“Aira, bestfriend! Long time no see!” sigaw ni Sam pagkarating ko sa kanila.
Matagal-tagal na din kaming hindi nagkikita, kahit sa kabilang kanto lang ang bahay nila. Madalas kasi kaming lumabas patago ni Ely. At sa pagkakaalam ko ay madalas niyang i-stalk si Jay. Ang lakas lang talaga ng tama ng isang to.
“Alam mo ba... nag-date kami kahapon ni Jay!” Kilig na kilig na saad niya. Ngiting-ngiti siya at tila nagd-daydream na naman.
“Tapos… hinalikan ko siya!!OMG! Ang lambot ng lips niya!”Niyugyog nya ang balikat ko at nagtitili na.
“Sht! Sam! Bakit ka naman nanghahalik bigla?!” sigaw ko dahil di siya matinig sa katitili niya.
“Naakit ako sa lips niya e! Alam mo ba, natulala pa nga siya dahil sa halik ko!” sabi pa niya sabay tawa ng wagas.
Naiimagine ko na kung pano sapilitang hinalikan ni Sam ang kaawa-awang si Jay. Ganyan talaga siya pag naadik sa isang guy. Napailing na lang ako sa kabaliwan niya. Pano na lang kung hindi sila magpinsan ni Ely? Baka pati yun ay ma-score-an niya.
“Natulala siya dahil ang agresibo mo!” pambubuska ko sa kanya.
Nag-pout siya at nag-cross arms pa, malayong malayo sa Sam na kilala ng iba. Minsan talaga may topak yang isang yan.
Nagkwento pa siya ng nagkwento, wala naman akong naintindihan dahil katext ko si Ely my loves. Kinikilig nga ako dahil magkikita kami mamaya sa restaurant. Wala pa din naman kaming pormal na commitment. Hinihintay ko lang namang sabihin niya sa akin kung ano na ba talaga kami sa isa’t-isa. Sa tingin ko naman, konti na lang ay matatawag ko na siyang boyfriend ko.
“Hoy! Anong ngini-ngiti mo diyan?!” Bulyaw sa akin ni Sam. Ngumiti ako lalo at umiling na lang.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto nila Sam. Sino naman kaya ang dumating? Wala naman kaming inaasahang uninvited guests?
“Aira, nandiyan ka pala!”
Boses pa lang niya ay nanigas na ako. Bakit ba ako natatakot sa kanya? Lumingon ako sa kanya, at nakita ko ang blangkong ekspresyon ng kanyang mukha. Hindi ko mabasa ang iniisip niya.
“Wala man lang bang long time no see at long time no talk diyan? Tagal din nating ‘di nagkita at nag-usap ah.”
Umirap ako sa kawalan at tinalikuran na siya. Binaling ko ang tingin sa pinapanuod naming movie.
“Hanggang ngayon ba galit ka pa din kay insan?” Tanong ni Sam.
Nakita ko sa gilid ng mata ko na umupo si Earl sa tabi ko. Para akong nagka-stiff neck dahil ‘di ko magawang lingonin siya.
Hindi ko na sinagot si Sam. Bahala na silang mag-usap dalawa. Di ko lang talaga maiwasang makita sa gilid ng mata ko ang pagtitig ni Earl sa akin. Busangot ang mukha niya. Kahit si Sam ang kausap niya ay sa akin siya nakatingn. Ano bang problema niya?
Natapos ang pinapanood namin nang hindi man lang ako kumibo. Tanging pagnguya ko lang sa chips na kinakain ko ang ingay na nagmula sa akin.
Pumunta ako sa kitchen, naubos na kasi yung drinks na iniinom ko, at uhaw na uhaw na talaga ako. Nasa kalagitnaan ako ng pag-inom ng tubig, nang bigla akong binulungan ni Earl, nanindig ang balahibo ko dahil sa ginawa niya.
“Aira, layuan mo na si kuya. Masasaktan ka lang sa kanya.” Aniya.
Hindi ko siya kinibo at umalis na.
“Kamusta?” bati sa akin ni Ely pagkarating ko sa restaurant.
Himala ata at nauna siya. Ibig bang sabihin ay nag-iimprove na din ang feelings niya sa akin?
“Kanina ka pa ba?” tanong ko at humalik sa pisngi niya.
Nagulat siya pero agad din namang nakabawi at ngumiti pa.
“Hindi naman.. halos kararating ko lang din.” Sagot niya at bumalik sa pagkakaupo niya.
Umupo na din ako sa upuang katapat niya. Gabi na kaya’t doon na kami kakain ng hapunan.
“Kamusta ka?” tanong ko.
“I’m good.. ikaw?” balik niyang tanong habang naghahand signal sa waiter na oorder na.
“Oks na oks! Nakita na kita e!” Biro ko sa kanya.
Bahagyang namula ang pisngi niya. Wow! Ngayon ko lang yata siya nakitang mag-blush. Napapag-blush din kaya siya ni Lorraine?
Kumunot bigla ang noo niya. Ano naman bang problema?
“Bakit?”
“Bakit nakasimangot ka na diyan? Akala ko ba oks na oks ka?”
“Wala lang. May naalala lang akong di kaaya-aya.” Sagot ko at ngumiti na lang ng pilit.
Kumain kami ng tahimik habang ang nasa paligid namin ay maiingay na barkadahan, pamilya, magsyota, at nakakasenting kanta. Wow lang di ba!?Ang awkward!
I fake a cough to break the ice. Masyado ng malamig ang kapaligiran, at ginaw na ginaw na ako dahil dito.
“Ah, Ely… bukas ba may gagawin ka?”
“Wala naman. Bakit?” sagot niyang nakangiti.
“Umm.. kita tayo dito bukas… please?” Nag-pout pa ako.
“Para kang bata!” tukso niya.
“”Sayo lang naman.” Ngumiti ako ng pagkalawak lawak at napatawa siya. May nakakatawa ba?
“Anong tinatawa-tawa mo?” Tinaasan ko siya ng kilay.
“Wala.” Saad niya habang pinipigilan ang pagtawa. Napasimangot tuloy ako.
“Bakit nga?!” pagmamaktol ko.
He chuckled then said, “Ang cute mo kasi.”
That made me blush.
“Uy nag blush!” tukso niyang kinapula lalo ng pisngi ko. Tinakpan ko ang mukha ko para hindi niya makita. Bakit ba kasi ang lakas niyang magpakilig? Tawa siya ng tawa, dahil buong dinner namin ay panay ang pag blush ko.
“Pano.. bukas ulit?” tanong niya habang naglalakad kami papunta sa may amin. Magkaholding hands kami. Ang sweet lang niya. Parang dati ay pinapangarap ko lang makaHHWW siya, ngayon ay nagagawa ko na.
“Opo. Wag kang male-late ha?”
Huminto siya sa paglalakad kaya’t huminto rin ako. Malapit na kami sa amin kaya hanggang dito na lang niya ako ihahatid.
Hinarap niya ako sa kanya at tumango-tango na parang bata. Napangiti ako dahil ang cute cute niya.
“Aagahan ko.” Seryoso niyang saad.
Sa isang kisap-mata ay lumapit ang kanyang mukha sa akin. Na-stunned ako. Kitang kita ko kung paano niya titigan ang lips ko. Napatikom ako ng bibig dahil hindi ko alam ang gagawin. Para akong na kuryente ng hawakan niya ang magkabilang pisngi ko.
Sht na malupit! Magkikiss yata ulit kami!
Napapikit ako ng mata at sa tingin ko’y ganun din siya. Hinihintay ko na lang ang labi niyang dumapo sa labi ko. Napabilang pa ako sa utak ko.
Isa..
Dalawa..
Tat-
“Ehem! Ehem!”
Nagitla kaming dalawa dahil sa epal na umubo ubo. Hindi natuloy ang kissing scene na hinihintay ko. Argh! Kaasar naman!
Tinignan naming pareho kung sino ang umistorbo sa amin.
“Excuse me po!” Sigaw niyang ginaya pa ang boses ni Mike Enriquez. Hindi pa natinag at sa pagitan pa namin ni Ely dumaan.
Argh!! Bwisit ka Earl!
BINABASA MO ANG
Pansamantala
Teen FictionShe was there, when he needed her. But he's not there when she needed him. Earl is there to save her, to fix her, and to love her. Will they find love on the process? Or will they end up nothing but an acting couple?