"Aira, look."
Bumaling ako sa tinuro ni Lorraine. It's Earl at isang chicks na ngayon ko lang nakita sa subdivision namin. The girl looks okay. May mata, ilong, bibig at tenga. Kapansin pansin nga lang ang legs niya dahil sa soot niyang micro mini short. Gusto ko na ngang bumuswit dahil sa kaputian ng hita niya.
"Inaagawan ka na best. Di ka ba tatayo diyan? Papanoorin mo na lang silang maglandian?"
I rolled my eyes heavenward.
"Why do I need to do that? I don't own him. He can flirt with every girl he wants."
"Ows? E bakit nakakunot ang noo mo dyan?"
"Duh! Ang intrigera mo kasi e. Hayaan mo sila."
"Yeah. Whatever!"
Tinigilan na niya ko at binalik ang atensyon sa ginagawa niya. Napatunganga naman ako kay Earl at sa chicks na kasama niya. Ang lalandi! Sa gitna pa ng kalsada gumagawa ng eksena.
Napatingin naman siya bigla sa side ko. Nag-iwas agad ako ng tingin para di niya malaman na tinitignan ko sila. Baka isipin pa niya nagseselos ako. Ha! Asa naman siya!
Pagkaraan ng ilang minuto ay tumingin ako ulit sa gawi nila. Curiosity killed the cat nga naman. Damn! Nahuli pa ko ni Earl. Kitang kita ko kung pano namuo ang ngisi sa kanyang mga labi.
Patay malisyang binalik ko na lang ang atensyon sa ginagawa ko kanina.
"Uy Raine, Aira nandyan pala kayo!" Sigaw niya at patakbong lumapit sa pwesto namin. Sumunod naman ang babae sa kanya.
"Kanina pa kami nandito! Busy ka lang talaga kaya hindi mo nagawang mag abalang sumulyap dito." Kunwaring umirap pa si Lorraine sa kanya.
"Hindi naman ako busy. Ang totoo niyan, hinahanap ko talaga kayo." Ngumuso siya na tila nagpipigil ng ngiti.
"Kami? O baka naman si Aira lang?" Malaki ang ngisi ni Lorraine, inirapan ko na lang siya at tumaas naman ang kilay ko sa lalaking kaharap ko.
"Oo na! Si Aira lang naman talaga ang pakay ko." Masungit na sagot niya. Humarap siya sakin, ngumisi siya na tila may alam siyang hindi ko alam.
The girl beside him faked a cough. Papansin din tong isang to e.
"Ay nga pala, girls, she's.. what's your name again?" Kunot noong tanong ni Earl. Napangisi ako ng lihim. Ha! In your face ka ngayon!
Napangiwi ang babae at halatang dismayado sa sinabi ni Earl. Inismiran siya ni Lorraine, mabuti na lang at hindi nakita ni ate. Tumingin sakin si Lorraine, konti na lang ay tatawa na yan kaya pinanlakihan ko na lang siya ng mata. Sana lang ay makuha niya ng tama ang mensahe ko.
"Clarisse." Pilit ang ngiti ni Clarisse.
"Right. Clarisse it is." Napakamot si Earl sa kanyang ulo. "Anyway, this is Lorraine, pinsan ko, sa kasamaang palad. And this is Aira, bestfriend niya." Umakbay sakin si Earl na siyang kinagulat ko. "At girlfriend ko."
Dahil siguro sa pagkagulat kaya ang bilis ng tibok ng puso ko. Magugulatin na ba ko? Do I need to see a cardiologist or something? Wala naman sa lahi namin ang may sakit sa puso. Ah basta! Sigurado ako dahil lang to sa pagkagulat.
I just ignore the other possibilities kung bakit parang nakikipagkarera ako sa kabayo sa bilis ng heart beat ko. I shook my head to clear the images forming in my head. Nababaliw na yata talaga ko. There's images in my head, and voices as well. Ano bang tawag dito? Schizophrenia or what?
"Huy bes! Tulala ka diyan? Kinakausap ka ni Earl, pansinin mo na nga!"
"Huh? Ano yun?"
Tumingin ako kay Earl, na ngayon ay nakakunot na ang noo. Si Clarisse naman ay nakatayo lang sa gilid niya.
"Ano ba yun?" Iritable kong tanong.
"Sabi ko, date tayo mamaya." Deklara niya.
I rolled my eyes at him. "No way!"
"Kayo ba talaga?" Singit ni Clarisse. Gusto kong umirap ulit, pero di ko na lang ginawa.
"Oo" sabay naming sagot.
"Ah.. I mean, hindi."
Sht! Yan na naman yang ngiting demonyo niya. Bagay na bagay sa ugali niya. Kainis! Bakit ba ko sumagot ng oo, hindi naman yun ang nasa isip ko. My mind telling me otherwise. At bakit nga ba ko nagpapaliwanag sa sarili ko. Alam ko naman sa sarili ko kung anong tama sa sinagot ko.
"You heard it right, Miss. Aira is my girlfriend. She's not the PDA type of girl, and I love her more because of that." He winked at me and I flushed on his remarks, not because of that wink. Ang pangit niyang kumindat, parang tanga lang. But the idea of me, blushing because of him... Ugh! Lupa, lamunin mo ko please!
"O bes, bat ka namumula?!" Napairap na lang ako habang pinagtatawanan ng bestfriend ko. Bwisit
BINABASA MO ANG
Pansamantala
Novela JuvenilShe was there, when he needed her. But he's not there when she needed him. Earl is there to save her, to fix her, and to love her. Will they find love on the process? Or will they end up nothing but an acting couple?