Chapter X

194 7 0
                                    

Nagulantang ang buo kong pagkatao sa sinabi niya. Bigla akong na-conscious dahil wala na ang personal space ko. We're just inches apart. I let my guard down and didn't expect this coming. Kanina ay tapang tapangan pa ako, tiklop naman pala ako.

Pigil hininga ako sa bawat paggalaw niya. Palapit na ng palapit ang mukha niya. Konting galaw na lang at maglalapat na ang mga labi namin.

Hindi pwede! Hindi maaari!

Pumikit siya at naging cue sa akin yun na eto na talaga. Do or die. Gawin mo or else hindi niya babawiin ang sinabi niya sa kuya niya.

Before his lips touched mine, I managed to get an escape. I kicked him where it hurts the most.. if you know what I mean. Napamura siya at napaigtad sa sakit.

I leave him there, while he's suffering from pain. Bahala siya sa buhay niya! Kung gumawa siya ng storya, daig pa writer sa wattpad! Sobrang unrealistic.

Oo na! Ako na nagbabasa sa wattpad. Hopeless romantic ako, bakit ba? Ganyan pag walang love life. Sa kwentong barbero na lang naghahanap ng ikakikilig sa buhay.

I called Sam, nung gabi. I told her everything. Panay na naman ang tukso niya sa akin kay Earl. Imbes na isipan niya ko ng solusyon sa problema ko, tinulugan ba naman ako.

Matutulog na sana ako dahil tulog na din naman ang kausap ko, kaya lang bigla namang nag vibrate ang phone ko. I'm about to ignore it, pero napansin kong si Ely yung caller.

"Hello?"

Pagkasagot ko sa tawag niya ay agad ko itong ni-record. Gawain ko na to simula ng maramdaman kong mahal ko na pala siya. Lahat ng tawag niya o tawag ko sa kanya ay recorded. Pag text naman ay nakasave.

"Hello! Aira.. naabalaba kita?"  

"Hindi naman. Ikaw pa." Sagot ko agad. 

"Hehe. May tatanong lang sana ako."  

"Sure. Spill it." Sagot ko. 

"Hmm.. I was wondering if.. kayo na ba talaga ni Earl?" Tanong niyang ikinabigla ko. 

"Naku. Hindi totoo yun. Kung magkakaron ako ng boyfriend, ikaw una kong sasabihan." Dahil ikaw ang una kong magiging boyfriend.

Pigil ang tawa ko dahil sa aking naisip, pero tila narinig pa din niya sa kabilang linya.

"May nakakatawa ba?" Tanong niya.

Umiling-iling ako sa kawalan. "Wala naman." Sagot ko.

"Nababaliw ka na naman ata. Uminom ka ba ng gamot mo?" Pangbubuska niya. 

"Ha-ha! Adik!" Tumawa siya at sinabayan ko naman siya.

"Umm.. Aira." Pagseseryoso niya. 

"Hmm?" Sagot ko sabay hikab. 

"Promise mo sakin, pag nagkaboyfriend ka.. ako una mong sasabihan ha."

"Pro-mise." Sagot ko ng mahina, at papungay pungay na ang mata.

Ramdam kong ilang sandali na lang ay makakatulog na ako.

"Promise yan ah." Rinig kong sabi niya pero di ko nagawang sumagot dahil sa tingin ko'y lumilipad na sa kawalan ang isipan ko. Pikit na din ang mata ko. Half asleep kumbaga.

Kinabukasan paggising ko ay agad kong inalala ang usapan namin ni Ely. Ang huli kong natatandaan ay sinabi ko sa kanyang, siya ang unang taong makakaalam pag may boyfriend na ako. Bukod dun ay wala na kong maalala.

Bago pa ko tubuan ng puting buhok sa kaiisip, pinakinggan ko na lang ang recorded conversation naming dalawa.

"Hello?" 

"Hello! Aira.. naabala ba kita?"  

"Hindi naman. Ikaw pa."  

"Hehe. May tatanong lang sana ako."  

"Sure. Spill it."  

"Hmm.. I was wondering if.. kayo na ba talaga ni Earl?"  

"Naku. Hindi totoo yun. Kung magkakaron ako ng boyfriend, ikaw una kong sasabihan."

There's a minute of silence.

"May nakakatawa ba?"  

"Wala naman." 

"Nababaliw ka na naman ata. Uminom ka ba ng gamot mo?"  

"Ha-ha! Adik!"

Narinig ko ang sunod sunod na pagtawa naming dalawa.

"Umm.. Aira."  

"Hmm?"  

"Promise mo sakin, pag nagkaboyfriend ka.. ako una mong sasabihan ha." 

"Pro-mise."  

"Promise yan ah."

Katahimikan ulit ang nangibabaw sa loob ng ilang segundo.

"Tss. Tinulugan pa ako." 

"Sige, good night na lang Aira." 

"Good night, Ely... I love you."

Nanlaki ang mata ko sa narinig. Patay ako! Bakit ba ko nagsasalita pag tulog? O gising pa ba ko nun? Ewan. Hindi ko maalala.

"I love you, too."

Narinig kong bulong niya na kinalaki lalo ng aking mata.

Sh*t na malagkit! What is the meaning of that?!

PansamantalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon