Kabanata 18

287 16 1
                                    

Lumabas si Theo at narinig kong pinaharurot niya ang kotse niya paalis

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Lumabas si Theo at narinig kong pinaharurot niya ang kotse niya paalis. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. Hindi ko rin alam kung anong dapat kong maramdaman sa ngayon. Napagdesisyunan ko na pumunta sa puntod ni Papa.

Lumabas ako ng subdivision nila at nagsakay sa taxi. Ilang oras akong nagbyahe dahil malayo naman talaga iyon mula kila Oliver. Nang makarating ay nagulat ako nang makita ang kotse ni Theo na paalis mula doon. Anong ginawa niya dito?

Umupo ako sa harapan ng puntod ni Papa at doon na talaga umiyak nang umiyak.

"Papa, first time kong pagsabihan ng ganon. Sa tingin ko naman ay tama si Oliver eh. All my life, sinasabi ko sa sarili ko na ang malas ko. Ngayon, napagtanto ko na na sobrang swerte ko pala dahil nanjan si Theo, dahil mahal ako ni Theodore Apollo."

"Alam mo kasi, kapag masaya ka kahit pagod na pagod ka na, para sa'yo yun. Kung pagod na pagod ka na at hindi ka na masaya sa ginagawa mo, hindi para sa'yo yun." Saad ni Theo.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Naniniwala ako na kahit anong pagod kong tanggapin ka nang paulit- ulit basta masaya ako sa'yo at masaya ka sa akin, tayo ang para sa isa't isa."

Ngumiti siya sa akin at nagpatuloy sa pagluto. Napangiti ako dahil doon.

"Sa tingin mo, tayo ba talaga ang para sa isa't isa?" Tanong ko ulit.

"Oo naman kasi alam ko sa dulo ay pipiliin natin ang isa't isa. We are bound to make our own destiny."

"I love you," Saad ko.

"I love you too, baby."

"Paano pala, Papa, kapag napagod na siya na patawarin ako? Paano kapag napagod siyang tanggapin ulit ako, mahalin ako? Ano nang mangyayari sa akin?"

Napatingin ako sa langit. Napakaganda ng mga ulap. Kalmado lang ang panahon. Sana ako rin. Sana kami rin.

"Paano kapag—"

"Paano kapag hindi ako napagod na patawarin ka, na tanggapin ka ulit at mahalin ka? Anong mangyayari sa'yo? Sa akin?"

Napatingin ako kung saan nanggaling ang mga katagang iyon. Naroon si Theo, may dala siyang bulaklak at mga pagkain. Tumayo ako at tumakbo papunta sa kanya. Niyakap ko siya nang mahigpit at umiyak sa dibdib niya.

"Theo naman eh," Saad ko.

"Hindi ako mapapagod pagdating sa'yo."

Tiningnan ko siya. Hinalikan niya ako sa noo at tumingin siya sa puntod ni Papa. Umupo siya sa harap nun at nagsindi ng kandila. Inilapag niya ang bulaklak na dala at pagkain. Umupo naman ako sa tabi niya.

"Nakita kita na paparating kaya bumili na rin ako ng pagkain. Alam kong hindi ka pa kumakain." Saad niya at ibinigay ang pagkain sa akin.

"Thank you, kakagaling mo lang dito diba? Nakita ko kotse mo."

"Syempre, kailangan namin magusap ni Tito." Saad niya. "Alam mo ba, gumagaan ang loob ko kapag kausap ko si Tito."

"Sumasagot ba sa'yo?" Pagbibiro ko.

"Hindi pero alam kong nakikinig siya sa akin." Seryosong saad niya.

Kumain na lamang ako kasi nagbibiro lang naman ako sa kanya ay ganon na agad siya.

"Nagtataka nga rin ako kung bakit hindi ako napapagod na intindihin ka." Saad niya at pinaglaruan ang mga damo. "Siguro ay ganon kita kamahal. Yung kahit sobrang sakit o hirap intindihin, iintindihin ko pa rin yung sitwasyon."

"I'm sorry," Saad ko.

"It's okay,"

"Ngayon ay parang hindi na ako naniniwala kapag sinabi mo yan."

"Bakit? Okay lang naman talaga eh."

"Paano mo ako napapatawad?" Tumingin siya sa akin. "Nag- cheat ako sa'yo pero pinatawad mo pa rin ako. Paano yun?"

"Find the answer." Saad niya. "Gusto kong ikaw ang maghanap ng sagot sa ngayon. I don't want to spoil you anymore. Magagalit na si Tito sa akin."

"Paano kapag nahanao ko?"

"Pakakasalan na kita and I will live my whole life with you."

"Do you mean it?"

"Oo," Sagot niya at bumaling sa puntod ni Papa. "Tito, narinig mo yun ha. Kapag nalaman na niya ang sagot, papakasalan ko na siya. You don't need to worry about her. Ako na po ang bahala."

Napangiti ako at hinawi ang buhok na nakaharang sa mukha niya. Kinapitan ko ang kamay niya, pinisil naman niya ang kamay ko. Ipinatong ko ang ulo ko sa balikat niya.

"Theo," Saad ko.

"Yes, baby?"

"Anong gusto mo? Babae o lalaki?"

"If you're talking about our future children, I want both. And I want you more."

Ngumiti ako sa kanya at pinagpatuloy namin ang paguusap doon. Sa office niya na muna kami natulog dahil alam namin na galit pa rin si Oliver sa akin.

Kinabukasan ay hirap na hirap akong tumayo. Pumunta muna ako sa CR at pumunta sa kitchen niya. Ipinuyod ko ng mataas na ponytail ang buhok ko. Tiningnan ko ang mga pagkain na nasa ref.

Kumuha ako ng ilan na nandoon at nagluto ng adobo. Nagsaing na rin ako. Tiningnan ko ang coffee maker ni Theo. Napailing na lamang ako nang madiskubre na ibang- iba iyon sa coffe maker namin.

Nilagyan ko iyon ng coffee beans at in- on. Napahiyaw ako sa gulat nang bigla itong tumunog ng malakas.

"Oh, kalma."

Napatingin ako kay Theo na nasa likod ko na pala. Pumunta siya sa coffee maker niya at may pinindot na kung ano at biglang natahimik yung coffee maker.

"Good morning,"

"Good morning din." Saad ko at niyakap siya.

"I like your smell." Saad niya at inamoy ang buhok ko.

Nang maayos na namin ang kailangan naming ayusin para sa almusalan ay kumain na rin kami.

"Na-miss ko luto mo," Saad niya.

"Mamimiss mo talaga kasi ikaw ang palaging nagluluto."

"Sanaol shef," Saad niya.

"Chef hindi shef, parang tupa eh."

"Sheep yun hindi shef," Pagbiro niya ulit.

"Waley," Saad ko.

"I tried pero hindi talag ako magaling sa mga jokes, magaling lang magmahal sa'yo."

"Nga pala, punta tayo kila Tita sa Bicol." Saad ko at napatigil naman siyang kumain. "Matutuwa yun kapag nalaman nilang ikakasal na tayo."

"Sure pero I can't make it this week. Marami pa akong aayusin."

"Okay lang, I just want them to know. Hindi naman ako nagmamadali, take your time."

Sana'y Sa Susunod (LADS #1) // (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon