil namanhid ka na, dahil sobrang sanay at immune ka na.

What if si Earl ang minahal ko? Or what if kung totohanin ko na tong pagpapanggap na to?

Wait. What? Am I really considering him to be my real boyfriend? Damn! Walang option dito. I should stick to my words. Kahit na binabalewala ako ni Ely, at kahit masakit na masakit na, hindi nagbabago ang katotohanang mahal ko pa rin siya.

"H-hey!" I yelled at Earl. Bigla ba namang agawin sakin yung phone ko. Ngayon ko na nga lang to nahawakan dahil sa sobrang pagkadepress ko. Ni hindi ko pa nga yun nabubuksan since vacation. Baka masira na yun.

"Bawal ka magcellphone. Makakasama sa'yo yan." kalamado niyang sagot.

"And why do you think so? Hindi naman to sigarilyo, alak o kung anong damo. It's my phone!" I rolled my eyes at him. He's damn annoying once again.

"Basta! You should stay away from this phone! May sumpa ito!" sigaw niya ibinulsa na ang cellphone ko.

Gosh! Wala na ba siyang ibang gagawin kung di ang inisin ako?

School day. I'm trying to catch up sa mga na missed kong lessons. Earl is there to guide me sa mga hindi ko maintindihan. Good thing, nagegets ko naman ang explanations niya. Medyo choppy lang ang dating niya. Nakakatawa. He's stammering, and I don't know why.

"Why the hell are you stammering?" tanong ko makailang ulit siyang magkabulol bulol. Nakakadistract kasi. Hindi ako makapag focus sa inaaral ko.

"W-wala." sagot niya sabay iwas ng tingin. His face flushed. Great God! The infamous Earl is blushing right now!

Pigil ang tawa ko pero pilit kumakawala ang ngiti sa mga labi ko.

"P-pinagt-tawanan mo ba ko?" kunot noong tanong niya.

Umiling ako at sinabing, "Hindi." Napasimangot siya at binaling na lang ang tingin sa librong hawak niya. O-kay?! What was that?

"Aira.." I suddenly frozed. Boses pa lang kilalang kilala ko na. Sht! That voice! I wanted to hear it for some time now.

"Back off!" Earl warned Ely through gritted teeth.

"Chill, bro. Gusto ko lang makausap si Aira."

Tulala ako at hindi malaman ang irereact ko. My heart is racing, triple times its normal beat. Oh fvck! I don't want to do some stupid actions right now. Ayokong magalit si Earl.

And the unthinkable happened.

I grab his hand and pulled him out of the scene. Suddenly, I felt relieved.

"A-aira?" takang tanong niya.

I smiled and faced him.

"That was a battle between what is right and what is not. Guess I made the right decision, Earl. Never felt this good before."

Leaving Ely there was my last resort. The safest decision for me. Or not. I don't know. Pero gumaan talaga yung pakiramdam ko. Not that I don't miss him, I do, honestly. Pero iba yung pakiramdam ko ngayon. Being here with Earl, tingin ko nagiging careless ako. Is it a good thing or a bad thing?

PansamantalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon