(Liwanag at Dilim Series #1)
Si Louisa Diana 'Luna' Caison ay isang sikat na vlogger. Sa gitna ng kasikatan niya ay may naganyaya sa kanya na photogapher para sa isang photoshoot. Everything went smooth not until she went back to her home and real...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Okay ka lang?" Tanong ni Theo.
Hindi ako makasagot at naduwal pa ulit.
"Luna, okay ka lang?"
Kumuha siya ng tubig at binigay iyon sa akin. Ininom ko naman iyon. Nahihirapan na ako. Biglang tumunog ang cellphone niya ngunit hinayaan niya iyon at inalalayan akong makaupo ulit.
This is very unusal. Hindi pa ako nakakaramdam ng ganito sa buong buhay ko.
Tumunog ulit ang cellphone ni Theo at ngayon ay sinagot niya na iyon.
"Hello... Yes? I'm sorry but I can't make it, pakisabi na lang sa kanila... My wife is sick, I can't leave her alone..."
"Mahalaga ba yan?" Tanong ko sa kalagitnaan ng tawag niya, tumango naman si Theo.
"I'm sorry," Pinatay niya ang tawag at bumaling sa akin. "Mahalaga yun pero mas mahalaga ka."
"You can go,"
"No, I will not go."
"Sige na, I can manage myself. Tatawagan ko na lang si Ate Thelma." Saad ko.
"Are you sure? Mapa- Maynila ako. Are you really sure that you'll be fine? Pwede naman kitang isama na lang."
"Hindi na, dadagdag lang ako sa isipin mo. Sige na,"
"Ako na ang tatawag kay Ate Thelma." Saad niya at tinawagan na si Ate Thelma agad- agad.
Sa pananatili namin dito sa Bicol ay naging mas close kami ni Ate Thelma. Si Ate Thelma ang pumupunta dito kapag wala si Theo. Dinadala niya syempre ang mga anak niya at mayroon na sila ditong permanenteng kwarto. At tsaka may dapat kaming pagusapan ni Ate Thelma ngayon.
Nag- usap sila saglit. Inasikaso na muna ako ni Theo bago mag- asikaso ng sarili niya. Pumunta na muna ako sa kwarto at umupo sa sofa na kung saan ay abot- tanaw ang labas. Nasa tapat ng sofa ang malaking glass wall.
Naroon naman si Theo sa walk- in- closet namin at kumukuha ng ilang damit na pwede niyang gamitin doon kahit may damit na siya doon. Nang matapos siyang maligo ay pumunta siya sa likod ko at niyakap ako mula sa likod.
"Inform me always please." Saad niya.
"I will,"
"I love you,"
"I love you too."
Siniil niya ako ng halik at napahiwalay nang tumunog na ang doorbell. Bumaba kaming dalawa para salubungin si Ate Thelma at kanyang mga anak.
Hinalikan ako sa noo ni Theo at nagpaalam na. Umalis na siya at ako naman ay kinausap saglit si Ate Thelma habang naglalaro ang mga anak niya sa sala.
"Ate Thelma, sa tingin ko buntis ako." Saad ko.
"Ano bang nararamdaman mo?"
"Wala akong mens, three months na. Akala ko last month, delay lang kasi irregular ang mens ko—"
"Bumili ka na muna ng pregnancy test kit, tatlo para sigurado. Tapos pag nagpositive, sasabihan natin si Theo na umuwi para samahan ka magpacheck up. Gusto kitang samahan na agad magpa- check up pero mas maganda kapag asawa mo ang kasama."
"Mag- aasikaso muna ako tapos magpapa- centro na rin ako. May ipapabili ka, Ate Thelma?"
"Wala naman, may dala akong ulam, yun na lang ang tanghalian natin."
Tumango ako sa kanya at pumanik na sa pangalawang palapag para asikasohin ang sarili. Nang matapos mag- asikaso ay nagpaalam na muna ako sa mga bata at umalis na rin.
Pumunta na muna ako sa mall at bumili ng laruan para sa mga anak ni Ate Thelma. Pagkalaunan ay pumunta na ako sa isang pharmacy. Nagulat ako nang may kumapit sa braso ko, estudyante iyon. Tumingin ako sa kanya.
"Ate, ano— ano pong bibilhin mo?"
"Bakit mo tinatanong?" Pabalik kong tanong sa kanya.
"Nakita ko po kasi na— na kasal ka na po." Saad niya at tumingin sa singsing ko. "Baka pwede pong makisabay nang bibilhin?"
"Pwede namang ikaw ang bumili, bakit makikisabay ka pa?"
"Alam niyo po ba yung ginagamit para makita kung bu— buntis po o hindi?"
Nanlaki ang mata ko sa tanong niya.
"Sa tingin mo buntis ka?"
"Sa— sa tingin ko po. Nakakahiya lang pong magsabi na bibili po ako nung bagay na yun kasi estudyante pa po ako."
Tumango ako. Kinapitan ko ang kamay niya at hiniwalay iyon sa braso ko. Pumasok na ako sa pharmacy at bumili ng anim na PT kit. Pinahiwalay kong lalagyan ang tatlo nun. Bumili rin ako ng ice cream para dessert namin pagkatapos kumain.
Pagkalabas ko ay naroon pa rin ang estudyante. Lumapit ako sa kanya at inilagay sa bulsa niya ang inihiwalay kong tatlo pang PT kit.
"Mag- ingat ka," Saad ko at umalis na.
"Ate! Babayaran—"
Kumaway na lamang ako sa kanya at nagderederetsong lumakad papunta sa parking lot, at umuwi na.
Sinalubong ako ng mga anak ni Ate Thelma. Ibinigay ko sa kanila ang mga pinamili kong laruan para sa kanila.
"Dapat ay hindi ka na nag- abala, Diana."
"Okay lang, Ate Thelma." Saad ko at ngumiti sa kanya.
Pagkatapos naming kumain ay pumunta na ako sa kwarto namin at tinitigan ang pinamili ko. Bakit parang kinakabahan ako?
Pumasok ako sa CR at tiningnan ang resulta sa tatlong PT kit. Hindi ko muna tiningnan ang mga iyon hanggang makalabas ako sa CR. Ang bilis ng tibok ng puso ko.
Inilapag ko sa harapan ko ang tatlong kit at napatakip ng bibig nang makitang positibo ang lahat ng iyon. Nagtaasan pa ang mga balahibo ko.
Tinawagan ko si Theo ngunit hindi niya sinasagot, ilang beses kong inulit na tawagan siya pero wala talaga. Kung sa bagay, nagbabyahe nga pala siya.
Pinalipas ko ang isang araw at hindi ko nakakalimutan na mag text at magtawag sa kanya ngunit hindi siya sumasagot o rumereply man lang.
Napagpasyahan ko na magpa- Maynila sa isang araw para ibalita sa kanya na magkaka- anak na kami. At gawin ang sinabi ni Ate Thelma na magpacheck up kasama siya.