Bilang na bilang ko ang araw, at linggong hindi ako pinansin ni Earl. It was three weeks now. Ganun katagal. Pano niya ko natiis ng ganun katagal? Galit kaya talaga siya sa akin?
I badly wanted to asked him why, but I didn't have the courage. Well, in the first place, hindi naman kami close para pag-aksayahan ko pa siya ng panahon. Hindi lang siguro ako sanay.
Nung nakaraang araw nga, I brought some home made cookies for Ely, and Earl was there. Inalok ko siya, but he ignored me. Pero kung ikukumpara sa mga araw na nagdadala ako ng cookies for Ely, siya palagi ang unang kumakain nun. Favorite niya ata, o ewan ko lang. Kung di pa ko nakiCR sa bahay nila, hindi ko siya mahuhuling dumudukot ng cookies sa dinala ko. Caught in the act siya. I almost laughed on his expression that day. Wagas kasi ang panlalaki ng singkit niyang mata. Binitiwan niya kaagad yung hawak niya at umalis na lang bigla.
"Tititigan mo na lang ba magdamag si Earl? Baka matunaw yan!"
"A-ano?" Lumingon ako kay Sam. Nakangisi siya sa akin.
"Sabi ko, crush mo si Earl noh!"
"What?!" Napasigaw ako, dahilan para makuha ang atensyon ng mga kaklase ko. Kasama si Earl.
Kunot noong nilingon niya ako.
"Makasigaw naman to!"Sigaw pabalik sa akin ni Sam, umirap ako sa kanya at binaling ulit ang tingin kay Earl. Hindi na siya nakatingin sakin. May kausap na siyang babae, isa sa mga kaklase namin.
"Uy.. Lapitan mo na kasi." Tukso ulit ng katabi ko.
"Pwede ba Sam.. Tigilan mo nga ako." Sinamaan ko siya ng tingin pero wagas pa din ang ngiti niya sakin.
"Namimiss mo noh." Tinaas taas niya yung kilay niya.
"Ewan ko sayo." Bored kong sagot at dumukdok na lang sa may armchair ko.
"Aminin na kasi!" Parinig pa niya pero di ko na pinansin.
Pagkatapos ng klase ay tumambay muna kami sa may gym ng school dahil niyaya kami ni Jay manuod ng practice game nila sa basketball. Isa siya sa varsity ng school at number one fan niya ang lukaret kong bestfriend.
Umupo kami sa monobloc malapit sa mga varsity ng school. Kaunti lang ang nanunuod dahil sa totoo lang, hindi naman importante ang game na to. Makulit lang si Jay at mapilit itong si Sam.
Nasa kalagitnaan na ng game nang tamarin akong manuod. Nakinig na lang ako ng makabasag taingang kanta sa iPod ko, at naglaro ng candy crush sa cellphone ko.
Tutok na tutok ako sa aking laro. Seryosong seryoso ako na matapos ang level nito. Sunod sunod na ang paglitaw ng mga salita sa screen ng phone ko. Pagkakita ko ng salitang Sugar Crush sa screen ng cellphone ko ay bigla na lang nagdilim ang paningin ko. Everything went black.
Next thing I knew, I was lying in a single bed in the four corners of our school clinic. And the first person I saw, was the least person I expected to be with me.
Si Earl.
I awkwardly smiled at him then I asked him what happened.
"Tinamaan ka ng bola." sagot niya.
"Nandun ka pala?" Tanong ko dahil wala akong masabing iba.
"Oo. May pinanood lang ako."
There's a minute of silence. Awkward na talaga ko, pero naglakas loob akong magsalita pa.
"A-akala ko galit ka sakin?"
"Akala ko din." Sagot niya at ngumiti na. Let me rephrase it, umismid pala.
Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang sariling ngumiti.
"Ang hirap mong tiisin. Halika nga dito!"
Nagulat na lang ako dahil bigla niya akong hinila para yakapin. Parang tumigil ng sandali ang paghinga ko ng oras na iyon.
"Namiss kita.. Sobra." Bulong niya sa tainga ko.
Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin at kung bakit parang may sariling utak ang dila ko.
"Namiss din kita ng sobra."
BINABASA MO ANG
Pansamantala
Teen FictionShe was there, when he needed her. But he's not there when she needed him. Earl is there to save her, to fix her, and to love her. Will they find love on the process? Or will they end up nothing but an acting couple?