A/N: This will be the last kabanata of this story before 'Wakas'.
"Huwag kang mag- alala, Luna." Saad ni Atty. Sanchez. Napatingin ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay. "Theo planned it out smartly."
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko.
"Giovanna and Dwight, building lang ang sa kanila." Saas niya at uminom ng kape. "Lahat ng empleyado sa branch na yun ay sinuswelduhan pa rin ni Theo. Lahat ng stockholders ay inilipat niya sa ibang branches. Ang nakila Dwight at Giovanna lang ay ang building na iyon. Sa katunayan pa nga ay babayaran pa nila ang renta sa building na iyon."
"Excuse me," Saad ko nang nag- ring ang cellphone ko. Sinagot ko ang tawag na iyon sa harap ni Atty. "Hello?"
"Ma'am regarding the auction." Saad sa kabilang linya. "Wait lang, Ma'am, ma-tagalog na lang po ako."
Natawa naman ako sa kanya. Karamihan sa empleyadong kinuha ko para sa auction at exhibit ay mga Pilipino. Para makatulong na rin sa kanila.
"Anong meron sa auction?"
"Yung nag- eskandalo po sa auction," Pagtukoy niya kay Gigi. "Nagsali po siya sa auction at nanalo po siya ng isang painting kaso... Kaso po wala naman po palang pambayad."
"Wait," Bumaling ako kay Atty. Sanchez at niloud speaker ang cellphone. "Sa pagkakaalam ko ay tatlong taon na ang auction tapos hanggang ngayon ay wala pa rin siyang bayad doon?"
"Opo, Ma'am. Ang nakaregister po ay si Ms. Giovanna Dela Cruz. Nakuha na po pati niya yung painting. Kinocontact po namin siya pero hindi po namin siya macontact."
"For three years?" Saad ko
"She stole one of your paintings." Saad ni Atty. Sanchez at umiling- iling.
"Ako na ang bahala. Nasa Pilipinas ako, pwede ko siyang makausap dito."
"Sige po, Ma'am. Isesend po namin sa email mo yung letter of—"
"Isend niyo na ngayon," Utos ko.
"Nga— ngayon na po?"
"Oo, wala naman ata tayong problema doon."
"Opo, Ma'am."
Pinatay ko na ang tawag at pumalakpak naman si Sanchez.
"Hanggang ngayon ay matalino ka pa rin. Napapansin ko na soulmate ata kayo ni Theo—"
"Ang tanda- tanda mo na naniniwala ka pa rin saa soulmate."
"Suplada ka talaga. Excuse me, singkwenta pa lang ako. At tsaka connected talaga ang pagiisip "
Umiling na lamang ako. Natanggap ko na ang email. Mabuti na lamang na ang café na napuntahan namin ay nagproprovide ng printing service. Nagpa- print ako nun ng lima. Sumakay ako sa kotse ko at minaneho iyon. Sumunod na lamang si Atty. Sanchez gamit ang sarili niyang kotse.
Pumasok ako sa building at winelcome ako ng empleyado. Dumere- deretso ako sa office ni Gigi. Kinalampag ko ang pinto at pumasok na kaming dalawa ni Sanchez.
"Sanaol," Saad ko nang makita si Gigi at Dwight na naghahalikan.
Nakahiga si Gigi sa lamesa at nakapatong naman si Dwight sa kanya. Napatayo sila nang marinig ang boses ko. Umiwas ako ng tingin nang makitang nakabukas ang mga butones sa damit ni Gigi at kitang- kita doon ang malulusog niyang dibdib.
"Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ni Dwight.
Ibinigay ni Sanchez kay Gigi na nag- aayos ng damit ang letter.
"I'm taking what's mine."
"No! You can't—"
"Let them," Natigilan kaming lahat nang sabihin iyon ni Dwight.
"Dwight, pinaghirapan natin ito. Pinaghirapan nating makuha ang branch na 'to tapos ganon- ganon na lang." Saad ni Gigi.
Pumunta sa mga cabinets si Dwight at may hinalungkat doon. May kinuha siyang papel. Inilahad ko ang palad ko. Hinila ni Gigi ang papel mula kay Dwight at pinunit iyon.
"Why did you do that?!" Sigaw ni Dwight.
"Mr. Fernandez," Pagtawag ni Sanchez sa kanya at may inilahad na papel. "Ang titulo,"
"Give it to Luna," Saad ni Dwight. "Sa kanila naman ito ni Theo."
"Ako na ang bahala dito, Luna. Someone is waiting for you." Saad ni Atty.
"Ikaw na talaga ang bahala dahil naghihintay ang mga anak ko sa akin."
"He is also waiting for you."
Napatingin ako sa kanya nang matagal. Napagtanto ko na alam ko na kung sino ang tinutukoy niya. Napatakbo ako palabas at pinaharurot ang kotse ko papunta sa Bicol.
Napabuntong- hininga ako dahil ang walong oras na biyahe ay para bang isang araw. Hindi na ako nag- stop over pa at dere- deretsong nagmaneho papunta sa bahay namin.
Dahil sa excitement ay pinark ko na lamang sa labas ang kotse ko. Napatigil ako nang makita ang maraming kotse sa labas ng bahay namin. Pumasok ako doon.
Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ang paborito kong kanta gamit ang piano.
I can think of all the times
You told me not to touch the light
I never thought that you would be the oneDahan- dahan akong lumapit sa kung nasaan ang grand piano. Para bang naglalakad ako papunta sa altar katulad ng kasal namin. Namamasa na ang mata ko nang marinig ang boses ni Apollo habang nagpa- piano ito.
I couldn't really justify
How you even thought it could be right
Cause everything we cherished is gone
And in the end can you tell me if
It was worth the try
So I can decideTumulo ang luha ko nang marinig ang napakapamilyar na boses na hindi ko narinig ng limang taon.
Leaves will soon grow from the bareness of trees
And all will be alright in timeNapatingin ako sa glass sliding door nang narinig kong bumukas ito.
From waves overgrown come the calmest of seas
And all will be alright in time
Ohh you never really love someone until you learn to forgiveNaroon ang lahat. Naroon sila Eleazar, Isaiah, Oliver, Mama, Mommy (Mommy ni Theo), Ate Thelma at ang mga anak niya. Naroon din ang ilang mga doctor. Lahat sila'y nakaputi. Naroon ang lahat maliban kay Daddy na tatay ni Theo.
Hahakbang na sana ako papalapit kay Theo at Apollo nang lumapit kay Theo si Diana at ipinakita ang drawing niya.
"This is my drawing. This is Mommy, Apollo and me. Hindi ko po alam ang itsura ni Daddy kaya hindi ko po madrawing." Saad ni Diana.
Nanghina ang mga tuhod ko ang marinig ko ang mga iyon. Bumaling sa likod si Apollo at nakita niya ako. Tumakbo siya papalapit sa akin kaya agad- agad kong pinunasan ang mga luha ko at yumakap sa kanya. Nang makita din ako ni Diana ay yumakap din siya sa akin.
Dahan- dahang lumingon si Theo sa amin. Naka- puti rin siya. Kitang- kita sa mata niya na bagong iyak lamang siya dahil mugtong- mugto ang mata niya. Dahan- dahan siyang lumapit sa amin at yumakap din.
"I love you," Saad ni Theo.
BINABASA MO ANG
Sana'y Sa Susunod (LADS #1) // (Completed)
Romance(Liwanag at Dilim Series #1) Si Louisa Diana 'Luna' Caison ay isang sikat na vlogger. Sa gitna ng kasikatan niya ay may naganyaya sa kanya na photogapher para sa isang photoshoot. Everything went smooth not until she went back to her home and real...