Halos wala akong tulog dahil excited akong Makita ulit si Ely. If I’m not mistaken, mga alas dos na ata akong nakatulog. Nagising pa ako ng alas sais. Sht lang! Ang eyebags ko ga-maleta na naman. Pagkagising ko nga ay hindi na ako nakatulog ulit, kaya ang result, mukha na naman akong zombie mamaya.
Di bale! Bobonggahan ko na lang ang damit na susuotin ko at matatakpan naman siguro ng make-up ang dark circles sa ilalim ng mata ko.
Ang usapan namin ay magkikita kami ng alas siyete ng gabi. Same place siyempre. Kaya kahit mamayang gabi pa naman yun, at alas dose pa lang ng tanghali, ay busy na ako sa pamimili ng susuotin ko para mamaya.
Hindi ako makapagdecide kung magdress ba ako, or should I wear a simple shirt with maong pants. Halos dalawang oras din siguro bago ko napagdesisyunang mag dress na lang. Feeling ko kasi, dapat ay pormal ang isuot ko. Who knows? Baka magpropose na siyang maging boyfriend ko.
OMG! Iniisip ko pa lang na tatanungin niya ako ng mga katagang, “Will you be my girlfriend?” ay kinikilig na ako. Paano pa kaya pag nangyari na? Baka himatayin na ako sa sobrang kilig!
Nabalik sa reyalidad ang katawang lupa ko, nang maramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko. Mabilis ko itong dinampot at excited na tinignan ang message na dumating.
Nadismaya ako ng makitang si Earl lang pala ang sender ng naturang mensahe.
Fr: Earl
Kung magkikita na naman kayo ni kuya, indianin mo siya. Masasaktan ka lang pag pumunta ka pa.
Kumunot ang noo ko. Ano na naman bang pinagsasabi nito? Itinapon ko na lang ang cellphone ko sa may kama. Kailangan ko ng mag ready at magpaganda.
Pagkatapos kong maligo ay agad kong tinignan ang cellphone ko. Ilang beses din kasi itong nag ring, kaninang nasa loob pa ako ng CR.
Dalawang miscalls ang nakaregister doon. Isa kay Ely at isang galing kay Earl. May text message pa silang dalawa. Tinatadtad ako ng mokong na si Earl. Wala talagang magawa sa buhay ang isang iyon. Paulit-ulit lang naman ang nakalagay sa thread. Binasa ko na lang yung message ni Ely.
Fr: Ely
Aira, baka ma-late ako mamaya. 8pm kn siguro pumunta. See u later.
Dahil sa excited akong makita siya, naisipan kong agahan na lang ang pagpunta. Kahit pa maghintay ako ng matagal ay okay lang. Ano ba naman ang dalawang oras na paghihintay dib a?
Alas sais ng makarating ako sa restaurant. Dumiretso ako sa favorite spot naming dalawa. Pinuntahan kaagad ako ng waiter pero sinabi kong may hinihintay pa akong kasama.
Bored na bored akong nakatingin sa screen ng cellphone ko, hinihintay na mag alas otso. 6:30 pa lang kaya’t matagal tagal pa ang itutunganga ko dito. Pagala-gala ang mata ko. Inaabangan ang mga customer na pumapasok at ang ibang nandirito sa loob.
Nagulat ako ng may pares na papalapit sa pinto ang maaninagan ko. Anong ginagawa niya rito? At bakit magkasama silang dalawa? Nagkabalikan na ba sila? Bakit hindi man lang sinabi sa akin ni Ely?
Tumulo ang mga luha sa mata ko. Kitang kita ko na nakahawak sa may braso ni Ely si Lorraine. At pareho silang nakangiti sa isa’t isa.
Tumayo ako at dali-daling nagtungo sa CR ng restaurant. Sinisilip ko ang bawat galaw nila mula rito. Pinaghila pa ni Ely ng upuan si Lorraine, samantalang hindi man lang niya nagawa sa akin iyon. Hindi kailanman. Sino nga ba naman ako, isa lang naman akong extra ditto.
Dahan dahan akong naglakad palapit sa kanila. Sinigurado kong hindi nila ako makikita. Umupo ako malapit sa table nila. Hindi naman nila ako napansin dahil busy sila sa pagtingin ng oorderin nilang pagkain.
“I’m happy that you’re back with me, Raine.. I love you so much, you know that right?” Rinig kong sinabi ni Earl.
Parang nadurog ang puso ko sa sinabi niya. So, confirm na. Sila na ulit ng mahal niya.
Pinilit ko ang sarili na huwag umiyak ulit. Ayokong gumawa ng eksena dito, baka mapukaw ko pa ang atensyon nilang dalawa.
“I love you more, Ely.” Sagot ni Lorraine.
Sht! Bakit ba kasi hindi ko na-forecast na ganito ang magiging ending namin? Sila pa rin pala hanggang huli. at mananatili na lang akong back-up sa buhay niya. Isang pansamantala.
BINABASA MO ANG
Pansamantala
Teen FictionShe was there, when he needed her. But he's not there when she needed him. Earl is there to save her, to fix her, and to love her. Will they find love on the process? Or will they end up nothing but an acting couple?