Ngayong araw ay kaarawan na ni Isaiah at bukas ay pang- anim na taon na sana namin ni Theo. Napili kong damit na susuotin ay isang fitted na black dress, above the knee ang haba nito at sleeveless iyon. Pinili ko ang itim na boots para ipareha doon. Kinuha ko rin ang clutch bag ko na gold. Inilapag ko ang mga iyon sa kama ko.
Naligo na muna ako at pagkatapos ay tiningnan ang sarili sa salamin. Ready na ba akong makitang muli si Theo? Feeling ko magiging awkward. Nagsimula na akong mag- blower ng buhok at pagkatapos nun ay nag make up na ako.
Isinuot ko ang damit na inihanda ko at tiningnan ulit ang sarili sa salamin. Napakarevealing ng damit na suot ko. Kitang- kita ang clevage ko at hubog ng katawan ko. Gumilid ako ng konti at doon ko lang napagtanto na backless iyon. Bahala na.
Biglang tumunog ang cellphone konat text iyon mula kay Theo.
My other half: Nasa baba na ako.
Bumaba na ako dala ang clutch bag ko. Lumabas na ako ng bahay. Naroon siya at nakasandal sa kotse niya. Para ngang galing pa ito sa trabaho dahil naka- itim itong polo na nakarolyo pataas sa kanyang siko at nakaslacks pa ito. Naka- blackshoes din.
Nang buksan ko ang gate ay napatingin siya sa akin. Lumapit ako sa kanya. Binuksan niya ng pinto sa shotgun seat. Ako naman ay pumasok doon.
"Sana akin ka na lang ulit." Bulong niya at sinarado ang pinto sa gawi ko.
Sana nga sayo na lang ulit ako.
Pumasok na siya at nagsimulang magmaneho.
"You're wearing— uhm— very revealing— uhm" Nabubulol na saad niya, ako naman ay napakagat sa labi ko dahil sa hiya.
"You don't want it? Pwede naman tayong bumalik, I can change."
"It's okay, hindi mo na nga pala ako boyfriend." Saad niya at binulong pa ang panghuling sinabi pero narinig ko rin naman.
Ewan ko ba pero may nararamdaman akong kirot. Naiiyak ako. Tumingin na lamang ako sa labas at hinayaang tumulo ang luha ko. Mabuti na lamang ay waterproof ang gamit kong make- up. Nang malapit na kami sa bar kung saan magse- celebrate si Isaiah ay pinunasan ko na ang mga luha ko. Nagulat ako nang bigla na lamang ay may inabot na panyo sa akin si Theo. Tiningnan ko lamang iyon.
"Kuhain mo na," Saad niya.
Kinuha ko iyon at pinunasan ang luha ko. Pinark niya ang kotse niya, bumaba na siya at pinagbuksan ako ng pinto. Nang makababa ay ibinalot niya ang bewang ko gamit ang braso niya.
"Bumalik ka na sa akin, please." Bulong niya sa akin.
Binalewala ko iyon at naglakad na kami papasok. Bumungad sa amin ang malakas na tugtog at ingay ng maraming tao. Nasa 2nd floor sila. Kaya pumunta kami doon. Naroon si Isaiah at ibang pinsan niya. Naroon din si Eleazar at nagulat ako nung nakita doon si Oliver.
"Hello, ate!" Bungad niya sa akin.
"Hi, Oliver!" Masiglang saad ko at bumulong, "Anong balita?"
"Wala pa, Ate, ang hirap itrack." Sagot niya.
"Take your time,"
Umupo na kami ni Theo. Tumabi siya sa akin at ikinalas na ang braso mula sa akin. Nagsimula nang mag- inuman ang lahat. Si Eleazar naman ay nakamasid lang sa amin ni Theo. Kapag tumitingin ako sa kanya ay bumabaling siya kay Kuya Theo niya.
Napabuntong- hininga ako dahil paulit- ulit iyong nangyari. Kinapitan naman ni Theo ang kamay ko. Pinisil ko iyon. Napatingin siya dahil doon. Tiningnan ko din siya.
"Hindi ba pwedeng tayo na lang ulit?" Bulong niya.
Walang nakapansin sa amin, palibhasa'y may sari- sariling mundo ang nandito. Baka si Eleazar ay mapansin ang ginagawa namin.
Hindi ko sinagot si Theo. Kaya uminom na lang siya ng uminom. Kinapitan ko ang baso niya at sinabing,
"Magda- drive ka pa pauwi." Saad ko.
"I know, isa lang." Saad niya at kinukuha sa akin ang baso. "Isa lang, baby, isa lang"
Nagulat ako nang may kumuha nun. Kinuha ni Eleazar ang baso mula sa akin at binigay iyon kay Theo.
"Thanks, brother- in- law." Saad ni Theo at nilagyan ulit yun ng alak.
Mas lalong lumalim ang gabi at mas lalong nalalasing ang mga kasama ko. Ako naman ay konti lang ang ininom dahil alam kong malalasing si Theo at ako na lamang ang magmamaneho kapag nangyari iyon.
"Sir Theo, ano pong feeling na successful ka na? Someday, I know that I'll feel that way." Saad ng pinsan ni Isaiah.
"Masayang maging successful kasi nafulfill mo yung mga pangarap mo." Tumigil siya saglit at pinagpatuloy ang sinasabi. "Pero sa lagay ko ngayon, aanhin ko yung tagumpay kung yung taong mahal ko ay binitawan na ako."
Napatingin sa akin si Isaiah. Si Oliver naman ay napailing na lang, marahil ay nakita na niya ang laman nung email. Si Eleazar naman ay napangisi.
"Anong meron?" Tanong ni Isaiah. Bumaling siya sa amin ni Theo. "Don't tell me— oh my ghad!"
"Joke lang, Isaiah." Bawi naman ni Theo. "Okay kami ni Ate Luna mo, wala kaming problema."
"Sure ba kayo jan?" Tanong ni Eleazar.
"Sure na sure,"
Iniba ni Theo ang topic nila. Ako naman ay nagpaalam na magbabanyo na muna. Pagkatapos magbanyo ay bumalik ako sa table namin.
"Theo, umalis na tayo. Lasing ka na." Saad ko.
"Hindi ah," Sagot niya.
"Tara na, Kuya Theo." Saad ni Eleazar.
"Hmm,"
Nagpaalam na kami. Inalalayan ni Eleazar si Theo palabas ng bar. Pumasok na si Theo sa loob ng kotse niya. Nagulat ako nang may biglang humila sa akin at ibinaling ako sa kanya.
"Dwight," Saad ko.
Lasing na lasing ito. Nanlaki ang mata ko nang bigla niya akong siniil ng halik. Nanlaban ako. Tinulak ko siya palayo pero mas lalo niyang nilaliman ang halik. Nang makawala ay napasigaw ako,
"Ano ba?!"
Narinig kong nagmura ng malutong si Theo at ibinato ang kamao niya sa mukha ni Sol. Napabagsak sa sahig si Sol, dinambahan naman siya ni Theo at sinimulang bugbugin kasabay ang mga malulutong nitong mura. Ang bilis ng paghinga ko. Hindi ko inaasahang mangyayari ito.
"Theo, tama na, Theo." Saad ko at hinihila si Theo palayo kay Sol.
"Kuya Theo, tara na. Ang daming nakakakita." Saad ni Eleazar.
Kumalma si Theo at hinilot ang sintido. Nagkusa siyang sumakay sa kotse niya. Ako naman ay pumasok na rin. Sumunod naman si Eleazar na sumakay at siya na ang nagmaneho. Kami naman ni Theo ay nasa likuran.
"Baby, someone sent me pictures."
BINABASA MO ANG
Sana'y Sa Susunod (LADS #1) // (Completed)
Romance(Liwanag at Dilim Series #1) Si Louisa Diana 'Luna' Caison ay isang sikat na vlogger. Sa gitna ng kasikatan niya ay may naganyaya sa kanya na photogapher para sa isang photoshoot. Everything went smooth not until she went back to her home and real...