A/N: Heto lang po nagawa ko. Naisulat ko lang ito sa notebook ko habang walang ginagawa sa trabaho. wahaha! Pagtiyagaan niyo na lang kung maigsi.. Thanks! :) Lablab!
---
"May paki ako dahil mahal kita!"
Nanlaki ang mata ko at bumilis ang tibok ng puso ko. Tama bang rinig ko? Pero bakit? At pano? Imposible ang sinasabi niya. Malayong malayo sa reyalidad o kahit sa panaginip pa.
"A-ano kamo?!"
"Ang sabi ko, mahal kita... Aira, mahal kita!"
Kinuha niya ang kamay ko ngunit agad ko itong binawi at nag walk-out na. Masyado ng madaming mata ang nakakakita sa eksena naming dalawa. Hinabol niya ako at pilit kinuha ang kamay ko. Nagpumiglas ako pero hindi ako makawala dahil sa higpit ng pagkakahawak niya.
"Ano ba Earl!" bulyaw ko sa kanya.
"Aira, makinig ka naman!"
"Wala naman akong dapat pakinggan!"
Binitawan niya ako kaya't huminahon na ako. Seryoso siyang nakatingin sa akin at nakita ko pang kinuyom niya ang palad niya. He even clenched his jaw. Ilang minuto din siguro kaming natahimik at nagkatitigang dalawa.
"Binabalaan kita, Aira. Sa oras na makita kitang umiyak ng dahil sa kanya... mapapasakin ka na. Sa ayaw at sa gusto mo. By hook or by crook." Matigas niyang saad at lumakad na palayo. Naiwan na lang akong nakatunganga sa likod niya.
Seryoso ba talaga siya? O isa na naman to sa mga biro niya?
Ilang linggo din ang lumipas. Walang malinaw na relasyon sa pagitan namin ni Ely. Patago kami kung magkita sa restaurant kung saan kami nagkaaminang dalawa. Sembreak na nga, pero doon pa rin ang aming tagpuan.
"Kamusta?" bungad ko sa kanya pagkarating na pagkarating pa lang niya.
"O-okay lang naman." matamlay niyang sagot.
"May problema ka ba?" tanong ko, dahil iba ang kilos niya ngayon kumpara sa nagdaang araw na kasama ko siya.
"W-wala."
Hindi siya makatingin ng diretso kaya't sigurado akong may tinatago siya sa akin. I reached for his hand, ramdam kong medyo na-tensed siya sa ginawa ko.
"No, Ely. I can feel it... Something's bothering you."
Huminga siya ng malalim bago sumagot.
"B-break na kami ni Raine."
Unti-unting nahulog ang mga luha galing sa kanyang mata. Masaya sana ako sa balita niya, pero pag nakikita ko siyang miserable ay nahihirapan ako sa kalagayan niya.
"Nandito naman ako." bulong ko sa hangin pero narinig yata niya.
Ngumiti siya ng pilit at pinunasan ang umagpas na luha sa mata niya.
"Alam ko."
Tumayo siya at iginaya akong lumabas. Pagkarating namin sa may parking lot ng restaurant ay nagulat na lang ako nang bigla niya akong hinigit at niyakap. Nang makabawi ako sa pagkabigla ay niyakap ko siya pabalik. Ramdam na ramdam ko ang mabigat niyang paghinga.
"Salamat at palagi kang nandiyan, sa mga oras na kailangan ko ng masasandalan."
Humigpit ang yakap niya. Sigurado akong umiiyak na siya. Umiiyak siya dahil sa babaeng mahal na mahal niya. At ang sakit isiping hindi ako ang babaeng iyon. Hindi ako ang mahal niya. Wala pa ring panama ang salitang gusto sa mahal. And all I wanted is to be the latter part. But I'm not.
"Hindi ko kailangan ng thank you.. Yung nandito ka at hindi mang-iiwan ang mahalaga."
"Hindi naman kita iiwan. Hinding hindi."
Siguro sa ngayon ay hindi pa niya ako mahal. Pero nakakasiguro akong pag nagtagal ay mahuhulog din siya sa akin ng lubusan. Ang importante sa ngayon ay hindi niya ako iiwan.
BINABASA MO ANG
Pansamantala
Teen FictionShe was there, when he needed her. But he's not there when she needed him. Earl is there to save her, to fix her, and to love her. Will they find love on the process? Or will they end up nothing but an acting couple?