Chapter I

442 12 0
                                    

"Friend, bakit kasi ang kulit mo? Kapag magka-away sila ng gf niya, ikaw ang takbuhan niya.. pero pag bati na ulit sila, echepwera ka na." Umiling-iling pa siya sa kawalan. 

"Sam naman.. hindi ganun yun." Pagdedepensa ko kay Ely.

Wala naman talagang kasalanan si Ely. Kung ako man ang takbuhan niya kapag may problema siya sa gf niya, yun ay dahil ako lang ang kaibigan niyang babae na napagsasabihan niya ng problema. Humihingi lang siya ng opinyon ng isang babae para maunawaan niya ang girlfriend niya.

"Aira, malinaw pa sa sikat ng araw na tama ang mga pinagsasasabi ko." 

"Pero Sam.. ako naman ang may gustong tumulong." 

"Gusto? Baka napipilitan kamo! Naku, Aira! Alam nating lahat na mahal mo si kuya Ely." 

"Shhh! Wag ka ngang maingay."  

"Whatever! Tara na nga! At wag mo ng sulyapan yung love birds na yan!"

Sumimangot ako at tumayo na para sundan si Sam. Pero bago tuluyang umalis ay tinignan ko muna si Ely at ang gf niyang si Lorraine.

Back to normal na naman sila, at sobrang sweet sa isa't-isa. Ganyan naman parati.

"Kaibigan lang bang maituturing.. 

ang hirap naman yatang mangapa sa dilim.. 

sino ba talaga sa amin ang 'yong..."

Nilingon ko yung kumakanta at sinamaan ng tingin. Kahit kailan talaga tong lalaking to! Walang ginawa kundi inisin ako. Kung di lang niya kapatid si Ely.. naku!

"Hoy Earl! Tigil tigilan mo nga ako!" bulyaw ko sa kanya. 

"Kumakanta lang naman ako. Ina-ano ba kita?" 

"Bwisit!" 

"Ka din!"

"Aira ano ba! Wag mo ng pansinin yang si Earl.. tara na sa bahay!" Sigaw ni Sam sa akin. 

"Oo na!"

Binalingan ko si Earl at pinanlakihan ng mata. Pagkaraan ay umalis na din ako.

Pumunta kami sa bahay nila Sam para tumambay. Nag dvd marathon at namapak ng tutong ng sinaing at lumaklak ng patis. Pero joke lang. Sinong matinong tao ang gagawa nun?

"Hoy babae! pagbuksan mo nga yung nagdo-doorbell!"  

"Ano ako? Katulong? Ikaw na, Sam! Bahay niyo kaya to!" 

"Ikaw na! Ikaw na lang nakikitambay e!" sigaw niyang pabalik.

Wala na kong nagawa kundi tayuin kung sino man ang istorbong panay ang doorbell. Gabing gabi na, nag-iingay pa.

"Hi Aira!"

*blag

PansamantalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon