Kabanata 26

250 14 3
                                    

Lumipas na ang ilang buwan ay wala pa rin akong nababalitaan o balitang nakukuha mula kay Theo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Lumipas na ang ilang buwan ay wala pa rin akong nababalitaan o balitang nakukuha mula kay Theo. Nakakapanghina ang mga angyayari sa buhay ko pero pinipilit kong hindi masyadong damdamin dahil may dinadala ako. Pero may pagkakataon talaga na iiyak ako nang iiyak. Hindi ko na kasi alam kung ano bag nangyayari sa amin.

Maraming tanong ang nabubuo sa isip ko. Ano bang mali sa akin? Anong kulang sa akin? Ano? Bakit kailangang maghanap ng iba? Dahil ba ginawa ko rin yung? Ginagantihan iya lang ba ako? Anong meron si Gigi na wala ako? O ayaw niya naman ata talaga sa akin pero pinipilit ko lang sarili ko kaya ganon?

Sa kasalukuyan ay nag- aasikaso ang lahat dito sa bahay. Ang ilang kasambahay namin ay uuwi sa Pilipinas para makasama ang mga pamilya nila sa araw ng pasko. Ang iba ay abala sa pag- grocery, sila Mama at Eleazar ay abala sa pagdedekorasyon ng Christmas tree. Samantalang ako ay nag- aasikaso para mag- yoga.

Napaitingin ako sa kurtina na nakaharang sa bintana ng kwarto ko. Hinawi ko ang kurtina na iyon at nakita ang unti- unting pagbagsak ng snow. Napangiti ako nang makita ang mga bata sa labas na masayang naglalaro ng snow. Pagkalaunan ay inilatag ko ang yoga mat ko at nag- yoga na.

Nang matapos ay inasikaso ko na ang sarili ko. Napatingin ako sa salamin nang matapos mag- asikaso. Malaki na ang tiyan ko at halatang buntis na nga ako. Nagtataka nga sila Mama dahil sobrang laki ng tiyan ko para sa ilang buwan lamang. Wala akong balak malaman kung anong gender niya sa ngayon. Mas maganda kapag iniluwal ko na siya makikita o makikilala.

Bumaba ako para makita kung ano nang ginagawa nila. Habang pababa ako ay nakangiti sa akin si Mama. Unti- unting nagiging maayos ang relasyon naming mag- ina at ikinagagalak ko iyon. Nang makita naman ni Eleazar na pababa ako ay inalalayan niya agad ako.

Sinalubong namin ang pasko nang magkakasama, ng buo. Nang magsapit ang alas- dose ay kumain na kami ng noche buena kasama ang mga kasambahay namin. Ibinigay ko sa kanila ang mumunting regalo na binili ko kamakaylan lang. Tuwang- tuwa silang tinaggap iyon at nagpasalamat.

Nang matapos ang selebrasyon ay pumunta na ako sa kwarto ko at nagpalot ng damit. Umupo ako sa kama ko at pinagmasdan ang dahan- dahang pagbagsak ng snow sa labas ng bintana. Kinuha ko ang cellphone ko at nagmessage kay Theo.

Merry Christmas, Theo! I love you and I miss you so much.

Humiga ako sa kama ko at nagkatulog na rin dahil sa pagod at kakahintay ng reply niya ngunit walang dumating.

Kinabukasan ay balik na agad sa normal ang bahay namin. Busy na naman ang mga tao dahil sa trabaho. Nagising ako dahil naduwal na naman ako. Mas lalong lumala ang morning sickness ko at nagsisimula na akong mag- crave ng kung ano- ano. Mabuti na lamang sy nanjan si Mama at si Eleazar para makuha ko ang mga pinaglilihian ko.

Ginugol ko ang araw ko sa paggawa ng isang painting na alam kong tatatak sa puso't isipan ko. Inihanda ko na muna ang mga kakailanganin ko. At nagsimula ba munang magdrawing. Nang matapos ay sinimulan ko ng lagyan ng kulay ang ginagawa ko.

Motivated akong magpinta this past few days dahil palagi kong pinapaalala sa sarili ko ang linyang ito,

Ipinta mo ang pighati mo ngayon at balang- araw ay maaalala mo ang panahong ito habang nakangiti ka dahil nagpunyagi ka.

I will always hold on to that. Our pain will end. Lahat ng pighati natin ay magiging ngiti.

Narinig kong may bumukas ng pinto ng kwarto ko. Binalewala ko iyon at nagpatuloy sa pagpinta. Napatigil ako nang makitang ang pipintahan ko na ay si Theo. Ipinipinta ko ngayon ay ang buntis na ako, nakaharap ako kay Theo at parehas kaming nakakapit sa tiyan ko.

"I- paint mo na," Saad ni Eleazar.

Napatingin ako sa kanya. Umupo siya sa kama ko at pinanood ako. Napatitig ako sa kanya habang ibinababa ang paintbrush ko. Napa buntong hininga ako at inayos na ang mga gamit ko. Ibinalik ko ang mga gamit ko sa ilalim ng kama ko at inilagay din dun ang canvas.

Umupo ako sa kama ko pero malayo- layo sa kanya.

"I know that the both of you are not in good terms, I really know." Saad niya nang nakatingin sa akin. Ako naman ay umiwas ng tingin sa kanya. "Pero please hold on. Ayusin na ninyo yan, hindi naman yan para sainyo lang eh, para rin sa anak niyo—"

"Can you please stop, Eleazar?" Hindi ko napigilan ang sarili ko na sabihin iyon. "I'm trying to reach out to him pero siya? He keeps ignoring my messages and calls. Akala mo ba madali 'to sa akin? You always reminding me na ayusin namin, inaayos ko naman eh. I'm trying my best! Can't you see?"

"No, I can't see it. Is that your best?" Tanong niya.

"What? Ngayon, ganyan mo na ako kausapin ha? Pathetic!"

"Kasalanan mo naman kasi, Ate, kung bakit siya nangabit din eh! Kasalanan mo!" Sigaw niya.

"Oo na! Kasalanan ko na! Ano bang pinuputok ng buchi mo?! Ha?! Ano?! Akala mo ba hindi ko pinagsisihan mga ginawa ko? Pinagsisihan ko yun!"

"Tumigil na kayong dalawa,"

Napatingin ako kay Isaiah na nasa pinto na. Tiningnan ko siyang masama at bumaling kay Eleazar.

"Lahat kasi kayo kampi kay Theo eh! Ganyan kayo! Siya na yung may mali, ako pa rin ang sisisihin niyo! Ako pa rin ang mali! Ako na lang lagi! Ganyan niyo ba kamahal si Kuya Theo niyo na kahit mali siya ay tinatanggap niyo pa rin, pinaglalaban niyo pa?!"

"Because we trust Kuya Theo—"

"Eh ako? Hindi niyo ba ako pinagkakatiwalaan?" Saad ko at tumingin sa kanilang dalawa. Napayuko naman sila. "Bullshit!"

"Magsamasama kayo!" Sigaw ko at nagmadaling lumabas ng kwarto.

Kinapitan ni Isaiah ang kamay ko at nagpumiglas naman ako.

"Ate Luna, please trust Kuya Theo. I know that he's doing something for you."

"Really? Dapat ba akong matuwa dun? Dapat ba akong magpasalamat?" Saad ko. "Thank you!"

Inismidan ko siya at naglakad na palayo sa kanila.

Sana'y Sa Susunod (LADS #1) // (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon