Chapter XXI

114 5 0
                                    

After that big revelation of Earl, hindi ko pa siya ulit nakikita at nakakausap. Pagkauwi ko kasi ng araw na iyon ay hinatid ako nila mama at papa sa probinsya nila lola.

Dito ako nagstay kayla lola, at pangalawang araw ko na ngayon dito. My parents went back to Manila for their work. Nagpaiwan ako dito para magka-space sa mga drama ng buhay ko.

Earl keeps on flooding my inbox with his non-sense text messages. Ni-off ko na nga ang phone ko para mawalan ng contact sa kanya at kay Ely.

Oo, si Ely ay nagtetext din. Tinibayan ko lang ang loob ko na wag basahin at itext siyang pabalik. Sigurado akong mabasa ko lang ni isa sa messages niya ay hindi ko na siya mababalewala pa. Hindi ko kasi alam kung mareresist ko pa siya once na magkausap na naman kami. He’s my weakness, and I don’t want to fall hard and get hurt again, and again.

“Aira! San mo gustong mamasyal?”

Humarap ako kay Jay at ngumiti. “Kahit san na lang.”

Si Jay ang kasama ko dito sa lugar nila lola. Small world, ano? Kahapon lang kami nagkita at nalaman kong siya pala ang kababata kong si Jay-Jay. Nagulat pa nga ako at ganun din siya. Hindi ko lubos akalaing siya na pala ang gusgusin kong kababata.

“Dun tayo sa park na madalas nating puntahan nung mga bata pa tayo!” Cheerful niyang pagyayaya sa akin.

Tumayo siya at nilahad ang kamay sa akin. Nakangiti kong inabot iyon. Para akong bumalik sa pagkabata ko. Nakakatuwang balikan ang kabataan mo, nakakawala ng stress. Nakakamiss ang walang pinoproblemang love life, yung tanging paglalaro lang ang iniintindi. Yung hassle-free.

Pagkarating naming sa park ay nagdiretso siya sa isang seesaw. Doon kami madalas maglaro nung mga bata pa kami.

“Tara dito!” sigaw niya at pumorma na ng upo sa isa doon.

Sumunod ako at umupo na din. Taas baba lang kami. Patawa-tawa pa siya, siguro dahil sa itsura kong hiyang hiya. Puro kasi bata ang kasama namin sa park. Kami lang ang may edad na rito, pero may pailan-ilan din namang mga nanay yata nung mga batang naglalaro.

“Natatandaan mo pa ba yung sinabi ko sayo dati?”

Umiling ako dahil wala naman akong matandaan. Huminto siya sa pagtadyak, dahilan upang huminto ang galaw ng seesaw. Nasa taas ako, habang siya ang nasa baba.

“Sabi ko dati, paglaki natin.. pakakasalan kita.”

Namula ang pisngi niya at nag-iwas tingin pa. Natawa ako sa reaksyon niya.

“Anong nakakatawa?”

“I-ikaw!” sagot kong hindi matinag sa pagtawa.

Karma yatang matatawag dahil bigla akong na-out of balance. Hindi ko namalayan kung anong nangyari’t nalaglag ako.

“Ouch!” sigaw ko dahil ang pangit yata ng bagsak ko. Nabalian na yata ako ng buto.

“P*ta! Bakit kasi… Aira, wag ka munang kumilos!”

Patuloy na sa pagdaloy ang mga luha sa mata ko. Sobrang sakit ng paa ko. Napapangiwi na nga din si Jay dahil sa kalagayan ko.

Nagdial siya sa cellphone niya. Siguro’y tatawagan niya si lola.

“Hello! Si Aira, nabalian yata ng buto!” mabilis niyang saad.

Nilayo niya ang cellphone sa tainga niya. Kung sino man ang nasa kabilang linya ay siguradong sinisigawan siya.

“Sht! Kumalma ka nga! Nasan ba si Sam?”

“Tangna! Wag mo kong sigawan!”

“Nandito sa probinsya namin.”

“Itanong mo na lang kay Sam, wala na kong oras makipag-usap sayo!”

“Tumahimik ka na nga! Dadalhin ko na si Aira sa ospital.”

“Oo! Bye- Ay p*ta! Binabaan pa ko!”

Humarap siya sakin sa ngumiti ng bahagya. Kunot noo lang ang ginanti ko sa kanya. May kutob ako kung sino ang kausap niya, pero pinapanalangin kong mali ang iniisip ko.

“Pasensya ka na, tarantado kasi yung si Earl, sigaw sigawan ba naman ako.”

“Ano?!” napasigaw ako at napagalaw ng kaunti. Lalong sumakit ang paa ko dahil sa pagkilos na ginawa ko.

“Bakit mo sinabing nandito tayo?!”

“Bakit? Bawal ba?” Napakamot siya sa ulo niya habang ako naman ay napa-face palm na lang.

Pagkarating ng ambulansya at ng stretcher ay agad nila akong dinala sa pinaka malapit na ospital. Nakakahiya nga, dahil seesaw pa ang dahilan ng pagkakalaglag ko. Take note, sa seesaw. Pangbatang palaruan. What a shame!

Hindi naman daw malala ang nangyari sa buto ko, but the thing is, nagka fracture ang left foot ko. Hindi tuloy ako makapaglakad ng maayos, kailangan ko pang magwheelchair o kaya ay gumamit ng saklay. After few weeks pa daw or a month bago tuluyang gagaling ito. Ang tagal kaya!

“Aira.”

Malamig na boses ang nagpabalik sa ulirat ko. Unti-unti kong nilingon ang nagsalita. Galit na galit ang mata niya, halos labasan na ng apoy o kung ano mang special effects na napapanood ko sa anime.

“Bakit umalis ka ng hindi nagpapaalam sa BOYFRIEND mo?!”

“Bakit hindi mo iniingatan ang sarili mo?!”

“Bakit kailangang sa seesaw ka pa mahulog? Sakin ka lang dapat mahulog. Sa. Akin. Lang.”

My jaw almost dropped on his last statement. Seryoso ba siya o bumabanat lang?

PansamantalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon