Kabanata 30

260 14 0
                                    

Mas lalo akong naging abala sa sunod na linggo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Mas lalo akong naging abala sa sunod na linggo. Naging mahirap sa akin ang pag- focus para sa auction dahil hindi ko kayang hayaan ang mga anak ko. Bumaba kaming tatlo at hinayaan ko silang maglaro doon habang nagtratrabaho ako. Inilapag ko sa center table ang laptop ko.

Napamura ako nang makitang nag- cancel ang catering service na pina- book ko dahil out of stocks daw sila ng mga pagkain. Mabuti na lang ay hindi narinig iyon ng mga bata. Napatingin ako sa pinto nang may bumukas nito.

"Tito Isaiah!" Sigaw ng mga anak ko.

"Good afternoon, my babies!" Saad ni Isaiah sa dalawa.

Inaya ni Isaiah ang dalawa sa dining para pakainin ang mga ito ng dala niyang donuts at frappes.

"Isang frappe lang sa kanilang dalawa, Isaiah! Malamig yan!" Sigaw ko kay Isaiah para marinig niya kahit nasa dining siya.

"Okay," Sagot naman nito.

Nagtry akong mag- reach out sa mga restaurants na around lang sa venue pero wala. Walang pumayag dahil ngayong week na ang event. Karamihan sa kanila ay one month before the event ka dapat magpapabook. Napasapo na lang ako sa noo nang makitang wala talagang pumapayag at yung iba pa ay hindi nagrereply.

Lumapit naman ang dalawa kong anak at nginitian ko naman sila. Binigyan nila ako ng donut at frappe. Tinanggap ko naman iyon.

"Nag- thank you na ba kayo kay Tito Isaiah?" Tanong ko.

"Opo," Sagot naman nila.

Umupo si Isaiah sa tabi ko at sinabing, "Nag- thank you na sila. By the way, ayos na ba ang lahat para sa auction mo?"

"Oo pwera sa catering," Saad ko at napaismid.

"Wait, may kakausapin lang ako. Titingnan ko kung pwede silang mag- cater." Saad niya at lumabas.

Ako naman ay nakipaglaro na muna sa mga anak ko. Napatingin ako kay Apollo na kanina pa pikit nang pikit.

"Masakit ba mata mo, anak?" Tanong ko.

"Not really, Mom, malabo po siya ng konti sa malayo."

Kinabukasan ng araw na iyon ay pumunta ako sa ospital para ipacheck ang mata niya. Mabuti na lamang ay may ophthalmologist na available doon. Nalaman ko na nearsighted ito at kailangang magpasalamin na dahil sobrang labo na talaga ng mata niya.

"Mom, why are we here?" Tanong ni Apollo nang makarating kami sa isang opticals kung saan kami magpapaggawa ng salamin niya. Lumuhod ako sa harapan niya.

"'Diba sabi mo sa akin kahapon na malabo ang mata mo? Do you remember?" Tanong ko at tumango naman siya. "Bibili tayo ng salamin para luminaw ang mata mo."

Nang matapos iyon ay umuwi na rin kami. Nalaman ko rin na ayos na ang catering service para sa auction dahil nagsponsor daw ang kaibigan ni Isaiah at hindi ko na rin kailangang magbayad. Natuwa naman ako doon. Malaki ang utang na loob ko doon.

"Anong pwedeng gawin ko para sa kanya? Nakakahiya naman kung libre." Saad ko.

"Magtiwala ka sa kanya, yun lang." Saad ni Isaiah.

"What do you mean?"

"Basta,"

Kinabukasan ay auction na. Pagkadating ko sa venue ay ayos na ang lahat. Inasikaso ko ang iba pa at pagkatapos nun ay nagpa- make up na ako. Nang matapos akong mag- ayos ay nagphotoshoot na muna ng konti.

Nang matapos iyon ay biglang may tumawag sa akin dahil nasa venue na raw ang bagong may- ari ng branch ni Theo sa Pilipinas. Nag- madali akong pumunta doon, mabuti na lamang ay nasa kabilang building lang ako ng venue.

Sa backstage ako dumaan. Nang kumpleto na ang mga guests ay winelcome ko silang lahat gamit ang isang speech. Habang nagsasalita ako ay isnag tao ang nakapukaw ng atensyon ko. Nang makita niyang nakatingin ako sa kanya ay ngumisi ito. Binaling ko na lang muna ang tingin ko sa iba at nagpatuloy sa pagsalita.

Nang makababa ako sa stage ay pumunta ako sa entrance para makita ang mga natapos na gawain doon.

"Good evening, Mrs. Wager."

Napatingin ako kay Gigi, ang dating sekretarya ni Theo, ang kabit ni Theo.

"Good evening," Saad ko at ngumiti sa kanya.

"Long time no see,"

"Long time no see rin, ang huli nating pagkikita ay nung kumabit ka sa asawa ko 'diba?"

Tumawa siya at umismid. Napangisi ako dahil hindi nga pala ako kilala nito masyado. Hindi niya pala alam na ako ang pinakasuplada dito, ang pinakademonyo.

"Excuse me, but he's the one who approach me. Ganon ata ako kaganda." Saad niya at naghair- flip pa. "Can't you see, Luna, sa akin ibinigay ang branch niya sa Pilipinas. Kaya mo yun? Ganon niya ata ako kamahal."

"Good for you, sa tagal mo namang nagkakagusto sa kanya ay eto ka nga ngayon. You own the branch, wow." Sarkastikong saad ko. "Wow, one branch pero ipinagmamayabang mo na. Ganon ka ba niya kamahal? Isang branch lang? Wow!"

"Ipinagmamayabang mo na rin itong auction mo—"

"Wala akong sinabi tungkol sa auction ko."

"You send me an invite—"

"Wow! Nakatanggap ka? Patingin nga. Patingin nga kung paano ka kumabit kaya nakuha mo yung isang branch."

"How dare you?!" Sigaw niya.

Sasapakin niya na sana ako nang biglang may humarang sa kamay niya.

"Isipin mo muna kung sino ang kinakalaban mo. Kabit ka lang, asawa ako. Binigyan ka nga ng langit, ako naman ay binigyan ng langit ang mga anghel."

"Ipupusta ko ang branch ko sa auction na 'to para makita mo kung gaano ako kayaman ngayon."

"Sigurado ka bang sa'yo na yun?"

Napatingin ako sa taong kumapit ng kamay niya, si Isaiah iyon.

"Call his attorney, Attorney Sanchez, para malaman niyong dalawa na akin na talaga yun. Here's his calling card." Saad niya. Tinanggal niya ang pagkakapit ni Isaiah sa kamay niya at itinapon sa ere ang calling card. "Too bad, nasa Pilipinas siya ngayon at hindi niyo siya makocontact kapag nandito kayo."

Inismidan ko siya, papasok na sana ako sa venue nang biglang may sinabi si Gigi.

"Defeat? Talo na nga patapon pa." Hindi ko siya pinansin. Nagpantig ang tenga ko nang marinig ang sunod niyang sinabi. "Patapon ka na nga, patapon ps ang mga anak mo."

"How dare you?!" Sigaw ko at sinapak siya.

Nanlaki ang mata niya nang maramdaman ang paglapat ng palad ko sa kaliwang pisngi niya. Namula iyon. Dahil sa sobrang sakit ay kinapitan niya iyon gamit ang dalawang kamay niya.

"I'll sue you!" Sigaw niya at umalis na.

Sana'y Sa Susunod (LADS #1) // (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon