Chapter XIX

138 4 2
                                    

Kinabukasan, nang iproklama niyang boyfriend ko na daw siya ay dinayo niya ako sa bahay. Alas siyete pa nga lang, at wala pa kong tulog dahil nag-iiyak ako magdamag, ay iniistorbo na niya ako. Di ko nga halos maibuka ang mata ko dahil namumugto pa ito.

Ang kapal pa ng mukha niyang i-balita sa nanay ko na boyfriend ko na daw siya. Todo tanggi nga ako pero pinipilit naman niyang nagsasabi siya ng totoo. Ewan ko ba kay mama kung bakit pinaniwalaan pa niya ang mokong na yon. Botong boto pa nga siya at halos ipagduldulan na ako kay Earl.

Hayahay!

"Ano pa bang inuupo upo mo diyan, Aira? Tara na at may date pa tayo!" 

Hinatak niya ako patayo ng sofa, nagpupumiglas naman ako pero malakas siya kaya napasubsob ako sa kanya. Na out of balance pa siya at nahila din ako pababa.

What a scene! 

Agad akong tumayo at inayos ang sarili ko. Pulang pula ang pisngi ko dahil sa kahihiyan. Si Earl nama'y nakanguso lang at mukhang nagpipigil ng ngiti o baka ng tawa pala. Tss.

"Uy, babes. Tara na!"

Inirapan ko siya at inakmaang susuntukin. Kapal talaga niya! May nalalaman pang babes babes. Eww lang ha!

"Hindi. Ako. Sasama. Sayo." 

"You can't say no, Aira. Wala kang choice."

Lumapit siya sa akin. Seryoso na ang mukha niya. Napaatras ako dahil nakakatakot talaga siya pag nagseseryoso na.

Naka-ilang hakbang ako paatras bago ko naabot ang pader. Cornered na niya ako. Ngumisi siya at inilapit pa ang mukha sa mukha ko. Napapikit tuloy ako at napabaling ang ulo ko sa may kanan ko. 

"Girlfriend kita, kaya ide-date kita." bulong niya sa may tainga ko.

Dahan dahan niyang hinaplos ang mukha ko. Na-tensed agad ako at nakaramdam ng kung ano sa may tiyan ko. Napalunok pa ako ng haplusin at amuyin niya ang buhok ko. Siya pa lang ang tanging nakahaplos at amoy ng buhok ko at hindi ko maunawaan ang sarili ko kung bakit kakaiba ang dating nito sa akin.

"You're mine, Aira. And I'm yours. All yours."

Kunot noo lang ang tanging naging reaksyon ko sa kanya. Hindi ko maintindihan sa lalaking to kung bakit pinag aaksayahan pa niya ako ng panahon, gayong hindi naman ako ganung kaimportanteng tao para sa kanya. Isa lang naman akong bestfriend ng pinsan niya, isang taong palaging inaasar niya, isang taong patay na patay sa kuya niya.

Hinablot niya ang kamay ko at hinatak palabas ng bahay. Wala na akong nagawa kundi ang sumunod at magpatianod na lang sa gusto niya.

Pumunta kami sa malapit na mall. Saan pa nga ba, di ba? Wala naman din ibang lugar na pwedeng pagpuntahan pa.

Sunod lang ako ng sunod sa kanya. Hatak hatak niya ako. Ewan ko kung pansin niya ba o hindi, pero magka holding hands kaming dalawa. Holding hands nga ba? Ang higpit kasi ng pagkakahawak niya. Namutla na siguro ang kamay ko sa higpit ng pagkakahawak niya. Hindi lang ako makapagreklamo dahil ayaw kong kibuin siya. Ang toto niyan, kanina ko pa siya dinededma kahit pa daldal siya ng daldal.

"Aira, magsalita ka naman.. kanina ka pa walang kibo diyan." nakasimangot siya sa akin habang ako naman ay nakatunganga lang sa harap niya.

Nasa isang fast food chain kami at katatapos lang magdinner. Tumayo ako at nagmartsa palabas doon. Sumunod siya sa akin pero tumakbo ako para di niya ako maabutan. Dirediretso lang ako sa pagtakbo. Hindi ko na ininda ang iisipin ng ibang tao. 

Mabilis akong nakarating sa labas ng mall. Hindi ko na malaman kung anong nangyari at kung bakit ako bumagsak sa bisig ni Earl.

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Muntik na akong mahagip ng isang sasakyang dumaan. Ramdam ko ang mabilis na paghinga niya dahil yakap yakap niya ako.

"Sa susunod na takbuhan mo pa ako.. hindi ko na alam kung anong gagawin ko." bumuga siya ng isang buntong hininga.

"Tang*na! Muntik ka na dun, Aira! Kung hindi kita naabutan pa'no ka na?! Pano na ako?! Lintik! Ni hindi ka pa nga yata naniniwalang mahal kita!"

Namilog ang mata ko at lalong bumilis ang pagtibok ng puso ko. Humigpit ang pagkakayakap niya at naramdaman kong hinalikan niya ang gilid ng ulo ko.

"Aira, mahal kita. Noon pa." 

PansamantalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon