Kabanata 7

461 21 1
                                    

Tumingin ako sa kung nasaan si Sol

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tumingin ako sa kung nasaan si Sol. Kumaway siya sa akin at ngumiti ngunit kita ko sa mata niya ang lungkot. Kumaway at ngumiti ako pabalik. Dahan- dahan akong tumalikod sa kanya at biglang nawala ang ngiti sa labi ko.

Ramdam na ramdam ko ang bigat ng bawat yapak ng mga paa ko habang hinihila ko ang maleta ko. Gusto kong lumingon ulit pero ayaw ng ulo ko, ayaw ng puso ko.

Lumipas na ang ilang linggo nang makabalik na ako. Dating gawi lang ulit. Vlog dito, vlog doon, painting dito, painting doon.  Walang bago, dati pa rin. Bumaba ako at kumain sa dining area.

Nang matapos ay pumunta ako sa mall para magliwaliw. Kung saan- saan ako napadpad, ngayong araw ata ay nalibot ko na ang buong mall, kahit kasulok- sulokan.

Maya- maya ay naisipan kong kumain sa isang luxury restaurant. Pumasok ako at iginala ang paningin. Nanlaki ang mata ko nang makita ang step- brother ko doon na si Eleazar.

Umupo ako sa harapan niya at gulat na gulat itong tinuon ang paningin sa akin.

"Bakit nandito ka?" Tanong ko sa kanya.

"Dapat ako ang nagtatanong nyan sayo, Ate."

"Wow ha, I can go wherever—"

"Oo na, oo na, nandito ako kasi may hinihintay ako." Saad niya at tumingin sa cellphone na kapit.

"Oh, asaan na?" Tumingin ako sa pinto at wala pang pumapasok na bagong customer dun.

"Hindi ko nga alam eh, tatlong oras na ako naghihintay."

"Date?"

"Oo, aish." singhal niya at napakamot na lang sa batok.

"Eh bakit dito? May malapit naman na mall sa school mo. Pwede naman dun." Saad ko at umismid.

Lumapit sa amin ang waiter at binigay ang menu. Kinuha ko iyon at binigay ang isa kay Eleazar.

"Umorder ka na, ako ang magbabayad."

Wala naman siyang naggawa at pumili na nang kakainin niya. Nang makapili na ay sinabi ko na ang order sa waiter at ganon din naman siya.

"Gusto niya kasi dito, Ate. Syempre, kung saan niya gusto edi okay lang sa akin." Saad niya at ngumiti.

Ewan ko ba ditom Ngingiti- ngiti tapos malungkot naman ang mga mata.

"Dadating din yun, Ate, maghihintay pa ako pagkatapos nating kumain." Saad pa niya ulit.

"Hindi na yun dadating, Eli."

"Dadating yun, Ate, nangako siya sa akin."

"Hindi lahat ng pangako, tinutupad, yung iba hinahayaan na lang mapako. At tsaka naghihintay ka na ng tatlong oras, maghihintay ka pa ba ulit?" Saad ko at umismid. "Girlfriend mo ba yun?"

"Hi— hindi," Sagot niya at tumingin sa baba.

"Eh ano kayo? Friends with benefits? Mag- MU? Ano?"

Sana'y Sa Susunod (LADS #1) // (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon