Kabanata 5

507 23 2
                                    

Naalimpungatan ako nang biglang bumukas ang ilaw sa buong kwartong iyon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Naalimpungatan ako nang biglang bumukas ang ilaw sa buong kwartong iyon. Bumangon na ako at bumungad saakin si Sol na nasa may harap ng TV at tinitingan ang litrato nung babae.

Girlfriend niya talaga yun eh, nafifeel ko talaga. Napatingin ako sa kurtinang kanina ay nakasara pero ngayo'y nakabukas na. Gabi na pala. Naroon na sa baba ang mga empleyado ni Sol, naglalaro ng kung ano man at kung hindi ako nagkakamali ay nagiinuman sila.

“Gising ka na pala, baba na tayo. Tayo na lang ang wala doon.” Saad niya.

Hindi ko alam kung bakit biglang kumirot ang puso ko nang magsalita na siya. Tumingin ako sa kanya at ngumiti naman siya sa akin.

“Mag- jacket ka—”

“Wala akong dalang jacket,” Supladang sagot ko sa kanya.

“Hmm,” Saad niya at pumunta sa walk-in-closet niya. Lumabas siya dala- dala ang isang jacket. Binigay niya iyon sa akin at sinabing, “Yan na lang gamitin mo.”

Kinuha ko iyon at sinuot. Bumaba na kaming dalawa. Pumunta kami kung nasaan ang iba.

“Ayan na sila!” Saad ng isa sa kanila.

Umupo ako sa tabi ng isang babaeng empleyado niya na alam kong isa sa mga sumundo sa akin sa airport. Tumabi naman sa akin si Sol at nailang naman ako.

Paano kung girlfriend niya talaga yun? Paano kung— ano ba, Luna? Tama na nga kakaisip ng ganyan. Ano naman kung girlfriend niya talaga yun?

“Truth or Dare na tayo, kapag hindi nasagot ang tanong sa truth, magshashot ha? Tsaka pag hindi nagawa ang dare, magshashot din, tatlong shot.” Saad ng lalaking empletado at tumawa naman ang lahat, at kalaunan din ay nagpayag.

Tumayo na muna si Sol, maya- maya ay bumalik na may dalang dalawang bote ng alak, binigay niya ang isa sa akin at umupo na ulit siya sa tabi ko. Saktong pag- upo niya ay tumigil at tumapat sa kanya ang bote.

“Sir, truth or dare?” Saad ng nasa harapan niya.

“Dare,” sagot niya. Hindi ko alam pero feeling ko nayayabangan ako kung paano niya sinabi ang katagang iyon.

“Halikan mo si Ma'am Luna.” Saad ng nasa harapan niya at lahat naman ay pumalakpak.

Napatingin ako kay Sol at doon ko lang napagtanto na nakatingin din pala siya sa akin. Ngumiti siya at sinabing,

“Pass na muna,” ngumiti siya ulit sa akin at binaling ang tingin sa nag- dare.

“Ang KJ naman, Sir!”

Binalewala ni Sol ang nag- dare sa kanya at tinungga ang tatlong baso ng alak. Nang gawin niya yun ay iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Biglang kumirot ang puso ko dahil doon.

Pinagpatuloy ang laro at ako naman ay nakatatlo nang bote ng alak. Tumayo ako at bigla namang nagsigawan ang mga empleyado.

“Ma'am Luna, truth or dare?” Saad ng isa. Napaupo ulit tuloy ako.

“Dare,”

“Sana naman po ay hindi ka magpass katulad ni Sir Dwight,” Saad nito at nagtawanan ang lahat. “Halikan mo po si Sir Dwight.”

Napa- buntong hininga naman ako at itong katabi ko. Tumingin ako kay Sol at tumingin din siya sa akin. Nilapit ko ang mukha ko sa kanya at ganon din naman siya. Naramdaman ko ang kamay niya sa likod ko. Siniil niya ako ng halik at napapikit ako dahil doon. Inabot ng ilang segundo ang halik at ako na ang tumigil noon.

Naghiyawan naman ang mga empleyado. Napatawa naman ako at tumayo na ulit para kumuha pa ng alak. Lumapit ako sa cooler na may lamang alak. Kukuha pa sana ako ng isa pero may biglang pumigil sa akin.

“Tama na, nakakaraming alak ka na.” Saad ni Sol.

“Hindi pa naman ako lasing kaya ayun.” Saad ko at kumuha pa rin ng alak.

Tinungga ko ang alak na iyon at kumuha pa ng isang bote. Bumalik na ako kung nasaan man ang mga kasama namin at ganon din si Sol.

Maya- maya ay ramdam ko na ang pagikot ng paningin ko. Lasing na ako. Inilibot ko ang paningin ko sa mga kasama at lahat sila'y may sari- sarili ng mundo. Sumandal ako sa balikat ni Sol.

“Gusto mo na bang magpahinga?” Saad niya at tumango naman ako.

Tumayo siya at nilahad ang kamay sa akin. Tinanggap ko naman iyon. Biglang nanghina ang tuhod ko. Dahil doon ay kinarga na ako ni Sol na para bang bago kaming kasal. Ipinulupot ko ang kamay ko sa leeg niya at pumikit na.

“Sol, may girlfriend ka na ba?” Wala sa sariling saad ko.

“Wala,”

“Edi sino yung babaeng yun? Nagseselos ako ha.” Minulat ko ang mata ko at tumawa.

Hindi siya sumagot.

“Ex mo ba yun?” Saad ko at pumikit ulit. “Alam mo kung may nararamdaman ka pa sa kanya, huwag mo akong gantohin. Huwag mong iparamdam sakin na parang may nararamdaman ka. Nakakailang eh. Baka mamaya di mo naman ako mahal.”

“Magpahinga ka na lang muna, masyado ka ng lasing.” Saad niya.

Minulat ko ang mata ko at dahan- dahan niya akong inilapag sa kama. Kinapitan ko ang kamay niya.

“Dito ka na matulog sa tabi ko, Sol.” Sabi ko at ngumiti.

Bumuntong hininga siya at humiga sa tabi ko. Niyakap ko naman siya at ramdam kong natigilan siya pero binalewala ko iyon. Isinandal ko ang ulo ko sa dibdib niya at pumikit na. Naramdaman ko ang paghaplos niya sa buhok ko.

“Alam mo, sasabihin ko na sayo 'to. Lasing ka naman eh, bukas hindi mo na 'to maaalala.” Saad niya. “Wala akong girlfriend at wala akong ex.”

“Edi sino yung babaeng yun?” Tugon ko.

“Mama ko yun,” Napamulat ako ng mata at tumingin sa kanya. Tumingin siya sa mata ko at ngumiti. “Namatay siya nung pinanganak ako.”

“I'm sorry to hear that.”

“Okay lang at tsaka pala okay lang sa akin na tawagin mo akong Sol.”

“Eh bakit nung una kitang tinawag na Sol, galit na galit ka sa akin?”

“Nagulat lang ako na naalala mo pa ako.”

“Anong ibig mong sabihin?” Tanong ko.

“Matulog ka na.” Sagot niya.

Hindi ko namalayan na nagkatulog na pala ako habang yakap siya.

Sana'y Sa Susunod (LADS #1) // (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon