Chapter VI

254 7 0
                                    

 A/N: Thanks sa mga nagbasa, at magbabasa pa lang :) Sana read niyo din yung ibang stories ko (Undisclosed Feelings at First and Last Love) pati din One shot stories ko. hihi! :D Thank you! xx

---

Takbo lang ako ng takbo, hanggang sa may nakabunggo ako. Hindi ko siya napansin, siguro dahil na rin sa nanlalabo kong paningin.

"Sorry." Ang tanging salitang nakaya kong sabihin.

Akmang aalis na ako kaya lang ay hinawakan niya ako sa may braso. Inangat ko ang aking ulo para tignan kung sino ito.

Siya yung kanina. Yung lalaking babastedin ko sana.

Iniwas ko ang aking tingin dahil sa kahihiyan. Nakita niya akong umiiyak, at iyon ang ayaw kong makita ng iba. Ayaw kong magmukhang kawawa.

"T-teka.. Bakit umiiyak ka?"

Hinawakan niya ako sa may baba at hinarap sa kanya. He wiped my tears using his thumb. Medyo nakuryente ako sa ginawa niya.

I step backward at yumuko ulit.

"Don't mind me."

Naglakad ako palayo sa kanya pero hinabol niya ko at bigla na lang hinila.

"Wait! Bitiwan mo nga ako!"

Nakalimutan kong umiiyak ako dahil sa ginawa niya. Inis ang pumalit na emosyon sa akin. Gusto ko siyang mura-murahin pero hindi ko alam kung may tamang rason ba ako para gawin iyon.

PansamantalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon