Hindi ako agad nakapagreact sa banat niya. Tinalikuran ko na lang siya at pumikit para makatulog.
Ilang minuto ang lumipas nang maramdaman ko ang pag-upo niya sa kama.
"Huwag ka kasing nagsasasama dun sa mokong na si Jay, napapahamak ka tuloy." Mahinahon na ang tono ng boses niya.
Kahit ganun ay di pa rin ako umimik. Nanatili lang akong nakapikit.
"Sa susunod na aalis ka, magpaalam ka naman sa'kin. Isipin mo namang may boyfriend kang mag-aalala."
Naramdaman ko ang paghiga niya sa kama, gusto kong magprotesta pero pinili kong manahimik at magtulog-tulugan na lang.
"It's not some kind of riddles, Aira. Mahirap bang intindihing mahal kita?"
Niyakap niya ako mula sa likuran, pakiramdamam ko ay secured ako sa tabi niya, secured ako dahil sa yakap niya.
"Alam kong gising ka, kaya sana h'wag ka ng magduda pag sinabi kong mahal kita."
Isiniksik niya ang kanyang mukha sa aking leeg. Napalunok ako at napapikit ng mariin dahil sa ginawa niya.
"I love you," bulong niya sa'king tainga. Hindi ko naiwasang gumalaw dahil sa ginawa niya.
Patay! bistado na yata ako!
"Gotcha!" pabulong na hagikgik niya sabay halik saking pisngi. I think I blushed because of what he did.
Kainis!
"H'wag ka ng magpanggap na tulog... Sige ka, baka di ako makapagpigil at mahalikan kita ng walang tigil."
Agad akong napaupo mula sa pagkakahiga. Siya naman ay panay ang tawa at pailing-iling pa. Kakaiba din magpalit ng mood ang lalaking to.
"Sabi ko na nga ba, gising ka."
Umupo na din siya ng maayos at humarap sakin. Ako naman ay hindi mapakali at hindi maipinta ang mukha. Napapangiwi ako sa sakit ng paa ko. Napwersa yata sa biglaang pag-upo ko.
"T-teka, anong masakit? Eto ba?" tanong niya at hinawakan ang paa kong namamaga yata dahil saking katangahan.
"Ouch!" Lalo pa kong napangiwi dahil sa paghawak niya.
"Dahan-dahan naman, Earl!" inda ko pa.
"S-sorry." aniya.
Pinatawag ko na lang siya ng nurse na mag-aassist sakin, dahil sa itsura pa lang niya ay baka lalong mapalala ang sakit ng paa ko sa pagkakataranta niya.
Agad dumating ang isang nurse. Maputi siya at makurba. Trainee lang yata siya dahil mukhang ka-edad lang naman namin siya.
"Miss, paki-assist naman si Aira. Hindi ko kasi alam ang gagawin, baka lalong lumala ang lagay ng paa niya pag ako ang humawak at mag-assist sa kanya."
"Sige, sir." Ngiting-ngiting sagot ng dalaga.
Pwe! Nagpapacute pa yata!
Lumapit sakin ang nurse at sinimulang hilutin ang paa ko.
"Sir, kaanu-ano niyo po si ma'am? Kapatid niyo po ba?" Tanong pa niya.
"Hindi." simpleng sagot niya.
"Pinsan niyo po?" tanong ulit niya sabay pacute pa.
Umirap na lang ako sa kawalan. Bakit may mga taong sagad ang kalandian?
"Cousin?" Umiling-iling si Earl at bahagyang natawa pa. "Kasintahan ko yan. Ganda noh?"
Agad sumimangot ang mukha ng bruha. Bumigat din ang kamay niyang nakahawak saking paa.
"Aray naman, miss!"
"Miss, ako na diyan."
"Sorry po, ma'am. Sorry, sir."
Hindi pinalagpas ng mata ko ang pang-iirap na ginawa niya, at ang bruha, simpleng chansing pa sa braso ni Earl.
"Tss.."
"Hayaan mo na nga yun."aniya pagkaalis ng mahaderang dalaga.
"Ang arte kasi eh.. ang landi pa."
"Selos ka lang yata."
"Ano kamo?!" bulyaw ko sa mukha niya.
"Wala. Sabi ko, ganda mo kaso bingi ka." Ngiting-ngiti pa siya habang umiiling sa kawalan.
"Ano, Aira, okay na ba?" tanong niya makalipas ang ilang minutong pananahimik naming dalawa.
"Tingin mo?!"
"Bad trip ka pa din?"
"Hindi."
"Selos ka lang kasi.." Hindi maitago ang ngiti sa mukha niya. Tarantadong to! Ang kapal ng mukha!
Inirapan ko na lang nga.
"H'wag kang mag-alala. Kahit isang milyon pang babae ang lumandi sakin, ikaw at ikaw lang ang lalandiin ko."
"Gago!"
"Pero seryoso.. kagaya ng sinabi ko sa'yo, mahal kita, ikaw lang, walang iba. Cliche man sa pandinig, pero ganun yata talaga pag nagmamahal ka."
Nag-iwas ako ng tingin dahil masyadong intense ang pagtitig niya sakin.
Shit! Bakit masyado na yata akong naaapektuhan ng mga pinagsasabi niya? Pati lamang loob ng tiyan ko ay nagwawala dahil sa mga banat niya.
BINABASA MO ANG
Pansamantala
Teen FictionShe was there, when he needed her. But he's not there when she needed him. Earl is there to save her, to fix her, and to love her. Will they find love on the process? Or will they end up nothing but an acting couple?