Lumipas na ang ilang araw ay hindi man lang naggawa ni Theo na tawagan o itext man lang. Nag- aalala na ako.
Napag- pasyahan ko na pumunta sa building niya. Dinala ko rin yung tatlong PT kit. Nang makarating sa building niya ay sinalubong ako ng mga empleyado niya. Mas mabait na sila ngayon kaysa noong panguna kong punta rito.
"Ma'am, wala pa raw po si Sir Theo sa taas." Saad ng isa.
"Anong oras daw babalik?"
"Mamaya pa pong alas tres."
"Sige, babalik na langg ako."
Napag- pasyahan kong pumunta na muna sa mall at aliwin ang sarili kahit papano. Napadpad ako sa isang botique na nagtitinda ng mga relo. Naghanap ako nang ibibigay ko kay Theo. Tiyak na matutuwa yun.
Binili ko ang gold watch na nandoon na may konting diamonds. Naglakad- lakad na muna ako doon at kumain rin. Napadaan ako sa isang tindahan ng mga gamit ng sanggol. Pumasok ako doon at tiningnan ang mga naroroon.
Bibilhin ko ito, bibilhin ko yun, bibilhin ko yan, bibilhin ko lahat ng magugustohan namin ni Theo para sa anak namin.
Nang maisip iyon ay napakapit ako sa tiyan ko. Napa- buntong hininga na lamang ako at pumunta na sa building ni Theo. Ngayon naman ay dumeretso na ako sa opisina niya habang dala- dala ang relo at ang PT kit. Tiyak na matutuwa yun sa regalo ko para sa kanya.
Dahan- dahan kong binuksan ang pinto. Napatakip ako ng bibig nang masilayan ang nasa loob ng opisina ni Theo. Dahan- dahang nahulog ang mga dala- dala ko. Napatakbo na lamang ako kahit nanginginig na ang mga tuhod ko.
Pumasok ako sa kotse ko at doon na napaluha. Theo is cheating on me! Habol- habol ko ang hininga ko habang umiiyak. Nakakafrustrate! Napatingin ako sa building ni Theo.
Nakita ko siya na parang may hinahanap. Inistart ko ang kotse ko ngunit hindi iyon sumasabay sa kung ano ang gusto ko. Napamura ako ng malutong nang makitang papalapit na sa akin si Theo. Pinalo ko ang manibela ng kotse ko at hinintay na lang kung anong mangyayari.
"Hindi ganon yun," Saad ni Theo nang makapasok na siya sa kotse ko.
"Anong gusto mong paniwalaan ko? Nakita ko, Theo, nakita ko."
"Huwag namang ganito, Luna." Saad niya.
"Just leave me alone, please. Leave, Theo, leave."
Bumuntong- hininga siya at lumabas sa kotse ko. Mabuti naman ay nagsimula na ang makina nito, pumunta na ako kila Oliver. Kinuha ko ang mga gamit ko at nag- book ng ticket papunta sa ibang bansa.
"Ate, bakit ka uuwi?" Tanong ni Oliver nang makita ang pag- book ko ng ticket.
"Basta,"
Isang maleta lamang ang dala ko pauwi. Ayos lang yun, may mga damit pa naman ako doon. Iniwan ko ang kotse ko kila Oliver. Dumeretso na agad ako sa airport at doon na hinintay ang flight ko.
Ilang araw na ang lumipas pagkatapos kong makabalik ulit dito. Ngayong araw ay nagpa- book ako ng appointment sa isang OB para makita kung buntis ba talaga ako o hindi.
Imbes na maging masaya ako kasi positibo nga na buntis ako ay nanlalamya ang pakiramdam ko. Naiiyak ako dahil naalala ko pa yung nangyari sa opisina ni Theo.
Wala pa ring nakakaalam kung bakit ako bumalik dito, walang- wala. Kapag tinatanong nila kung bakit, sinasabi ko na lang na basta.
Nang matapos ang appoitment ko sa OB ay dumeretso agad ako sa rooftop namin at tinanaw na lamang ang dagat.
"Okay lang ba na tumakas ako? Okay lang ba na imbis na ayusin namin yung kung anong dapat ayusin ay umalis ako? Okay lang ba yun? Okay lang bang magpahinga na muna ako? Kahit konting panahon lang, kahit konti lang." Saad ko at pinahid ang luhang tumulo mula sa aking mga mata. "Kasalanan ko naman eh. Feeling ko talaga kasalanan ko kasi I cheated on him. Kaya ganito na. Kasalanan ko pero bakit nasasaktan ako? Bakit umiiyak ako ngayon? Bakit?"
"Hindi mo kasalanan,"
Umupo siya sa tabi ko at tumingin rin sa dagat. Napatingin ako sa kanya.
"Feeling ko kasalanan ko kasi nag- cheat ako sa Papa mo." Panimula niya. Ako naman ay napayuko nang sabihin niya iyon. "Your Papa is a good guy, sobra. Pero along the years, narerealize ko na hindi na ako masaya, na hindi ko naman pala talaga siya mahal. Your step- father is my long- time boyfriend when I was in college. Akala ko break na kami kaya naghanap na ako ng iba. Your father..."
Tumigil siya at bumuntong hininga. "He's truly good to me. Akala ko minahal ko siya pero nabulag lang pala ako ng kabaitan niya. The year before your father died, I came back to my happiness, to my home, to whom I love, I cheated. When we are in college, he left me without a word tas nung taon nga bago mamatay Papa mo, bumalik siya, He begged again for my love. Bumigay ako. Nagpakamatay si Papa mo dahil doon."
Narinig ko ang mga hikbi niya.
"Napagtanto ko na kapag pinili mo nang paulit- ulit ang kasiyahan mo nang hindi nakukontento sa kung anong meron ka, may mga masasaktan."
"Kung nalaman ko lang agad- agad na ganon, hindi ko pipiliin ulit ang kasiyahan ko. Feeling ko nag- cheat si Theo sa'yo kasi nag- cheat ako sa Papa mo."
"History repeats itself," Dagdag pa niya.
"Nag- cheat po ako dati sa kanya." Saad ko. "Hindi ko naman po sinasadya at pinagsisihan ko naman po talaga yun. Hindi ko lang po maintindihan kung bakit ngayon pa po? Kung bakit ngayon pa na magkaka- anak na kami."
"Ayusin niyong dalawa yan. Kaya nga partner kayo dapat nanjan kayo sa para sa isa't isa, para magtulungan. Tanggapin mo siya ulit kasi at the first place naman ay tinanggap ka rin niya at mahal na mahal niyo ang isa't isa. Ang sa akin lang ay ayusin niyo ang problema niyo kasi hindi na kayo teenager, kasal na kayo, magkaka- anak na kayo. Huwag niyong hayaan ang isang kasalanan ay maulit at mas lalong lumala. Pahilumin mo muna ang sugat, tapos mag- usap ulit kayo."
Napatingin ako sa cellphone ko at nakita ang isang text message.
In Dante's inferno, the deepest part, the furthest place from heaven, is reserved for those who committed treachery
BINABASA MO ANG
Sana'y Sa Susunod (LADS #1) // (Completed)
Romance(Liwanag at Dilim Series #1) Si Louisa Diana 'Luna' Caison ay isang sikat na vlogger. Sa gitna ng kasikatan niya ay may naganyaya sa kanya na photogapher para sa isang photoshoot. Everything went smooth not until she went back to her home and real...