Chapter XII

223 6 0
                                    

Hindi na ako pumasok sa mga sumunod kong klase pagkatapos ng nangyaring iyun. Nagdiretso uwi na ko sa bahay, mabuti na lang at wala ang mommy ko pagdating ko sa amin.

Iyak lang ako ng iyak. Mukha na nga akong zombie ng tinignan ko ang itsura ko sa harap ng salamin. Pero hindi ko ininda ang itsura ko, nagpatuloy lang ako sa pag-iyak.

Ikaw ba namang nakawan ng halik, matutuwa ka ba? First kiss yun, pre! Pati nga yung pangalawa ay hindi pa niya pinatawad.

Ang sama niya! Hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya sa akin. Pinagsamantalahan niya ako. Pinagsamantalahan niya ang pagiging mahina ko. Pinagsamantalahan niya ang pagiging babae ko.

"Arggh! Bwisit!" I yelled out of frustrations.

Bumukas ang pinto ng kwarto ko at sumilip ang mama ko.

"Aira, ano bang sinisigaw sigaw mo diyan?" Tanong niya ng nakataas pa ang kilay. 

"Wala, mi. Kakain na ba?" Pag-iiba ko ng usapan. 

"Hindi pa. Pero bumaba ka diyan, nasa baba si Sam." 

"Opo." Sagot ko at tumayo na para bumaba. 

"Teka, Aira. Ba't ganyan ang itsura mo?"

Nag-iwas ako ng tingin at lumabas na ng kwarto bago sumagot.

"Wala to, mi. Namatay lang yung kuko ko sa paa. Ang sakit sakit nga e."

Umakto pa akong iika-ika kahit wala iyong koneksyon sa pagkamatay ng kuko sa paa.

Nadatnan ko si Sam na prenteng prente ang pagkakaupo sa aming sofa, may nilalantakan pa siyang chichirya at may hawak na baso ng juice sa isang kamay.

Ang bruha, feeling prinsesa.

"Ba't nandito ka?" Bored kong tanong habang inaagaw ang chips na isusubo na sana niya. 

"Wala, masama?" Tanong niyang pabalik at tumingin na sa akin. 

"Sh*t! Aira! What happened to you?" Bulyaw niya ng makita niya ang itsura ko. 

PansamantalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon