Kabanata 27

294 16 1
                                    

"Eleazar, Why did you do that?" Rinig kong tanong ni Isaiah kay Eleazar nang makapasok si Isaiah sa kwarto ko kung nasaan si Eleazar

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Eleazar, Why did you do that?" Rinig kong tanong ni Isaiah kay Eleazar nang makapasok si Isaiah sa kwarto ko kung nasaan si Eleazar.

"I'm sorry, I didn't mean to do that."

"Bakit sa akin ka nagsosorry? Ako ba yung sinigawan mo? For God's sake! I know that you have problems pero huwag naman ganon ang pagtrato mo sa ibang tao."

"I said that I didn't mean to do that. Ano pa bang gusto mong marinig, Isaiah? Ano pa?"

"Just stop please, you're making things worse."

"Wow ha! Galing sayo!"

Lumabas na si Eleazar sa kwarto ko at nakita niya akong nandoon pa. Tumama ang paningin namin sa isa't isa pero agad siyang umiwas ng tingin at naglakad papunta sa kwarto niya.

"That jerk!" Singhal ni Isaiah at lumabas din ng kwarto ko. Napatigil siya sa harapan ko at tiningnan ako sa mata. "Don't blame yourself when all things are damaged, you're not the only one who's making mistakes in life."

Iniwan na niya ako at pumunta na lamang sa baba. Napatulala ako sa kawalan.

I can't stop blaming myself right now. Nakakapagod ng maging ganito. These things are driving me crazy.

Pumasok na lamang ako sa kwarto ko at umupo sa kama.

"I have a business trip in Macau." Saad ni Theo.

"Go on,"

"Hey, you know that I'm doing this for the both of us right?"

"I know,"

"I love you,"

Hindi ako sumagot sa kanya. Napa- buntong hininga siya at tiningnan akong mabuti.

"Anong problema?"

"You don't have time for me."

"I'm sorry nabusy lang ako these past few months. I'll make it up to you when I come back, promise."

Tumingin ako sa baba at hindi na sumagot sa kanya. Nakita kong unti- unti na siyang naglakad paalis.

Pagkatapos ng araw na iyon ay natanggap ko ang email ni Dwight tungkol sa photoshoot sa Pilipinas.

I really hate myself! Nagdedesisyon ako kapag galit na dapat ay kumalma muna ako bago magdesisyon.

Nagring ang cellphone ko at sinagot ko naman iyon.

"Oliver,"

"I have something to tell you, Ate, may nabalitaan ako."

"Ano yun, Oliver?"

"Ate Luna, kain ka na muna sa baba." Napatingin ako kay Isaiah nang magsalita ito.

"Hindi pa naman ako busog,"

"Ate Luna—"

"Ate Luna, bawal kang malipasan. Buntis ka, remember?" Saad ni Isaiah.

"Uhm— Oliver, pwede bang mamaya mo ba lang sabihin sa akin?"

"Ate, importante ito, please."

Nagulat ako nang kuhain ni Isaiah ang cellphone ko at kinausap ang kakambal niya. Pumunta pa ito sa banyo ng kwarto ko. Napailing na lamang ako at bumaba na para kumain.

Habang kumakain ay napaisip ako. Tumingin ako saglit sa kwarto ko kung nasaan si Isaiah ngayon. Nararamdaman ko na parang may alam siyang iba. Napabaling ako sa kinakain ko nang lumabas na siya sa kwarto ko.

Kumain na lang ulit ako. Umupo siya sa harapan ko at ibinalik ang cellphone ko.

"Aalis na ako, Ate. Hayaan mo na muna yun si Eleazar, may problema rin yun eh kayaa ganon."

"Sige," Saad ko.

Tumayo na siya at kinuha ang coat sa sofa.

"Ate Luna," Bumaling ako sa kanya at binigyan siya ng nagtatakang tingin. "Please trust Kuya Theo,"

Umalis na siya at ako naman ay nawalan na ng ganang kumain.

Few months have passed, wala pa ring balita mula kay Theo. Wala pa ring balita mula sa Pilipinas.

Napasapo ako sa noo ko nang makita kung paano mapraning ang pamilya ko ngayon. Dadalhin na nila ako sa ospital dahil pumutok na ang panubigan ko. Hinabol ko ang hininga ko at napatingala na lamang.

"Malapit na tayo, Luna." Saad ni Mama.

Nang makarating sa ospital ay agad akong pinahiga sa ospital bed at ipinunta sa delivery room. Umiri na agad ako nang makarating doon.

"Go on," Saad ng doktor.

Umiri ako nang umiri at naramdaman ko ang paglabas ng isa.

"Baby boy, time of birth, 3:00 p.m."

Saad pa niya na kailangan ko pang umiri kasi may isa pa. Napasigaw ako at nagpatuloy umiri.

"Baby girl, time of birth, 3:03 p.m."

Nanlabo na ang paningin ko at napapikit na lang dahil sa pagod.

Napamulat ako at nakitang nasa hospital room na ako. Naroon sila Mama, Eleazar at Isaiah. Seryoso ang pinag- uusapan nila. Gusto kong bumangon kaso sobrang pagod na ang katawan ko at hindi ako makagalaw ng ayos.

"Ate Luna, gising ka na pala" Saad ni Isaiah at napatigil sila sa pag- uusap.

"Anong gusto mong ipangalan sa mga anak mo?" Saad ni Mama at ngumiti sa akin.

"Apollo at Diana,"

"Sige, ako na ang magaasikaso ng mga papel." Saad ni Mama at lumabas na.

"Ate, congrats!" Saad ni Eleazar at ngumiti sa akin. 

"Congrats din sa inyong dalawa, magiging ninong kayo."

Nagpalakpakan naman silang dalawa at ako naman ay natawa sa kanila. Napatingin kami sa pinto nang may kumatok doon. Binuksan iyon ni Eleazar.

Pumasok ang dalawang nurse habang  dala ang mga anak ko. Ibibigay na sana sa akin ang isa nang biglang pumasok ang dalawa pang nurse na may dala ding dalawang bata.

"What are you doing? And who are the both of you?" Tanong ng isang nurse na pangalawang pumasok.

"Anong who are you? Who are you?" Saad ng isang nurse na naunang pumasok.

Napalundag ako nang biglang kinapitan ni Isaiah ang dalawang nurse na naunang pumasok sa mga batok nito.

"Ang tanga naman magkunwari," Saad ni Isaiah.

Lumabas ang isang nurse at pagbalik ay may kasama na itong guard.

What the fuck is happening?

Sana'y Sa Susunod (LADS #1) // (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon