Pilit kong sinasabi sa sarili kong deserving si Ely para sa mga ngiti ko. Siya lang naman ang gusto kong ngitian kahit na siya din naman ang dahilan kung bakit minsan ako'y luhaan.
Ganyan ata talaga ka-ironic ang buhay.
"Hindi ka na kumibo diyan! Tama ako noh!" Panay ang tusok niya sa may tagiliran ko. Minsan may pagka-isip bata talaga ang isang to.
"Ano? Tama ako diba? Diba?!"
Nag-iinit na naman ang ulo ko. Ayaw ko sa lahat yung kinukulit ako. Kung si Ely lang to, baka natuwa pa ako. Pero hindi. Kapatid lang siya.
May konting similarities man silang dalawa, para sakin ay di hamak na mas gwapo pa din si Ely. Dalawang taon ang agwat nila. Kasing-edad ko lang si Earl, sa katunayan ay naging kaklase ko siya nung highschool hanggang ngayon. At sawang-sawa na ko sa pagmumukha niya.
"Would you please stop that?" Mahinahon lang ang pagkakasabi ko niyan. Pinipigilan ko ang sariling sumabog sa inis. Ayokong tularan ang bestfriend kong si Sam na masyadong nagger pag naiinis.
"Stop what?" Patuloy pa din siya sa pagsundot sa may tagiliran ko. Expertise talaga niya ang inisin ako.
Kinalma ko ang aking sarili bago nagsalita. Ilang buntong-hininga ang aking ginawa. Feeling ko, anytime baka sumabog na ko.
"Bakit ba kasi wala ka pang girlfriend? Huh? Edi sana wala kang oras para asarin ako!"
Ngumisi siya ng todo at tinigilan na niya ang pagsundot sa may tagiliran ko.
"Alam mo.. kung magka-girlfriend man ako, ikaw at ikaw pa din ang makakasama at aasarin ko."
"At bakit naman?!"
"Dahil ikaw ang gagawin kong girlfriend."
Laglag ang panga ko sa narinig ko. Seryoso ba siya? Ako? At bakit ako pa? Alam kong hindi ako ang type niya dahil madami na yang naging girlfriend simula grade 5 pa lang. Kung hindi sobrang ganda, ay ubod naman ng seksi ang nagiging girlfriend niya.
Gwapo naman siya, mas gwapo lang talaga si Ely at stick to one pa. Unlike him. Maganda din ang hubog ng katawan, parang si Ely din na may perfectly toned-abs. Hindi ako nangboboso, nakita ko lang ng minsang tumambay kami ni Sam sa may bahay nila last year.
Natigilan ako sa pagpapantasya sa abs ni Ely dahil narinig ko ang malulutong na tawa galing kay Earl.
"Anong tinatawa-tawa mo diyan?"
"Nakakatawa ka kasi!" Halos di niya mabuo ang sinasabi niya dahil sa sobrang pagtawa. Kitang kita ko na may nanggigilid ng luha sa mata niya. Ano ba kasing nakakatawa?
Sinamaan ko siya ng tingin at bumalik na sa loob ng classroom dahil nakita ko ang prof namin na paparating na.
I texted Sam kung papasok pa ba siya pero walang reply. Tinanghali na naman ata ng gising yun.
After three hours ay nagpalabas na ang prof namin. I checked my phone kung may text si Sam, at meron nga. She instructed me to wait for her at the cafeteria. Na-late nga daw siya ng gising at di na nakaabot sa first class namin.
I collected my things at lumabas na ng room. Earl called me, but I just ignored him. Wala na kong oras makipag-inisan sa kanya. Gutom ako at baka makain ko pa siya ng di oras.
Malapit na ko sa cafeteria ng makasalubong ko si Ely at ang girlfriend niyang si Lorraine. I smiled at them. Pilit lang siyempre. The two of them smiled back at me, but I think Lorraine smirked at me, or not? Ewan ko. Dumiretso na lang ako sa paglalakad para maiwasan ang di kanais nais na tanawin nilang dalawa. Mabuti sana kung si Ely lang, kaso hindi.
"Aira!" I looked around para tignan si Ely.
"Bakit?"
"Kumain ka na?" Oh! Concerned ba siya sakin? Napangiti ako ng lihim.
"Hindi pa. Kayo?"
"Hindi pa din, sabay ka na sa amin."
"Kasabay ko na si Sam, naghihintay lang siya sa cafeteria."
"Then will eat together. Pwede naman di ba?" Ngiting-ngiti siya habang seryoso ang mukha ng girlfriend niya.
I think, this is not a good idea. But I found myself nodding at him. Kahit kailan talaga, hindi ko siya mahindian. Hindi ko siya matanggihan.
Pumunta kami sa loob ng cafeteria at hinanap si Sam. Parang tinadhana talaga na nakaupo siya sa mesang may apat na upuan.
Magkatabi kami ni Sam, at katapat ko si Ely. Hindi ko maiwasang sulyapan siya at pasimpleng panuoring kumain.
"Babe, say ahh.." Sinubuan ni Ely si Lorraine. Grabeng sweet naman nila. Lalanggamin na sila dito. Hindi ba sila nahihiya sa amin? Ako pa yata ang nahihiya dahil sa pinaggagagawa nila.
Hindi ko maiwasang mainggit. Hindi ko maiwasang isiping sana'y ako ang nasa posisyon ni Lorraine. Na sana ang sinusubuan ng lalaking nasa harap ko ay ako at hindi ang babae sa kanyang kaliwa. Sana ako na lang.
"Uy Aira, kawawa naman yung chicken mo.." Bulong ng katabi ko. Napatingin ako sa kaawa-awang hita ng manok sa aking pinggan. Lasog na lasog na dahil di ko namalayang natadtad ko pala ng natadtad. Kawawang manok, nabalingan pa ng inis ko.
Nawalan ako ng gana kaya't tumayo na ko at nagpaalam sa kanila. Hinatak ko din si Sam, na panay ang reklamo dahil hindi pa niya naubos ang pagkain niya.
"Kung sana, di ka na lang pumayag na sumabay tayo sa kanila.. edi sana ninanamnam ko pa ngayon ang paborito kong baked mac."
"Alam mo namang hindi ko mahihindian si Ely."
"So, kaya nagpaka-masokista ka kanina? Oh! come on! Aira!"
"Kung ikaw ang nasa posisyon ko, paniguradong magagawa mo din yun. Dahil kapag nagmamahal ka, lahat ng ginagawa mo ay tama. Kahit pa mali sa paningin ng iba."
BINABASA MO ANG
Pansamantala
Novela JuvenilShe was there, when he needed her. But he's not there when she needed him. Earl is there to save her, to fix her, and to love her. Will they find love on the process? Or will they end up nothing but an acting couple?