Chapter XXIV

83 5 0
                                    

"Aira, what happened?" Naramdaman ko ang pagyugyog ng balikat ko. Binalingan ko yung nagsalita. Si Loraine lang pala. Binalik ko yung focus ko sa cellphone.

"Friend, bat ka umiiyak ? Pansinin mo naman ako." She cried out of desperation.

"I.. I just can't help it. Nakakaiyak kasi e."

Pinunasan ko yung luhang umagos saking pisngi. Recently, I found myself reading such heartbreaking stories. Alam mo yung masakit sa puso yung binabasa mo pero di mo pa rin mapigilan yung sarili mong basahin.

Somehow, I know, kaya ko nagugustuhan ang mga ganitong klaseng storya dahil umaasa akong sa huli magiging masaya pa rin. Katulad ko. I want to be happy, despite all the sadness I've been through. Kahit pa parang malabo. Kahit parang hanggang sa libro na lang nagkakatotoo ang mga happy endings na yan pagtyatyagaan ko. Pagpupuyatan ko. Kasi mayroon akong mga bagay na natututunan. Or may mga bagay akong narerealize.

And that is.. to move on. Or to keep holding on. Pero sa ngayon, hindi ko na alam kung anong gagawin ko. There are things na alam mong mali pero ginagawa mong tama kasi yun ang nakakapagpasaya sayo.

I sighed.

"Bakit nga kasi? Don't tell me.. si kuya Ely na naman yan?" tinaasan pa niya ko ng kilay.

"Hindi ah." Agad kong sagot.

"Then why?" She almost beg for an answer.

"Here."

Inabot ko yung cellphone ko at pinakita ang binabasa ko sa wattpad. Kumunot ang noo niya.

"What's this?"

"What?! Raine, this is the trend now! Hindi mo ba alam ang wattpad?!" Di makapaniwalang tanong ko.

"Obvious ba? Kaya nga nagtatanong di ba?" Umirap siya at binaling ang tingin sa cellphone ko.

"O-Kay. Try mo kaya magdownload sa phone mo no! Now give me back my phone! Malapit na ko sa ending!"

Umirap ulit siya at isinoli naman din sakin ang cellphone ko. Ibinalik ko ang focus sa binabasa ko. Hinayaan ko na lang siyang dumaladal ng dumaldal kahit wala naman akong naintindihan sa mga sinabi niya.

Nang matapos ko ang binabasa ko, agad akong nag reflect sa sarili ko.

If I were the girl in the story, I'm going to choose the present, not the past. If it was ended years ago, hindi na yun maibabalik ng simpleng hi at hello. Kahit pa anong rason meron ang partner mo, the thing is, they tend to break your heart. To break your trust. Kahit pa sabihing hindi nila kagustuhan yun. Desisyon pa rin nila yun. Kahit pa may mag udyok sayo na hiwalayan ang partner mo, yung final say ay ikaw pa rin naman ang magddecide.

Decision making is just a simple cycle of choices and actions.

Pero bakit nga naman pagdating sa love ay nagiging tanga tayo? Katulad na lang ngayon. Ang pagkakaupo ko sa loob ng coffee shop na to, kaharap ang lalaking kinasusuklaman, scratch that, kinababaliwan ko ay isang desisyong hindi ko man lang pinag isipan. Wala man lang back up plan in case na may mangyaring hindi maganda.

I'm starting to embrace the awkwardness between us. And it's not a good thing.

"I.. I think , I should go." Panimula kong pamamaalam. Tumayo na ko, pero pinigilan niya ako.

"Please, Aira. Mag-usap muna tayo."

"Kanina pa tayo dito ,pero ayaw mo namang kumibo. Kung kailan aalis na ko tyaka ka naman aaksyon. Ganyan ka ba talaga?"

Ramdam kong nagulat siya sa sudden outburst ko. Ako man ay nagulat. Di ko na kasi mapigilan. Matagal ko ring kinimkim to.

"I.. I didn't mean to-"

"Stop it Ely. Just cut the crap, okay? I'm done. We're done."

Pigil hininga akong lumabas ng shop. Kasabay ng paglabas ko sa pinto ay ang pagbagsak ng mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Mabuti na lang at hindi niya ako sinundan. Ayokong makita niyang miserable ako ng dahil sa kanya. I won't give him the satisfaction.

If I'm going to be miserable, then I'll drag him to hell, as well. I know it sound selfish, but can you blame me? He drop me like a hot potato. What a jerk! T-ngna lang at mahal ko pa rin siya! Mahal na mahal.

"Tahan na."

Nag angat ako ng tingin at nakita ko ang kapatid niya. Siya na naman. Siya naman palagi.

Heart kasi, bat hindi na lang siya?

G-go!  Ano ba yang naiisip mo! Brokenhearted ka lang, hindi ka user!

"Ugh! Sh-t!" Sagot ko sa utak kong naisigaw ko pala.

"What? May masakit ba sayo?" Tanong niyang punong puno ng pag -aalala.

"Wala. Just leave." Balewala kong sagot. I continued crying.

He, then, hug me that made me cry even more.

"Ugh! Nakakainis ka talaga!" pabulong kong sigaw sa kanya. Bakit ba kasi kailangan pa kong yakapin?

"I know. Mas gugustuhin ko namang mainis ka sakin kaysa umiyak ka." And that made me stop from crying.

How can words, be as magical as that? Hala! Nababaliw na yata ako! God, what to do?

PansamantalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon