Kabanata 13

328 20 0
                                    

Nagpatuloy ako sa pagvlog, pinagpatuloy ko ang lahat pero hindi na katulad ng dati ang mga pananaw ko ngayon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nagpatuloy ako sa pagvlog, pinagpatuloy ko ang lahat pero hindi na katulad ng dati ang mga pananaw ko ngayon. Hindi na maganda ang mga contents ko, tinatamad na rin ako magedit. Lahat ng vinlog ko ay binasura ko rin.

Napatingin ako sa kalendaryo, August 15 na. Anim na araw na lamang ay sana pang- anim na anniversary na namin ni Theo.

Napatingin ako sa necklace na binigay niya sa akin noon, buwan ang pendant nun. Inilagay ko iyon sa kahon at tinitigan pa.

"Nagtataka ako ha, bakit palagi mo akong inihahatid sa bahay namin?" Tanong ko kay Theo habang naglalakad kami.

"Wala naman," Sagot niya at ngumiti sa akin.

"Sure ka?" Tanong ko, tumango naman siya. "Kain na muna tayo, libre ko."

"Hindi okay lang, ako na lang magbabayad."

"Ako na lang, minsan lang 'to."

Pumasok kami sa isang fastfood chain. Pinapili ko siya kung ano ang gusto niyang kainin. Ako ang nagorder at siya naman ay naghanap ng mauupuan namin.

Bumalik siya pagkamaya- maya, tinulungan niya akong madala ang order namin. Ang ganda ng nakuha niyang pwesto. Malapit iyon sa bintana at kitang- kita ang mga iba't ibang ilaw mula sa mga buildings sa labas. Manghang- mangha ako sa view doon.

Tumingin ako kay Theo at nakangiti siyang pinagmamasdan ako. Nagsimula na kaming kumain at nagkwentuhan.

"Kamusta yung inapplyan mong part- time job?" Tanong ko.

"Natanggap ako sa awa ng Diyos." Saad niya at todo ngiti ito.

"Congrats! Bukas kain tayo ulit sa labas. Treat ko ulit."

"Hindi, ako dapat ang manglibre kasi ako yung may trabaho na."

"Libre mo na lang ako kapag pangalawang sahod mo."

Nagtawanan na lang kaming dalawa at nagpatuloy sa pagkain. Nang matapos kumain ay may inilabas siyang asul na kahon. Ibinigay niya iyon sa akin. 

Sana'y Sa Susunod (LADS #1) // (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon