Nang matapos ang linggong iyon ay agaran kaming pumunta sa Bicol. Nang kuhain ko ang gamit ko kila Oliver ay hindi niya pa rin ako pinapansin. Nakakapanlumo, tinry ko siyang kausapin pero hindi niya talaga ako pinapansin.
Nagpumilit si Theodore na siya na lamang ang magmamaneho papunta sa Bicol. Hindi pa sana ako papayag dahil alam ko ay walong oras ang byahe papunta doon, wala naman akong naggawa.
Bago kami pumunta sa bahay ng mga magulang niya ay pumunta na muna kami sa bangko dahil ata sa magiging expenses namin. Nang makarating doon ay nagulat ako nang nakita ang buong angkan ni Theo.
Nagpasya kaming magpahinga muna, at magpapa- party daw si Tita pagkagabi dahil dumating kami ni Theo at inimbitahan pa pala nito ang huong angkan nila.
"Are you okay?" Tanong ni Theo sa akin nang humiga na ako sa kama.
"Tinatry ko," Sagot ko.
Lumapit siya sa akin at kinapa ang noo at leeg ko.
"May lagnat ka. Magpahinga ka muna. Ipagluluto kita ng pagkain, gigisingin na lang kita kapag kakain na."
"Magpahinga ka na rin muna kahit konti. Alam kong pagod na pagod ka sa byahe kasi ikaw ang nagmaneho."
"Sige, kung yan ang gusto mo."
Nagpahinga na muna kami.
Bumaba ako at naroon si Theo sa dining na naghihintay. Sinalubong niya ako at nagsimula na kaming kumain doon. Lumapit sa amin ang mga pamangkin ni Theo sa pinsan. Walang kapatid si Theo kaya yun.
"Tito Theo!" Sigaw ng isa. Dalaga na ito at mukha pang model. Mestisa ito at mahaba ang legs. Ang tangkad at sexy pa nito!
"Oh, Kaye! Kamusta ka na?" Tanong ni Theo.
Yumakap si Kaye kay Theo at niyakap niya ito pabalik.
"Okay lang po," Saad niya. Humiwalay sila sa yakap at bumaling sa akin si Kaye. "Hello po, Ate Luna!"
"Hi!" Sagot ko.
"Fan mo po ako, ang gaganda po ng mga pictures niyo sa instagram tapos mga videos sa youtube."
"Thank you,"
"Nice meeting you po,"
"Same,"
Nag- usap pa sila ni Theo at ako naman ay pinagpatuloy ang pagkain.
"May dala ka bang gamot jan?" Tanong ni Theo kay Kaye.
"Wala, Tito, pero may malapit na tindahan jan. Bibilhan ko po kayo. Ano po bang gamot?"
Binigyan ni Theo si Kaye ng pera at nagpabili ng gamot. Maya- maya ay lumapit naman ang isang pinsan ni Theo sa kanya na may dalang sanggol.
"Anak mo?" Tanong ni Theo.
"Oo,"
"Hala! Ilang months na 'to?" Tanong ni Theo habang nilalaro ang bata.
"Seven months, Theodore."
"Gusto ko na din ng anak." Saad ni Theo at napatingin naman silang dalawa sa akin at ako naman ay napatingin din sa kanila.
"Magkakaroon din kayo niyan, tiwala lang. Gusto mo bang kargahin?" Saad ng pinsan niya.
"Oo sana kaso hindi ako marunong."
Tinuruan siya ng pinsan niya at naikarga niya ng maayos ang bata. Kinuha ko ang cellphone ko at kinuhaan sila ng litrato. Napangiti ako habang naiisip na ganon ang magiging itsura ni Theo kapag nagkaanak na rin kami.
Lumapit sa akin ang pinsan niya at nagpakilala,
"Ako si Thelma,"
"Diana po," Sagot ko.
"Hindi ba ang tawag nila sa'yo ay Luna?"
"Opo pero mas maganda po kasi yung Diana eh."
"Kung sabagay, nga pala, bigyan mo na nga yan ng anak si Theodore. Tingnan mo oh." Napatingin naman ako kay Theo. "Gustong- gusto na niyan magkaanak sa lagay na yan."
"Nagtry po kami last last week, sana may mabuo."
"Oo?!" Sigaw niya sa gulat. "Nakaka- excite naman! Kung kailangan niyo ng tulong sa pag- alaga, okay lang sa akin. Ako ata ang mother of childcare dito sa Daet."
Napatawa na lang kaming dalawa sa biro niya. Lumabas kami sa kabilang lote nila Theo. Binili na nila iyon para sa mga gantong okasyon, imbis na mag- hotel ay dito na lamang.
Nagpa- cater sila at naroon na ang malaking angkan ni Theo. Hanggang ngayon ay kapit pa rin niya ang sanggol ni Ate Thelma. Natutuwa talaga ako sa kanila.
Gusto ko ring makitang ganyan si Theo sa mga magiging anak namin.
Umupo kami sa lamesa kung nasaan ang mga magulang ni Theo. Nakakatakot ang ama ni Theo pero mabait naman ang kalooban nito. Nang makaupo na kami ay kinuha na ni Ate Thelma ang bata at umupo sa lamesa naman nila.
Nagsimula na ang party. May mga palaro para sa mga bata, teenager at matatanda. Nakakatuwa! Pang- unang beses kong makaencounter nang gantong klaseng okasyon. Ito ang pinakamasayang okasyong napuntahan ko.
Habang nagkakasiyahan ang iba ay nagsalita ang ama ni Theo. Doctor ito at may lahing amerikano.
"Anong dahilan nang biglaang pagpunta niyo dito?"
"Uhm— Magpapakasal na kami, Dad." Saad ni Theo.
"Mabuti naman, Anak." Saad ni Tita at ngumiti sa akin.
"Akala ko ba ay may iba kang boyfriend, hija, iyong photographer." Saad ni Tito.
"Ay! Hindi po yun totoo. Fake news po yun." Saad ko. Nakakahiya! Pati iyon ay alam niya.
"I see, siguraduhin mo, hija, na hindi iyon totoo." Pinaglaruan ko ang mga daliri ko nang sabihin niya iyon dahil sa kaba. Bumaling siya kay Theo at sinabing, "Saan kayo titira pagkatapos ng kasal?"
"Dito po," desididong sagot ni Theo. "Nagpagawa na po ako ng bahay dito. Kakatapos lang po last week."
"Wow," Manghang- manghang sagot ng ama niya. "I didn't expect that you'll be ready for these things. Akala ko ay magluluto ka na lamang sa buong buhay mo."
Tumawa si Tito at ganon rin naman si Theo. Doon nawala ang tensyon nilang mag- ama. Kinapitan ni Theo ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya at ngumiti siya sa akin.
BINABASA MO ANG
Sana'y Sa Susunod (LADS #1) // (Completed)
Romance(Liwanag at Dilim Series #1) Si Louisa Diana 'Luna' Caison ay isang sikat na vlogger. Sa gitna ng kasikatan niya ay may naganyaya sa kanya na photogapher para sa isang photoshoot. Everything went smooth not until she went back to her home and real...