Chapter II

292 11 8
                                    

Nag-iinit ang ulo ko sa nakikita kong tanawin. Kay aga-aga, sila kaagad ang unang taong bubungad sa akin. Hindi ba nila alam na bawal magPDA sa loob ng school campus? Kung isumbong ko kaya sila sa Guidance?

Kunot noong lumayo ako sa lugar kung saan tanaw na tanaw ang nakaka-imbyernang palitan nila ng mga makahulugang ngiti.

Ely naman! Huwag kang PDA sa jowa mong hilaw!

"Ang aga-aga, nakabusangot ka na diyan. Kaya ka hindi magustuhan ni kuya e!"

Nagpintig ang tainga ko sa aking narinig. Akmang babatukan ko siya, kaso'y mabilis siyang kumilos. Wala na kong nagawa kundi ang samaan na lang siya ng tingin.

"Sira na ang araw ko Earl.. wag mong sirain pa lalo."

Umirap ako sa kawalan. Bakit ba kasi ang malas kong tao? Bokya na nga ko sa love life, trip pa kong asarin ng isang to.

"Cool ka lang, Aira.. Masyado kang hot e!" 

"Hot talaga ko!" Bulyaw ko, sabay walk out.

Nasaan na ba kasi si Sammuelle? Wala tuloy akong makausap na matinong tao.

Nagpalinga-linga ako sa labas ng room, inaabangan ang pagdaan ni Sam. O sabihin na nating, inaabangan na masulyapan si Ely.

I sighed.

Bakit kahit anong gawin ko, siya at siya pa din ang dahilan ng bawat kinikilos ko?

"Kanina nakabusangot, ngayon naman parang pinag-bagsakan ng langit at lupa yang itsura mo." Nakanguso siya at tila pigil na pigil ang pagtawa.  

"Tigilan mo ko." Bored kong sagot. Wala namang dahilan para makipagtalo pa ko sa taong to. Kahit kailan nama'y hindi ako nanalo sa isang to.

Lumapit siya sa akin at ipinorma ng ngiti ang mga labi ko.

"Ganyan. Subukan mong ngumiti, mas gaganda ka pag ganyan."

Hinawi ko ang kamay niya dahil baka kung saan pa niya hinawak yun. Mabuti ng nag-iingat.

"Marunong akong ngumiti. Hindi ko kailangan magpaturo pa sayo." 

"Sus! Ni hindi ka nga ngumingiti sa akin." 

"Dahil hindi mo deserve!" Umirap ako sa kanya. Halata bang inis ako sa kanya? Well, kung hindi, sinasabi ko na, inis na inis ako sa kanya.

Inis ako sa kanya dahil una, masyado siyang bully. Pangalawa, masyado siyang mayabang. Pangatlo, hindi niya ko gusto para sa kuya niya. Ang sama niya, diba?

"Bakit? Sa tingin mo nilalaan mo yang ngiti mo sa deserving na tao?" tanong niyang nakapagpahinto saking mga iniisip.

Deserve ba niya? Deserve ba niya ang bawat ngiting binibigay ko sa kanya? Deserve ba niya ang mga yun, kahit pa sabihing peke ang lahat ng iyon?

PansamantalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon