Wakas

504 16 14
                                    

Theodore Apollo's POV:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Theodore Apollo's POV:

Napatingin ako sa kaliwa sa kung saan may nag- aaway. Napasapo ako sa noo ko nang makitang si Louisa Diana ang isa sa nakikipag- away.

"Go Sanchez!" Saad ng isa sa mga nakapalibot sa kanilang dalawa.

Lumapit ako sa kanila at nakitang nag- aaway ag dalawang ito na kung sino talaga ang may pnakamataas na score. Pumikit silang dalawa at dahan- dahang inilahad ang mga answer sheet nila. Bumilang sila ng tatlo at minulat ang mata. Binatukan naman ni Louisa si Sanchez at nagtawanan silang dalawa.

Akala ko naman ay seryoso ang pinag- uusapan nila. Natapos ang klase ko at nakitang pumasok sa library si Louisa Diana. Umupo ako sa waiting area sa labas ng library at hinintay siyang makalabas. Napatingin ako sa relo ko at doon ko lamang napagtanto na gabi na.

Nag- aaral ata ng mabuti si Louisa Diana.

Napatayo ako nang bumukas ang pinto ng library. Umupo ulit ako nang makitang hindi iyon si Louisa Diana. Ilang beses na ganon ang nangyari at sa wakas ay si Louisa Diana na ang lumabas. Sinundan ko naman siya habang naglalakad ito palabas ng campus.

"I know that you're following me." Saad niya. Napatigil naman ako sa paglalakad. Lumingon siya sa akin at nagtanong. "Anong kailangan mo sa akin?"

"Wala naman. Gusto lang sana kitang ihatid pauwi." Saad ko.

Biglang namula ang pisngi niya at mas lalong humigput ang kapit niya sa mga librong dala. Tumalikod siya sa akin at naglakad palayo.

"Okay, bahala ka." Saad niya.

Napangiti naman ako nang sabihin niya iyon. Tumakbo ako at pumunta sa tabi niya.

"Ako na ang magdadala ng mga librong dala mo."

"Hindi, okay lang. Mabibigat ang mga libro. Mapapagod ka magdala." Saad niya.

"Kaya nga kinukuha ko sa'yo kasi mabibigat ang mga iyan at mapapagod ka magdala."

Napatigil siya sa paglalakad at ganon din ako. Namula na naman ang pisngi niya at ibinigay sa akin ang mga libro nang nanginginig ang mga kamay niya. Nginitian ko naman siya at ngumiti din siya sa akin.

"Theo," saad ko at inilahad ang kamay sa kanya.

"Luna,"

Nagkamayan kami at nagpatuloy nang maglakad papunta sa kanila. Naging ganon kami sa loob ng tatlong buwan. Sa loob ng tatlong buwan na iyon ay mas lalo kaming naging close. At sa loob ng tatlong buwan na iyon ay lumalim pa lalo ang nararamdaman ko sa kanya.

"Nagtataka ako ha, bakit palagi mo akong inihahatid sa bahay namin?" Tanong niya habang naglalakad kami. Agad akong kinabahan sa tanong niya.

"Wala naman," Sagot ko at ngumiti na lamang sa kanya.

"Sure ka?" Tanong niya, tumango nalang ako, "Kain na muna tayo, libre ko."

"Hindi okay lang, ako na lang magbabayad."

Sana'y Sa Susunod (LADS #1) // (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon