Nang matapos ang photoshoot namin kinabukasan ay inannounce ni Sol na lahat ng staff niya ay makakapunta sa exclusive resort ng pamilya niya to celebrate the success of the photoshoots. Gustong- gusto nilang lahat na isama ako kaya pumayag na lang ako.
Nang magsiuwian ay nagpresinta ulit si Sol na ihatid ako sa hotel. Nag- usap ulit kami ng mga bagay- bagay hanggang makarating sa hotel. Nagpaalam ulit ako sa kanya at pumunta na sa hotel room ko.
Nang makarating sa hotel ay dating gawi lang ang ginawa ko. Pero ngayon, inempake ko na ang mga gamit ko nang maayos at nagpahinga na agad- agad.
Nagising ako pagkaumaga nang mag- text sa akin si Sol na nasa labas daw siya ng kwarto ko. Naghilamos muna ako at tsaka binuksan ang pinto.
“Good morning,” bungad niya sa akin.
“Good morning din,” Saad ko at umurong ng konti para makapasok siya.
“Prepare yourself, lulutuan kita ng breakfast.” Saad niya.
“Sure ka? Pwede naman tayong kumain sa labas eh.”
“May dala na akong lulutoin oh,” Pinakita niya pa ang dala- dala niyang paper bag.
“Malay ko ba, ngayon ko lang nakita eh” Saad ko. “Mag- aasikaso na muna ako,”
Naligo na ako at inasikaso ang sarili. Nag- suot ako ng ripped jeans, crop top na peach at tsaka ng rubber shoes. Chinarge ko din muna ang cellphone ko para di ako maboring sa biyahe papunta doon.
Hindi ko namalayan ay bigla akong nagkatulog sa biyahe, pag- gising ko ay nakasandal na ako sa balikat ni Sol. Tumingin ako sa kanya at napatingin din siya sakin.
“Sige na, matulog ka pa, malayo- layo pa ang tatahakin natin.” Sabi niya at ngumiti.
Napatingin naman ako sa driver ng sasakyan niya. Nakita ko sa salamin na nakangiti ito. Umayos ako ng upo. Tinanggal ko ang earphones ko at biglang tumugtog sa player ng kotse ni Sol ang Sa Susunod na Habang Buhay ng Ben&Ben.
Napatingin ako kay Sol nang bigla niyang kantahin ang una at pangalawang linya ng kanta,
“Kaya namang makayanan kahit pa na nahihirapan
Kahit lungkot, dumaraan 'pag natuyo na ang luha”Nakatingin siya sa bintana habang kinakanta ang iba pang linga ng kanta. Sobrang pungay ng mata niya at ramdam na ramdam niya ang pagkanta para bang inaalay sa isang tao.
Nang tumigil siya sa pagkanta ay tumingin siya sa akin, ako naman ay daliang tumingin sa bintana na para bang may tinitingnan na iba.
“Ikaw ha, nakatingin ka sakin kanina. ” Sabi niya kaya napatingin ako bigla sa kanya at napatakip ng bibig sa gulat. Wow ha.
“Hindi kaya,”
“Naramdaman ko na nakatingin ka sa'kin kanina,” Saad niya at ngumiti. Ako naman ay napatingin na lang sa bintana.
I'm speechless. Para bang ang lalaking ito ay may mata sa tenga para makita akong nakatingin sa kanya habang nakatingin siya sa bintana. Dahil sa kahihiyan ay pinaglaruan ko na lamang ang kamay ko.
Kasabay naming dumating ang van kung saan nakasakay ang mga empleyado ni Sol sa resthouse nila. Nang makababa si Sol ay lumapit siya sa akin.
“Ayos lang ba sa'yo na sa isang kwarto tayong dalawa?” Tanong niya at mukhang nag- aalinlangan pa.
“Oo naman, wala ka naman atang gagawing masama sa akin no?” Saad ko at tumawa.
“Hindi ako ganong tao,” Saad niya at bumaling sa mga emoleyado. “Naka- ready na ang mga guest rooms, magpahinga na muna kayo tas kain tayo mamayang lunch time.”
Pumayag naman ang mga empleyado at nagsipasok na sa resthouse. Kinuha ko ang maleta ko sa likod ng kotse ni Sol ngunit kinuha niya yun sa kamay ko at nagpresintang siya na ang dadala. Inilibot ko ang paningin ko at napangiti sa view.
Pumasok na kaming dalawa doon at kitang- kita ko sa interior na mahilig talaga si Sol or someone who made this house is very fond with neutral colors. Pumasok kami sa elevator at pinindot niya ang top floor.
Bumungad saamin ang isang glass door na may pangmayaman syempre na may passcode kung ano man yun. Niregister niya ang kanyang fingerprint at pumasok na kaming dalawa. Malaki ang room na yun.
“Sa couch na lang ako matutulog mamaya,” Saad niya at ngumiti. “Magpahinga ka na muna, mag- aasikaso lang ako ng lunch nating lahat.”
Tumango ako at umalis na. Umupo ako sa kama at tinanggal ang sapatos. Hinila ko ang maleta ko papalapit sa kama. Inilibot ko ang paningin ko sa buong palapag na iyon nang biglang nakita ko ang mga frames na nakalagay sa taas ng cabinet na nasa baba ng TV.
Dahan- dahan akong naglakad papunta doon. Kinuha ko ang isang frame, at nandoon ang picture ni Sol na may kargang bata, parehas silang nakangiti. Napangiti din ako dahil sa picture na yun.
Tiningnan ko pa ang ibang mga litrato at isang litrato ang nakapukaw ng pansin ko, larawan ng isang babae. Batid ko ay kaedad lang namin iyon.
“Anong ginagawa mo?”
Ibinaba ko ang kapit kong frame at napatingin kay Sol.
“Uhm— tinitingnan ko lang yung mga pictures, sorry.” Saad ko at lumapit naman si Sol sa akin. Tinuro ko ang litrato ng babae at sinabing, “Girlfriend mo? Siya ba si Sol?”
Kinuha niya ang frame, tiningnan niya ito at ibinalik din kung nasaan yun.
“Tara na, maglunch na tayo sa baba.” Saad niya.
Ako naman ay sumunod na lang sa kanya. Nang makapunta sa garden ay lahat sila'y nandoon na. Magkatabi kami ni Sol. Lahat sila ay naguusap tungkol sa mga bagay- bagay at kami naman ni Sol ay tahimik lang habang kumakain.
Nang matapos iyon ay nagyayaan sila na pumunta sa seashore. Tumanggi naman ako kasi gusto ko na munang magpahinga. Pumunta ako sa kwarto ni Sol at doon ko lang naalala na hindi ko alam ang passcode ng kwarto niya.
Namalayan ko na lang na nasa likod ko na si Sol at pumunta siya sa may pinto. May pinindot siya na kung ano doon.
“Iregister mo fingerprint mo,” Saad niya.
Ginawa ko naman iyon. May pinindot pa siyang kung ano doon at pinaulit niya sa akin ang ginawa ko at nagbukas na ang glass door.
“Magpahinga ka na muna,” Sabi niya at ngumiti.
Pumalit na muna ako ng damit at natulog na muna.
BINABASA MO ANG
Sana'y Sa Susunod (LADS #1) // (Completed)
Romansa(Liwanag at Dilim Series #1) Si Louisa Diana 'Luna' Caison ay isang sikat na vlogger. Sa gitna ng kasikatan niya ay may naganyaya sa kanya na photogapher para sa isang photoshoot. Everything went smooth not until she went back to her home and real...