Chapter IV

240 11 4
                                    

Habang kausap ko si Ely ay di ko maiwasang titigan ang maamo niyang mukha.

Kahit pa malungkot siya dahil nagkaron na naman sila ng problema ng girlfriend niya, hindi ko mapigilang purihin ang angkin niyang kagwapuhan.

Ang matangos niyang ilong; ang mapupungay niyang mata; ang kanyang pilik-mata na kahit sinong babae ay maiinggit, dahil sa kahabaan nito; ang mapuputi niyang ngipin, na ayos na ayos ang pagkahilera; at kanyang kissable lips na mapula.

Natagalan ata ang pagtitig ko sa kanyang labi dahil natigilan siya sa kanyang mga sinasabing hindi ko naman pinakinggan.

"Aira.. nakikinig ka pa ba?" tanong niya. Tumango ako bilang sagot, kahit ang totoo'y wala akong naintindihan ni isa sa mga pinagsasabi niya. 

"Okay. As I was saying.. Nakalimutan kong itext siya kanina ng good morning kaya nagalit siya sakin.. Ano ng gagawin ko?" 

"Ano? Sa dami ng sinabi mo, yun lang ang dahilan?"  

Sa totoo lang, madaming sinabi si Ely kaya medyo natawa ko. Ang dami niyang pasa-kalye, isang good morning lang pala ang may sala ng lahat. 

"Alam mo naman si Raine, medyo matampuhin." Anong medyo? Baka sobra kamo! Gusto kong isigaw sa kanya pero wala akong lakas ng loob. 

"Hindi ka ba nagsasawa?" Wala sa sarilang nasabi ko na lang.

Napahawak ako sa bibig ko at nanlalaki ang mata ko.

Patay na ko nito! Baka magalit sakin si Ely dahil sa sinabi ko.

"Hindi ako magsasawa, Aira. Kahit ilang beses pa kaming mag-away at magkatampuhan, hinding hindi." He smiled, but it didn't reached his eyes.  

Seryoso ba siya sa sinabi niya? Bakit parang nakakakita ako ng hesitation sa sagot niya?  

"Kung bakit kasi siya pa." Bulong ko. 

"Anong sinabi mo?"  

"Ah.. w-wala." Ngumiti ako ng pilit at tumingin na lang sa kawalan.

Pinayuhan ko siya kung pano sila magkaka-ayos at pagkatapos ay umalis na.

Mabuti na lang talaga at hindi niya narinig ang binulong ko. Ayokong malaman niyang may lihim akong pagtingin sa kanya. Kung malaman man niya, hindi pa ako handa sa magiging reaksyon niya.

Nagdiretso ako sa bahay nila Sam pero wala siya sa kanila. Naglakad na lang ako pauwi sa bahay pero bago pa man ako makarating sa amin ay nakasalubong ko si Lorraine. Nag-init agad ang ulo ko, ewan ko ba, tuwing makikita ko siya ay nababadtrip na lang ako bigla.

"Hi! Aira!" Bati niya sa akin.

Nakangisi siya at pansing pansin ang kanyang naghuhumiyaw na red lips. Muntik pa akong matawa dahil pati ngipin niya'y nagkulay pula na.

"Hi! Ate!"

Pigil na pigil ang aking pagtawa. Grabe lang! Ganyan na ba ang bagong way ng paglilipstick ngayon? Pati ngipin nilalagyan?

Kinagat ko ang aking dila upang huwag matawa. Pilit ko ding iniiwas ang tingin sa agaw atensyon niyang labi at ang nakaka-wa-poise niyang ngipin.

"Have you seen my Ely? Wala kasi siya sa kanila." Tanong niya na nakapagpa seryoso ng aking mukha. My Ely your face!

Matapos mong awayin, ngayon hahanapin mo sakin? Ang sarap lang manabunot ng buhok ng babaeng may lipstick ang ngipin.

I chuckled at the thought.

"May nakakatawa ba?" Tanong pa niya. Umiling ako kahit ang totoo'y siya ang pinagtatawanan ko. 

"Nasa park lang si Ely. Puntahan mo na lang siya, pero alam ko pupuntahan ka niya sa inyo e."

Pupuntahan ka niya para magsorry at mag effort sa kadramahan mong walang sense. 

"Talaga? Oh! I'm sure he'll apologize dahil hindi siya nag-greet sa akin kaninang umaga."

Oh! Really? Why so conyo, ate? 

"Oo nga daw." Bored kong sagot. 

"Sige, Aira.. I have to go na. Baka hinihintay na ko ng babe ko. Bye!" 

"Okay. Ingat ka." Tanga ka pa naman.

Pagkatalikod na pagkatalikod niya'y naglakad na ko papunta sa may amin. Panay ang make face ko habang paulit-ulit nagchachant ng ka-conyohan niya with maarteng accent pa.

"Talaga? Oh! I'm sure he'll apologize dahil hindi siya nag-greet sa akin kaninang umaga. Ay hutaena! Good morning lang pinoproblema pa!" 

"Hoy! Anong kagag*han na naman niyang pinagsasasabi mo?" 

Nagitla ako sa pagsulpot ni Earl. 

"Lintik ka naman Earl! Wag kang nanggugulat!" Bulyaw ko sa kanya. 

"Bakit ba, e sa miss na kita!" 

Nag-init ang pisngi ko at narinig ko na lang ang sunod-sunod niyang pagtawa. Badtrip! Bakit ako nagblush sa pangtitrip niya?

PansamantalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon