Hindi ko alam kung pano ako nakauwi ng gabing iyon. Isa lang ang nasisiguro ko, hinalikan ako ni Ely, and it was my first real kiss. Hindi iyon smack na kagaya ng pagnanakaw halik sa akin ni Earl. Totoong halik iyon.
Nang sumunod na araw ay hindi ko alam kung paano haharapin si Ely, at lalo na si Lorraine. Guilty ako dahil nakipaghalikan ako sa taong mayroon ng girlfriend.
Kaya ng makasalubong ko si Lorraine sa corridor ay binati ko lang siya pero hindi ko siya matignan ng diretso sa mata. Hindi rin naman siya nagtagal, and I felt relieved that time.
Siguro ay tulala ako buong klase, hindi ko kasi maiwasang alalahanin ang nangyari kagabi. Ang yakap niyang mahigpit, ang pagtitig niyang nakakatunaw, at ang halik niyang nakakabaliw.
I was preoccupied by the thought of him. Ni hindi ko namalayang uwian na pala namin.
Pauwi na kami ni Sam nang bigla kong maramdaman ang pag-vibrate ng cellphone ko. Kinuha ko kaagad dahil baka importanteng message ang laman nun.
Nag-marathon kaagad ang tibok ng puso ko ng makita kong kay Ely galing ang text. Medyo kinabahan ako ng mabasa ko ang text niya, at excited din naman. Mixed emotions kumbaga.
From: Ely <3
Hi! Aira.. Pwede ba tayong magkita?
Nagmadali akong i-type ang oo at sinend agad ito.
Nagreply siya after a minute or two. Dun daw kami magkita sa restaurant na kinainan namin kagabi. Lalo tuloy akong nakaramdam ng kaba.
Pinauna ko na si Sam umuwi. Hindi ko pa nga pala nasasabi sa kanya ang nangyari kagabi. Isesekereto ko muna ito sa kanya.
Pagkarating ko doon ay nakaupo na siya sa pwestong inupuan din namin kagabi. Ngumiti ako ng alangan, at ganun din naman siya. Nag-order siya ng mamemerienda namin at kumain ng tahimik.
Pagkaubos ko sa kinakain ko'y naglakas loob na akong kausapin siya.
"E-ely.. about last night.."
"I'm sorry." putol niya sa sinasabi ko.
Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa dahil doon. I feel rejected.
Hinuli ko ang tingin niya at hinawakan ang kamay niyang nakapatong sa mesa. Bahagya siyang nagulat pero nakabawi din kaagad.
"Ely, alam kong mali.. pero sana.. sana wag mo naman akong iwasan dahil dun."
Napakagat ako sa aking labi at pilit pinipigilan ang sariling maluha. Ngunit umagpas ang luha sa kaliwa kong mata. He wiped it using his right thumb.
"Aira.. mahal ko si Raine, pero sa tingin ko.. gusto na kita."
Napalunok ako sa kanyang rebelasyon. Totoo ba yun? Gusto niya rin ako? Pero mahal niya si Lorraine..
"K-kung ganun.. p-pwede naman tayo kahit p-patago." nasabi ko na lang kahit alam kong mali.
Napasinghap siya at inalis ang kamay niya mula sa aking pagkakahawak. Nasaktan na naman ako dahil sa kinilos niya.
"Hindi pwede, Aira. Unfair sa'yo ang gusto mo. At ayokong lokohin si Raine." umiling iling pa siya at pilit iniiwas ang tingin niya.
"I'll take the risk, Ely. Mahal kita, mahal na mahal."
Napapikit siya at nagpakawala ng isang buntong hininga.
"Please, Ely... Walang makakaalam ng tungkol sa atin... Gusto mo naman ako di ba? Can we just try?" pagmamakaawa ko sa kanya. Desperada na kung desperada. Umamin na siya sa akin kaya't magbabaka sakali na ako.
"Alam kong nagsasawa ka na sa set-up niyo ni Lorraine, kahit pa sabihin mong mahal mo siya."
Tinitigan ko siya sa mata, at kita kong konti na lang ay bibigay na siya. Napahilamos pa siya sa kanyang mukha at nakailang buntong hininga. Sa huli ay napapayag ko din siya. Napapayag ko siya sa isang kamaliang kailanma'y hindi ko pagsisisihan.
"I love you, Ely. Ingat ka." Paalam ko sa kanya dahil may klase pa siya.
Hindi siya sumagot at napabuntong hininga na lang. Tumayo siya at lumapit sa akin. Yumuko siya para halikan ako sa aking noo. Nagulat pa ako sa ginawa niya at natulala ng ilang minuto. Hindi ko na nga namalayan ang pag-alis niya. Naiwan lang akong nakatulala sa aking kinauupuan.
"Aira!" matigas na boses ang nagpabalik sa aking ulirat.
Lumingon ako sa taong pinanggalingan ng boses. Nanlaki ang mata ko at nanigas sa aking pagkakaupo.
Sht! paksht! Kanina pa kaya siya nandito? Nakita ba niya? Lagot na ko nito.
"A-anong ginagawa mo d-dito?" pautal-utal kong tanong.
Pilit niyang hinuhuli ang tingin ko, habang pilit ko namang iniiwas ang sakin.
"Ikaw?! Anong ginagawa mo dito?" Tanong niyang may tonong pang-aakusa.
"W-wala.. K-kumain lang."
"Talaga? Sinong kasama mo?" nakangisi niyang tanong ngunit mababakas ang tono ng pagkainis at galit.
"Wala ka na dun." sagot ko at tumayo na para makaalis sa lugar na iyon.
Hinawakan niya ko sa braso para pigilan. Mahigpit ang pagkakahawak niya kaya't napa-aray ako. Niluwagan din naman niya agad ang pagkakahawak dito.
"Kung anuman yang ginagawa mo ay tigilan mo na. Ikaw din ang magiging kawawa." bulong niya sa may tainga ko.
"Ano bang pakialam mo?!" napataas ang tono ko kaya't napatingin ang ibang taong naroroon. Mabuti na lang at kakaunti lang ang customers na nandito, karamihan ay matatanda at walang kaeskwelang makakakita.
"May paki ako dahil mahal kita.." bulong niyang nagpabilog ng mata ko at nagpabilis ng tibok ng puso ko.
BINABASA MO ANG
Pansamantala
Teen FictionShe was there, when he needed her. But he's not there when she needed him. Earl is there to save her, to fix her, and to love her. Will they find love on the process? Or will they end up nothing but an acting couple?