Chapter IX

202 5 2
                                    

Nang matauhan ako ay agad kong minura ang sarili ko sa aking isip. Narinig kaya niya?

Sh*t! Aira! Ano bang pinagsasabi mo?! Nagdedeliryo ka lang ba o ano?

Hindi pa din kumakalas sa yakap si Earl. Gusto ko na siyang itulak pero busy pa ako sa pag-iisip ng magandang idadahilan kung bakit ko sinabi yun. Ramdam kong biglang humigpit ang yakap niya sa akin. Sobrang higpit na halos hindi na ko makahinga.

"Flat." Pagbasag niya sa katahimikan. Kumunot ang noo ko dahil di ko siya maintindihan.

"A-ano?" Halos bulong lang na tanong ko.

Kumalas siya sa yakap at hinarap ako. Tumingin siya sa bandang dibdib ko at umiling-iling. Nag-init ang pisngi ko at napacross arms ako dahil sa tingin niyang nakakaloko. Humarap ulit siya sa akin at inismiran ako.

"Pervert!" Sigaw ko habang kinukuha ang bag ko at nagwalk out na dahil sa kahihiyan at para hindi na niya ako matanong tungkol sa sinabi ko kanina.

Agad naman niya akong sinundan at sinabayan. Nakapamulsa siya at patagilid naglakad. Nakaharap siya sa akin at hindi maalis ang ngisi sa kanyang mukha. Ang sarap lamukusin ng mukha niya! Sana naging papel na lang siya para kanina ko pa nalamukos at tinapon na parang basura.

Diretso lang ang aking tingin at hindi siya pinapansin. I fished for my phone inside my bag, and I immediately dialed Sam's number.

"Oh, come on! Pick up your phone, Sam." Iritable kong nasabi matapos ang ikatlong ring.

"Umuwi na si insan. Ako na sasabay sayo." Sabi ni Earl kaya't hinarap ko na siya.

"Ano? H'wag na! Kaya kong umuwing mag-isa."

Binalik ko ang cellphone ko sa bag at mas binilisan ang paglalakad.

"Teka lang naman, Aira!"

Wala na akong nagawa at sinabayan na niya ako ng tuluyan. Parehas lang ang way ng bahay namin kaya't kasabay ko din siya sa jeep at sa paglalakad. Mas una lang siya dahil nasa bungad lang naman ang bahay nila, sa amin ay may dalawang kanto pang madadaanan habang ang bahay nila Sam ay halos katabi lang ng bahay nila Earl.

Nang makadaan na kami sa kanila ay sumilip ako sa gate nila para sana masulyapan man lang si Ely. Kaso wala siya, baka kasama na naman ang jowa niya.

Hindi pa pumapasok si Earl kaya't tinanong ko na siya.

"Hindi ka pa ba papasok?"

"Ihahatid pa kita." Bored niyang sagot. Nagbago na naman ang mood niya, kanina lang ay ngising ngisi siya, heto ngayon at seryoso na naman ang mukha niya. Bipolar ata siya.

"No need, Earl. Malapit lang naman yung samin."

"Yun na nga. Malapit lang naman kaya ihahatid na kita."

Bigla na lang niyang kinuha ang kamay ko at hinatak patungo sa daan ng bahay namin. Sinubukan kong ikalas ang kamay ko sa pagkakahawak niya, kaya lang ay lalo naman niyang hinihigpitan kaya hindi ako makabitaw.

Nang malapit na kami sa amin ay nadetect agad ng radar ko si Ely. He's walking with his girl, hand in hand.

Lalo akong nagpumiglas sa hawak ni Earl. Ayaw kong makita ni Ely na may ibang kamay ang humahawak sa akin, baka kung ano ang isipan niya.

"Earl.. y-yung kamay ko." Halos pabulong ko ng sinabi dahil malapit na sila Ely sa amin.

"Hayaan mo lang yan."

I sighed out of exasperation.

Wala na. Kitang kita na ni Ely na may kaholding hands akong iba. Este, may humawak sa kamay kong iba.

"Hi Earl! Hi Aira!" Bati ni Lorraine sa amin.

Kitang kita ko kung pano siya tumitig sa kamay naming magkahawak. Sinasabi ko na nga ba! Iba ang iisipin ng taong makakakita sa sitwasyon namin ngayon.

"Kayo na pala?" Dugtong pa niya.

"Hindi!" "Oo." Sabay na sabi namin ni Earl.

Sinamaan ko ng tingin si Earl. Ano bang problema niya?

"H-hindi totoo yung sinasabi niya." Nakatingin lang ako kay Ely. Nakatingin din siya sa akin at nakangiti. Ewan ko kung feeling ko lang ba o talagang peke yung ngiti niya.

"Wag mo ng i-deny. Nakita na nga tayo nila kuya." Napabaling ang tingin ko kay Earl, at naka-ngisi na naman siya. Pilit ko pa ding tinatanggal ang kamay ko sa pagkakahawak niya.

"W-wow! Congrats, tol!" Sabi ni Ely kaya't napatingin ulit ako sa kanya.

"C-congrats, Aira.." Bati niya sa akin at ngumiti ng kaunti. We stared at each other for a moment. Pero agad siyang nag-iwas ng tingin at nagpaalam na.

Nang makaalis sila ay binitawan din naman ni Earl ang kamay ko. Pinagsasapak ko yung dibdib niya sa inis. Hindi naman siya nagpumiglas o umiwas man lang. Hindi ko alam kung gano katagal yun, basta huminto na lang ako ng magsawa ako.

"Bwisit ka! Bwisit! Bawiin mo yung sinabi mo!" Bulyaw ko sa kanya.

"I will, but in one condition." Seryosong sabi niya at inilapit ang mukha niya sa akin.

"What?" I asked sternly.

Ngumisi siya bago sumagot.

"Kiss me."

PansamantalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon