Kabanata 29

244 14 0
                                    

Dahan- dahan akong pumasok sa venue ng art exhibit ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Dahan- dahan akong pumasok sa venue ng art exhibit ko. I am wearing a black backless gown na may slit. Inalalayan ako ni Isaiah at pinagbuksan niya pa ako ng pinto.

Agarang nagpalakpak ang mga naroroon nang makapasok na kami. Sinalubong ako ng ilang mga bachelors na nadoon at binigyan ako ng mga bouqet. Kinuha iyon ng mga empleyado para hindi ako masyadong mahirapan mag- entertain ng mga guest.

Napangiti ako nang makita na maraming pumunta sa exhibit ko. Lumalapit ang iba sa akin at nakikipag- kamayan. Nagco- congratulate sila at ako naman ay nagpapasalamat. Nag- libot ako at kinausap ang ilang mga guests.

"Congratulations!" Saad ng isa.

"Thank you."

"Will you sell these three in your auction?" Tanong niya sa paintings na ang idea ay ibinigay ng anak ko.

"No," Sagot ko habang umiiling.

"Why?"

"These three are very important to me. I can't sell it." Sagot ko.

"I see,"

Naglakad- lakad pa ako ngunit may isang lalaki ang nakapukaw ng pansin ko. Lumapit ako sa kanya at tumingin sa painting na nasa harapan ko. Iyon yung painting na buntis yung babae, at nakakapit yung lalaki sa tiyan niya at ganon din siya.

"Kamusta ka na?" Tanong ko sa kanya.

"Ayos lang, nakakasurvive pa naman kahit papaano." Sagot niya.

"Kamusta na ang anak mo, attorney?"

"Ayos lang naman, I didn't expect that I will be having a grandchild even though she's young." Sagot niya at umiiling- iling pa.

"Tanggapin mo na lang, wala ka namang magagawa eh."

"Kung sa bagay, gusto ka nga daw niyang makilala eh kaso nag- aalaga ng mga anak niya. Himala, no?"

"Alin ang himala?"

"Parang dati lang ay nakikipagkompetensya ka sa akin sa law school kahit naman alam na ng lahat na ikaw ang magiging rank one o ikaw ang mananalo. Tapos ngayon, ito ang pinursue mo. Sayang,"

"Maraming tao ang nagsasabi sa akin na sayang nga raw na hindi ko ginawang trabaho ang pagiging attorney-"

"Pero attorney ka pa rin."

"Oo kaso pinili kong maging masaya. Hindi ko rin inaasahan na babalik ako sa passion ko."

"Tama nga sila 'no? Magiging successful ka talaga kapag masaya ka sa ginagawa mo."

"Syempre,"

"Attorney Sanchez, may tumatawag po saiyo." Saad ng sekretarya niya ata.

"Excuse me," Saad niya sa akin at ako naman ay tumango na lamang.

Naglibot- libot pa ako at nakita kong may kausap na lalaki si Isaiah sa labas. Lumabas ako at napatingin naman sa akin si Isaiah.

"Ate Luna, tara pasok na ulit tayo." Saad ni Isaiah.

Tiningnan ko lamang ang lalaking kasama niya kanina.

"Theo?" Saad ko.

Tumakbo siya papunta sa isang kotse. Hinabol ko naman siya ngunit napatigil ako sa pagtakbo nang ipaharurot niya ang kotse paalis. Habol- habol ko ang hininga ko at napakapit na lang sa dalawang tuhod ko.

Nanginginig ang buong katawan ko. Alam kong hindi ako nagkakamali. Si Theo yun! Si Theo yun!

"Ate Luna, halika na." Saad ni Isaiah at kinapitan ang braso ko.

"Si Theo yun 'diba?" Saad ko nang makatayo na nang ayos at nakatingin na sa kanya.

"Hindi, ate." Saad niya.

"Huwag mo akong gamitan ng mga acting skills mo, Isaiah! Si Theo yun 'diba?" Saad ko, hindi siya nakasagot. "Sumagot ka, Isaiah!"

"Hindi yun si Kuya Theo, namamalik- mata ka lang ata."

"Kung hindi yun si Theo, bakit siya tumakbo paalis nang tawagin ko siyang Theo?"

"Tara na, Ate, pagod ka lang."

"No, Isaiah! Hindi ako pagod!"

"Hindi nga yun si Kuya Theo, okay?"

Suminghal ako at bumalik na sa venue. Kumuha ako ng isang glass ng wine at tinungga iyon. Kumuha pa ako ng dalawa at tinungga rin ang mga yun. Alam kong hindi ako nagkakamali, si Theo yun.

Nang matapos ang event ay hindi ko ja nakita pa si Isaiah at wala akong balak na makita siya. Nagmaneho ako pauwi. Pumasok na ako sa kwarto ko at inasikaso muna ang sarili ko. Napatingin ako sa mga anak ko na natutulog na nang mahimbing. Napatulo ang luha ko habang tinitingnan sila.

Parang tinakbuhan ako. Parang iniwan akong mag- isa sa ere ni Theo. Bakit naman ganon? Ano bang naggawa ko? Bakit kailangang maging ganito? Bakit? Naaawa ako sa mga anak ko dahil baka lumaki sila ng walang ama katulad ko.

Pinahid ko ang mga luha ko at sinubukang matulog pero wala pa rin. Bumaba ako at uminom ng tubig. Nagulat ako nang makita si Oliver doon.

"Congrats pala sa art exhibit mo, Ate." Saad niya. Umupo ako sa harap niya at pinasalamatan siya. "Kamusta na kayo?"

"Okay lang naman. Mas lalong nagiging maingay ang mga bata, ang dami ng sinasabi." Saad ko at tumawa.

"Mabuti nga yun na advance sila."

"Para sa akin ay hindi yun mabuti kasi baka mamaya maapektuha ang development nila at tsaka yung pakikitungo nila sa mga kaedad nila."

"Kung sa bagay, by the way may sasabihin pala ako sa'yo."

"Ano yun?" Tanong ko.

"May nalaman ako tungkol sa branch ng restaurant ni Kuya Theo sa Pilipinas." Hindi ako sumagot at hinintay na lamang ang susunod nitong sasabihin. "Iba na ang may- ari pero hindi ko alam kung sino."

Tumingin ako sa kanya at tumingin din siya sa akin.

"Naisip ko na makikilala natin yung bagong may- ari kapag ininvite mo siya sa auction." Saad niya.

"Sa tingin mo, pupunta ang bagong may- ari nun?"

"I think so-"

"Sa tingin ko rin ay pupunta yun."

Tumingin kami sa nag- salita, si Isaiah iyon. Umupo siya sa tabi ng kakambal. Napagtanto ko doon na hindi pala talaga sila magkamukha pero parehas kung paano ang sistema ng pagiisip ng mga bagay- bagay.

"Anong iaaddress ko sa invitation?"

"Ako na lang ang gagawa nun," Saad ni Oliver.

"Tapos kapag nanggulo iyon ay sasabihin kong pekeng imbitasyon ang natanggap niya." Saad ko.

"Nice one," Saad ni Isaiah.

"Close tayo?" Saad ko kay Isaiah.

"Sabi ko nga, galit ka pa rin sa akin."

"Ano bang nangyari?" Tanong ni Oliver.

"Nakita ko si Theo-"

"Hindi yun si Kuya Theo, kaibigan ko yun. Natakot siguro nung lumabas ka kaya tumakbo paalis." Pagputol ni Isaiah sa sinasabi ko.

"Si Theo yun-"

"Kung sa bagay, ibang tao talaga yun kasi bakit naman pupunta si Kuya Theo dito 'diba? Eh pinagpalit ka nga." Saad ni Oliver.

Nagtawanan silang dalawa at ako naman ay tiningnan sila ng masama.

Sana'y Sa Susunod (LADS #1) // (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon