Chapter XI

219 6 2
                                    

Hindi klaro sa akin kung may ibig sabihin ba yung i love you too ni Ely na sinagot niya sa akin. Hindi ko pa man din siya nakakausap at nakikita nitong nagdaang weekends. Nahihiya kasi akong pumunta sa kanila, at isa pa, ayaw ko namang makita si Earl, asar pa din ako sa kanya.

Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa classroom namin, mukha agad ni Earl ang bumungad sa akin. Seryoso siyang nakatingin sa akin. Sinusundan niya ng tingin ang bawat paggalaw ko. Hindi ko na lang siya pinansin.

Nagdatingan din naman agad yung iba naming classmates, pati na din si Sam.

Pag nagagawi ang tingin ko kay Earl, nakikita ko ang nanlilisik niyang mata na nakatingin sa akin. Siguro naiinis siya sa akin dahil sinipa ko siya dun sa maselang bahaghari niya. Anong magagawa ko? Yun lang ang self defense na alam ko.

"Aira, alam mo ba kung bakit masama ang timpla niyang si Earl? Nung Sabado pa yan badtrip e." Tanong sa akin ni Sam. Nagkibit balikat lang ako, kahit pa may hinala na ako.

Dumating din naman agad yung prof namin kaya di na kami nagkausap pa. Kasunod pa nga niya si Jay, makiki-seat in daw dahil wala yung prof nila. Pumayag naman ang prof namin.

Tatabi sana sa akin si Jay, dahil may bakante pang upuan sa tabi ko, kaya lang ay inunahan siya ni Earl at agad akong tinabihan. Dun na lang tuloy siya naupo sa may likuran ko.

"Pre, di mo ba alam yung salitang reserve na?" Sabi ni Earl ng nanlilisik pa din ang mata.

"Wala namang nakalagay sa upuan na nakareserve na yan." Sagot naman ng nasa likuran ko.

"Hindi yung upuan ang pinag-uusapan dito." Inismiran niya si Jay at binalik na ang atensyon sa prof naming nagchecheck na ng attendance.

Binalingan ko ng tingin si Jay, ngayon ay nakakunot na ang noo niya.

"Sorry." I mouthed. Ngumiti lang siya bilang sagot.

"Nandiyan ba ang board sa likod? Dito ka nga humarap." Inis na sabi ng katabi ko sa kanan.

I just rolled my eyes at him.

Matapos ang klase ay umalis agad si Jay, may next class pa daw kasi siya. Kami ni Sam ay pupunta sana sa library, kaya lang ay hinarang kami ng pinsan niyang may topak sa utak.

"May atraso ka pa sakin." Sabi niya ng nanlilisik pa din ang mata.

"If it's about kicking you where it hurts the most, then I'm sorry. Now, can you please leave us?" I said then rolled my eyes heavenward.

"Hindi iyon ang atraso mo, pero dahil sa pinaalala mo sakin yun, dalawa na ang kasalanan mo."

Kumunot ang noo ko dahil wala naman na akong ibang ginawa sa kanya kundi sipain siya sa kanyang pinakamamahal na.. alam mo na.

"At ano naman? Ang kapal mo talaga, Earl! Ikaw tong may atraso sa akin e!"

Sinamaan ko siya ng tingin, di siya nagpatalo at sinamaan din ako ng tingin. Kulang na lang ay may lumabas ng kuryente sa pagitan ng mata namin, o kaya nama'y mag apoy na ang mga mata namin dahil sa inis. Pwede ding labasan kami ng dark aura o kahit ano pang echos na napapanood lang sa anime.

"Hoy! Ano ba kasing problema niyong dalawa?" Tanong ni Sam.

"Siya!" Sabay naming nasabing dalawa at nagturuan pa.

"Para kayong mga bata! Diyan na nga kayo! Makiki-seat in na lang ako sa klase ni Jay. Bye!"

Umalis siya kaagad at kaming dalawa na lang ang naiwan sa room. Magkatitigan pa din kaming dalawa. Walang gustong kumurap. Halos di ko na siya makita dahil naningkit na ang mata ko sa sobrang panlilisik.

"Tss. Ayaw mo talagang magpatalo ah." Sabi niya at lumapit sa akin.

Nakangisi na siya at parang may ibang binabalak. Napaatras ako dahil medyo nangilabot ako sa way ng pagkakangiti niya.

"Ngayon na kita sisingilin." Sabi pa niya at lalong lumapit sa akin. Umatras ako ng umatras hanggang sa wala na kong maatrasan.

"Wala akong utang sa'yo." Sagot ko na lang.

"Meron. Eto oh."

Literal na nanlaki ang mata ko sa ginawa niya. WTF?! Did he just kissed me on the lips?

"Sh*t! Bakit mo ko-"

Double sh*t! Pati ba naman second kiss ko ninakaw pa niya! Agad ko siyang sinampal at tumakbo palabas. Lumandas ang mga luha sa mata ko dahil sa ginawa niya. How dare him! Hindi ba niya alam na nakareserve ang first, second, third at lahat ng susunod na kiss ko para kay Ely?! Kay Ely lang!!

PansamantalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon