Kabanata 10

389 19 5
                                    

Nang sabihin niya iyon ay bigla kong naalala ang mga ginawa ko nung naglasing ako, lalong- lalo na yung halikan namin ni Sol

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nang sabihin niya iyon ay bigla kong naalala ang mga ginawa ko nung naglasing ako, lalong- lalo na yung halikan namin ni Sol.

"I miss you!" Saad ni Theodore sa akin at ngumiti pa.

"I miss you too." Saad ko.

"Dito muna ako magi- stay. I have something to do with my businesses here. Tapos nagtext sa akin si tita na bumalik na daw si Eleazar at dito na lang ako tumuloy." Hinawi niya ulit ang buhok ko. "Is it okay?"

"Oo naman, nagi- stay ka din naman dito dati eh."

"Gulat na gulat ka kanina na nandito ako ah." Saad niya.

Sa totoo lang, hindi naman ako nagulat sa pagdating niya. Nung nakita ko siya ay naalala ko ang mga katangahan na ginawa ko sa Pilipinas.

"Kamusta Pinas? Sasamahan sana kita kaso may business trip ako that time sa Toronto." Napabuntong- hininga ulit ako. "Kanina ka pa gumaganyan, parang dismayado ka na nandito ako."

Ngumiti siya ng pilit at parang may kumurot sa puso ko.

"Sorry, wala lang kasi ako sa mood magkwento." Saad ko.

"It's okay, I understand."

"Kamusta ka na, Kuya Theo?" Tanong ni Eleazar at umupo sa kabilang sofa.

"Okay lang, busy pero kinakaya pa naman." Sagot niya at umakbay sa akin. "Labas tayo bukas."

"Gusto kong magpahinga bukas, Kuya Theo, kaya kayo na lang ni Ate Diana."

"Oo nga, namiss mo ako diba?" Saad ko kay Theo kasi alam kong masakit pa para kay Eleazar ang nangyari at kailangan niya munang mapagisa.

"Sige, baby." Saad ni Theo at ngumiti sa akin. Hinalikan niya pa ako sa noo at pumikit naman ako.

"Baduy niyo!" Singhal ni Isaiah pag kamulat ko.

"Ikaw talagang bata ka. Maka- baduy 'to, ikaw kapag may iniyakan kang babae lagot ka sa akin—"

"Babae ang iiyak sa akin." Pagputol ni  Isaiah sa sinabi ni Theo.

"Tingnan natin," Pag- gatong ko naman.

Kumindat ulit siya sa akin at binato naman siya ni Theo ng unan. Nagdabog ito paalis at kaming tatlo na lang ulit ang natira.

"Gusto ko rin matutong magluto, Kuya Theo." Saad ni Eleazar.

"Tuturuan kita minsan o kaya naman pumunta ka sa ilang brances ng restaurant ko basta sabihin mo sa akin kung saan tapos papaturuan kita sa mga head chefs ko." Saad ni Theo at ngumiti sa kanya.

Habang naguusap sila ay aakbay sa akin si Theo o kaya naman ay hahaplusin ang buhok ko at ibabalot ang bewang ko gamit ang braso niyang maugat.

Napatitig ako sa mukha ni Theo at kitang- kita na pagod na siya. Maya- maya ay umalis na si Eleazar para kausapin naman ang iba. Napabaling siya sa akin at ngumiti. Naalala ko si Sol.

Bumalik si Eleazar at sinabing,

"Tawag kayong dalawa doon."

Tumayo kaming dalawa ni Theo at pumunta sa dining area. Umupo kaming dalawa.

"Oh diba? They look good together." Saad ng nanay nila Isaiah.

"Gusto ko na nga magkaapo eh." Saad naman ng Nanay ko.

Gulat na gulat ako samantalang si Theo ay natawa na lang at kinapitan ang kamay ko sa baba ng lamesa.

"Kailan ba kayo ikakasal? Excited na ako maging ninang." Saad ulit ng nanay nila Isaiah.

"As long as gusto na po ni Luna, wala pong problema sa akin." Sabi ni Theo at lahat naman sila'y napatingin sa akin.

"Uhm— hindi po ata muna ngayong taon." Saad ko at lahat naman sila ay nadismaya.

"Maybe next year?" Suhestiyon ni Theo at natuwa naman sila.

Napakakomplikado nang usapang ito para sa akin, ewan ko ba kung bakit. Dati naman ay tuwang- tuwa ako pero ngayon hindi na. 

Pagkabukas ay lumabasa nga kami ni Theo. Hindi ako sanay na ganito siya. Sobrang tahimik niya ngayon at hindi man lang ako maggawang tingnan.

Nagmaneho na siya papunta sa mall dahil may bibilhin raw siya doon. Nagaalinlangan pa nga ako sumama dahil hindi ko matanggap ang nagawa ko.

I cheated on him.

Kinapitan ko ang kamay niya na nasa manibela pero hinawi niya iyon.

"Nagmamaneho ako," Malamig na saad niya.

Napatingin na lamang ako sa labas. Kailanman ay hindi naging ganito sa akin si Theo. Nang makarating sa mall ay bumaba na siya. Hinintay ko siyang pagbuksan niya ako ng pinto pero hindi niya yun ginawa. Kaya bumaba na lamang ako at sumunod sa kanya.

Pumunta kami sa isang clothing botique at pumili siya ng mga suits doon. Pumunta siya sa dressing room at ako naman ay umupo sa sofang naroroon. Ilang minuto na siyang naroroon pero hindi pa rin siya lumalabas.

Pagkalaunan ay lumabas siya pero yung damit pa rin niya kanina ang suot niya.

"I'll take these," Saad niya at ibinigay ang ilang suits sa saleslady.

Hindi niya hiningi ang opinyon ko. Nasanay ako na kapag pumupunta kami sa ganito ay hihingiin niya opinyon ko o kaya naman ay tatanungin ako kung maganda ba iyon o sakto lamang sa kanya.

Naluluha ako. Nang makuha niya ang mga pinamili ay pumunta naman kami sa isang kainan. Nagorder siya at maya- maya ay kumain na din kami. Konti lang ang nakain ko at nawalan na ako ng gana.

Inurong ko ang plato ko at napatingin na lang sa baba. Ikiniskis ko ang mga daliri ko sa isa't isa.

"Kumain ka pa," Malamig na saad niya.

"Busog na ako." Sagot ko nang hindi tumitingin sa kanya.

Hindi na siya sumagot at hindi na rin siya kumain.

"Umuwi na tayo," Saad niya.

Hindi pa siya nakakatayo ay tumayo na ako at nagmadaling pumunta sa parking lot. Pumasok ako sa kotse niya at padabog na sinara ang pinto. Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko.

Pumasok na sa kotse si Theo at ako naman ay tumingin na lamang sa labas habang umiiyak.

"I'm sorry, nagmamaneho kasi ako kanina." Saad niya.

Bakit? Nagmamaneho ka ba sa loob nung dressing room? Nagmamaneho ka ba habang naglalakad tayo kaya nauuna ka?

Hindi ko siya sinagot.

"Eto na talaga, nanghihinayang kasi ako na hindi pa tayo kasal." Saad niya.

Napatingin ako sa kanya. Pinunasan niya ang luha ko.

"Bakit hindi mo ako pinapansin kanina?" Tanong ko.

"May iniisip lang ako."

Sana'y Sa Susunod (LADS #1) // (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon