Kabanata 28

263 16 0
                                    

Hindi ko maggawang tapusin ang ginagawa ko dahil energetic pa rin ang mga anak ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hindi ko maggawang tapusin ang ginagawa ko dahil energetic pa rin ang mga anak ko. Kanina pa sila naglalaro sa kwarto sa malaki nilang crib. Hindi ko sila maiwan- iwan dahil baka mamaya ay  umakyat ang mga ito paalis sa crib nila.

"Mom, I'm over 26 months." Saad ni Apollo.

"So?" Saad ko.

"I want to go out here."

"No, Apollo."

Bumuntong- hininga na lamang ito. Kinarga ko siya at sinubukang patulugin. Sa mahigit dalawang taon nilang buhay ay nadiskubre ko na parehas silang matalino, lalong- lalo na si Apollo. Madali para sa kanya ang makabisa ng mga salita. Si Diana naman ay mahilig mag- drawing. Paminsan- minsan nga'y binibigyan niya ako ng idea, na kung ano ba ang pwede kong ipaint.

This two angels become my life ever since. Sobra akong natutuwa na dumating sila sa buhay ko. Pero syempre, nalulungkot din ako dahil hindi nakikita ni Theo ang paglaki nila. Hanggang ngayon ay wala pa rin akong nababalitaan tungkol kay Theo. Naghanap na rin ako ng investigator pero wala siyang nakukuhang impormasyon. Sinayang ko lamang ang pera ko.

Nang nakatulog na si Apollo ay itinabi ko siya kay Diana na kanina pa tulog. Umupo ako sa kama ko at kinuha ang laptop ko. Ngayon ay pina- finalize ko na lang ang mga preparations para sa art exhibit ko next week.

Oo, pinursue ko na talaga ang passion ko and it turns out na successful ang pag- pursue ko nun.

Tiningnan ko ang mga kasama sa guest list. Naroroon ang mga mayayamang kumpanya sa buong mundo. Karamihan nun ay mga companies na naghohold ng mga hotels, café at tsaka mga restaurants. Ni- finalize ko na rin ang auction ng mga paintings ko next next week. Magkakaparehas lang rin ang mga invited guests doon.

Napatingin ako sa relo ko at nakitang alas- tres na ng hapon. Tiningnan ko muna ang mga anak ko bago bumaba at kumain ng tanghalian. Binilisan ko lang ang kain ko dahil baka magising na ang mga anak ko. Nang matapos ay bumalik na ako ulit sa kwarto ko.

May kumatok sa bukas na pinto ng kwarto ko at si Isaiah iyon. Nginitian ko siya.

"Maliligo muna ako, bantayan mo na muna sila." Saad ko.

Inasikaso ko na muna ang sarili ko. May balak kasi akong ilakad sa labas ang mga bata pero mahirap dahil mag- isa lang ako kaya cinontact ko si Isaiah para tumulong sa akin. Nagsuot na muna ako ng oversized shirt at shorts.

Nang magising na ang mga bata ay inasikaso ko na rin sila. Nang matapos mag- asikaso sa kanila ay nag- leggings na ako. Kinarga ko si Apollo at Diana, at si Isaiah naman ay inilabas ang stroller ng dalawa. Inayos ko silang dalawa at nagsimula na kaming maglakad- lakad.

"Miss mo na ba si Kuya Theo?" Biglaang tanong ni Isaiah.

"Oo naman," Sagot ko nang hindi tumitingin sa kanya.

"Miss ka na rin nun, magtiwala ka lang sa kanya."

Hindi ako sumagot. Isaiah and Eleazar keep telling me to trust Theo but as time passes, unti- unting nawawala yung tiwala ko. Pero kahit ganon ay pinipilit kong magtiwala pa rin sa kanya.

"Ate Luna, mag- ingat kayong tatlo ha?"

"Out of nowhere topic na naman," Pagbibiro ko.

"Seryoso ako, Ate Luna. Mag- iingat kayo. Huwag kayong lumabas kung hindi niyo kami kasama ni Eleazar."

"How about my exhibit? Hindi ako magpapakita?"

"Iwan mo na lang yung mga bata kay Tita, please."

"I will surely do that. May nararamdaman akong may mangyayaring masama sa kanila kapag sinama ko sila doon at sa auction."

"We'll see. Kahit tayo- tayo na muna ang lumabas sa public. I know that there will be media in your exhibit and auction. Mahirap na kapag nakita nila ang mga bata."

Tumango ako sa kanya dahil tama naman siya. Mahirap na. Lalo na't hindi mahagilap si Theo ngayon.

"Do you know where— nevermind."

"Hindi ko alam kung nasaan siya." Sagot ni Isaiah na alam na kung sinong tinutukoy ko.

Napatingin ako sa langit at nakitang makulimlim iyon. Nagmadali kaming umuwi dahil baka biglang umulan. Nang makauwi sa bahay ay si Isaiah ang nag- alaga ng mga bata. Ako naman ay nag- asikaso para pumunta sa location ng event.

Sumakay ako sa kotse ko at minaneho iyon papunta doon. Pumasok ako doon at nakitang naka- ready na ang lahat maliban sa mga paintings. Ilalagay ang mga paintings bago ang exhibit, madaling- araw iyon ilalagay. Napatingin ako sa mga titles na nakalagay na doon.

Napatingin ako sa isang dingding na paglalagyan ng tatlong paintings na galing kay Diana ang mga ideas noon. Napangiti ako nang maalala ang pag- suggest niya sa akin noon. Natatawa pa ako nang maalala na nauutal- utal pa siya nun at hindi maiexplain ng maayos ang gusto niya. Naalala ko pa na hirap na hirap pa akong intindihin ang mga iyon.

"Mommy! I have an idea." Saad niya sa akin.

"What is it?"

"Ideas rather. Tatlo yun, Mommy, tatlo yun!" Masayang saad niya. "Ipaint mo po yung tatlong yun."

"Let's see, anak, if kaya ni Mommy."

"The first one is, the girl is holding an— what do you call that? — umbrella, yes, umbrella and the guy is parang nakatalikod po to her." Konyong saad ni Diana.

"Bakit naman nakapayong yung babae?"

"Because its raining. The boy is soaking wet and the girl is not. The second one is that the girl is acting in a place full of red curtains and props at the back while a silhouette guy or a shadow of him— I don't know is watching her."

"And the third one?"

"The girl has a painful life but she's smiling and the guy is holding her hand. Like the guy is on the top of a stair or ladder like this," Saad niya at dinemo pa "...and the girl is at the bottom and the both of them are holding each other's hand."

"Ma'am, what do you think?" Saad ng isang empleyado ng event's place na ito.

"It's nice. I'll be checking again this venue the day before the exhibit."

"You can also check the venue for the auction the same day before the exhibit, if you want."

"Go on,"

"Okay, Ma'am, I'll book an appointment for that."

"Thank you." Saad ko. Ngumiti ang empleyado sa akin at umalis.

Ang pinili kong venue ay may sister- venue, alam niyo na. Both of the venue are connected to each other. Palibhasa'y magkapatid ang may ari nito at imbes na makipag- kumpetensya sila sa isa't isa ay nagtutulongan na lang sila.

Sana'y Sa Susunod (LADS #1) // (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon