Pagkauwi ko ay lahat sila'y tulog na. Pumunta ako sa kwarto ko at naglinis ng sarili. Pinatay ko ang ilaw at humiga sa kama ko. Tanging ilaw lang ng lampshade ang umiilaw sa kwart ko. Binuksan ko ang cellphone ko at tiningnan ang mga emails. Sa lahat ng emails ay isa lang ang tinangka kong buksan. Binuksan ko iyon at nakita ang mensahe ng isang CEO ng sikat na photography company sa mundo.
Ms. Luna Caison,
Good day! I am Mr. Dwight Fernandez, CEO of Explicit Photography from the Philippines.
Our team tried to reach you out for photoshoots for some magazine cover, but we failed. Once again, we are trying to reach you out. We are sponsoring a magazine again and its about people with different perspective in life in particular issue or topic.
We choose you to be on the front page in order to catch the attention of readers. According to our sources, you are the most influential vlogger when it comes to the given topic above.
Please reply to us. We are longing to reach you out. God bless you and goodluck.
Dahil sa pagtataka, sinearch ko sa google ang pangalan ng kumpanya niya at ang pangalan niya ang bumungad doon.
According to the article, he's one of the best photographers in the world. His employees are mostly photographers and writers. He also sponsored some magazines and campus journalism in some regions in the Philippines.
His father is a famous writer in the Philippines. He wrote novels about life. His family is very influencial when it comes to writing and photography kahit na sa journalism.
I smirked at that thought. Natulog na lang ako at nagpasya na bukas ko na sasagutin ang email na yon.
Good day! Pwede ko bang malaman kung saan ang magiging location nung photoshoot?
I replied. Natuwa naman ako kasi mabilis magreply etong si Dwight.
Good day din po. We are planning to take the photoshoot here in PH. Kami na po ang bahala sa tickets mo, just email us your address at ipapadala din po namin kaagad- agad.
We talked to each other for two hours ata about the photoshoot. Sabi ko sa kanya na ako na lang ang bahala sa ticket ko kasi uuwi din naman ako ng Pilipinas next week.
Napangiti ako sa isipin na yun. Pwede kong gawing dahilan yung photoshoot para umuwi ng Pilipinas. Ang talino ko dun ha.
Pumunta ako ng mall para magbili ng mga bagay na alam kong gagamitin ko doon. Nang makauwi ay nag- impake na ako, di na ako nagdala ng masyadong makakapal na damit dahil di ko naman yun magagamit dun.
Nang matapos sa pag- impake ay sakto namang natanggap ko ang aking ticket at nacheck ko na din ang hotel reservation na ginawa na ng team ni Dwight.
Naisipan ng pamilya ko na magbakasyon muna— pamilya pala nila I mean. Kaya mag- isa lang ako dito sa bahay. Konting tiis na lang, makakauwi na din ako sa Pilipinas.
Dahan- dahan akong lumabas ng airport at nakita ang isang grupo na may kapit ng tarpaulin na ang nakalagay ay: Welcome Ma'am Luna! Napangiti ako dahil doon.
Lumapit sila sa akin at nagpakilala. Pinakita pa nila ang kanilang mga ID na sila ay galing sa firm ni Dwight. Sumakay kami sa van. Binalot ng katahimikan ang van na iyon habang papunta sa hotel kung saan ako mage- stay.
Tinulungan nila ako sa mga bagahe ko at nagpaalam na sa akin.
“Magpahinga ka daw po muna, Ma'am, sabi ni Sir Dwight. I- email niyo na lang daw po siya kung pupunta ka na daw po sa kumpanya para masundo ka po.” Saad ng isa.
Tumango ako at umalis na sila. Pumalit na muna ako ng damit at natulog nang saglit. Nang gumising ay nag- asikaso na ako at in- email ko na din si Dwight na magpapasundo na ako.
Maya- maya ay bumaba na ako using the elevator. Naka light make- up lang ako at itim na fitted dress. Nang makalabas ay may sumalubong sa akin sa lobby.
He's so tall. Kahit matangkad na aking babae at naka heels pa ay hanggang dibdib niya lang ako. He held out his hands and said,
“Good afternoon, Ma'am Luna. I'm Dwight Fernandez.” Saad niya.
“Good afternoon,” Saad ko at nakipag- kamayan, “Nice meeting you.”
“Same, shall we go?" saad niya nang matapos kaming makipag- kamay sa isa't isa.
Inilahad niya ulit ang kanyang kamay.
“I can handle myself,” Saad ko at ngumiti.
Ngumiti na lang siya at nauna na sa paglalakad. Sumunod ako sa kanya at pinagbuksan niya ako ng pinto. Sumakay na ako sa kotse niyang mamahalin. Akala mo naman talaga.
Sumakay na din siya at nagsimula nang mag- maneho. Binasag ko na ang katahimikan na kanina pa bumabalot sa amin.
“Bakit niyo pala naisip na ako ang isama niyo sa photoshoot?” Tanong ko.
Napatingin siya sa akin saglit at binalik ang tingin sa daan.
“Because you're very infuencial. Kahit nasa ibang bansa ka, grabe yung impact mo sa mga pilipino.” Saad niya at ngumiti.
Napa- kibit balikat na lang ako at nag- cellphone na lang.
“Napapansin ko, ‘di ka nagva- vlog ngayong nandito ka na sa Pinas,” Saad niya.
“Gusto ko na munang mag- enjoy kaya baka sa susunod na lang na mga araw,” Sagot ko.
Binalot ulit kami ng katahimikan matapos yun. Dahil ata doon ay binuksan niya ang radyo, sakto naman na ‘Ride Home’ ng Ben&Ben ang tumutogtog doon.
Napangiti ako bigla dahil paborito ko ang bandang iyon. Sana nga'y makita ko sila dito sa Pinas.
Nang makarating kami sa kumpanya niya ay inalalayan niya pa ako pababa at nagimbal kaming dalawa nang biglang may nag- flash na camera habang inaalalayan niya ako pababa.
Hinanap namin kung saan galing yun. Pabagsak niyang sinara ang pinto ng kotse at kitang- kita sa mata niya ang pagka- galit.
BINABASA MO ANG
Sana'y Sa Susunod (LADS #1) // (Completed)
Romance(Liwanag at Dilim Series #1) Si Louisa Diana 'Luna' Caison ay isang sikat na vlogger. Sa gitna ng kasikatan niya ay may naganyaya sa kanya na photogapher para sa isang photoshoot. Everything went smooth not until she went back to her home and real...